CHAPTER 73

924 27 0
                                    

"Anei Stymaeson Povs"

Nag-umpisa nang magpatugtog ng sweet dance. Dito ay kung saan magsasayaw ang mga couples.

Ito lang ako nakaupo mag-isa sa table. Habang ang mga kasama ko nasa dance floor na at sinasayaw ng mga ka-date nila. Nagmumukha tuloy akong loner dito. Chydrick? Ayun may pinuntahan. Emergency daw. Pero babalik naman daw sya para sa akin. Kaya nawalan ako ng ka-date. Saklap nga naman.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Xiumin sa kabilang table kasama si Eya which is ka-date nga nya, umiwas agad ako ng tingin ng mapansin kong nakatingin pala sya sa akin. Jusko! Ano ba yan Anei! Ang kulit naman kasi ng mata mo.

Tumingin na lang ako sa mga kaibigan kong kasayaw ang mga taong mahal nila. Nakakatuwang pagmasdan na ang saya ng lovelife nila habang ako napag-iwanan na ata.

Naisipan kong tumayo at lumabas muna nang event. Pumunta akong garden. Ang gandang pagmasdan ng kalangitan lalo na ang mga bituing nagkikislapan sa langit. Hanggang dito maririnig mo pa rin ang tugtog mula sa loob.

Di ko namalayan na kusa ng tumutulo ang mga luha ko. Di ko alam basta ang nararamdaman ko ngayon ay nalulungkot ako. Malas siguro ako. Ewan ko ba!

Simula umpisa malas ako sa buhay. Ako nga ang naging dahilan nang pagka-nerdy namin. Hayyss~

Maya-maya lang naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko dahilan para tingnan ko sya. Nagulat na lang ako. As in unexpected. Speechless ako. Hanggang sa tumingin na rin sya sa akin ng may ngiti.

"May I dance you?"

Sabi nya ng may ngiti pa rin.

Kusa namang tumango-tango ako bilang sagot ko sa kanya.

Sinabayan namin ang tugtog mula sa loob. Bakit ganito? Ambilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kanya? Tsaka bakit ganito sya? May sakit na naman ba sya? Naninibago ako kapag ganito ang trato nya sa akin.

"Stop crying my girl. I'm here now. Don't be sad. I love you Anei~ " -Xiumin

Sa sinabi nyang yun kusa naman akong napangiti. Ewan ko. Biglang gumaan ang pakiramdam ko. Nawala yung lungkot na nararamdaman ko kanina at napalitan ngayon ng saya. Ambilis ng tibok ng puso ko. Patuloy lang kaming sumasayaw at nakikisabay sa tugtugin sa loob.

Hanggang sa niyakap ko sya pero patuloy pa rin kami sa pag-sway. Ewan ko ba. Napaka-bilis ng tibok ng puso ko. Mahal ko ba sya? Di ko pa alam. At ayokong pangunahan ang nararamdaman ko. Gusto kong alamin kung para sa kanya ba ang tinitibok ng puso kong to. Kung mahal ko na nga ba sya.

"Anei~"-Xiumin

Bulong nya sa akin habang nakayakap pa rin at patuloy sa pag-sway.

"Hmm..."-ako

"Can I court you? I'm serious"-Xiumin

"Yes. You can"-ako

Kusa na lang lumabas sa bibig ko. Di ko akalain na nakangiti na pala ako. Lalong humigpit ang pagkakayakap nya sa akin. Pakiramdam ko safe ako at komportable ako sa feeling nya.

"Chydrick Hyung Povs"

Nakaupo kaming lahat sa table. Bale hiwa-hiwalay ang pwesto namin. Kasi kada-isang table meron lang 6 na upuan.

Natutuwa ako kasi ka-date ko ngayon si Anei. Bakla man pakinggan pero kinikilig ako kapag tuwing naiisip ko na kasama ko ang taong mahal ko.

'She's beautiful and gorgeous tonight'

Sabi ko na lang sa isipan ko habang nakatingin sa kanya. Maya-maya lang napatingin din sya sa akin at sabay ngiti. At ganun din ako sa kanya.

Nag-ring ang phohe ko. Sumenyas naman sa akin si Anei na sagutin ko daw ang tawag. Malas naman oh. Panira talaga. Istorbo! Lumabas ako ng event para sagutin ang tawag.

Tiningnan ko kung sino ang caller kaso undial number. Sino naman tong istorbo?

[Hello? Who's this?] - ako

[Aww! Nevermind, I miss you] - Alisa

Nang marinig ko ang boses sa kabilang linya ay nagising ang diwa ko. She's here?

[I don't miss you. Why are you calling? ] - ako

Sabi ko ng walang gana.

[I hate you. I miss you. Damn this!] - Alisa

Nakarinig naman ako ng malakas na tugtugan sa kabilang linya. Nasa bar ba sya?

[Where are you?]-ako

[I'm in the party. Yeah~ It's cool] - Alisa

Nasa bar nga sya. Hayss! Di pa rin nagbabago ang babaeng ito. Puro party pa rin sya. Hanggang dito ba naman party pa rin ang inaatupag.

[Go home and take a sleep]-ako

[I don't wanna. It's boring kinda. Join me here Drick! Let's party! Whooooaaa~] - Alisa

Lasing na nga sya. Hayss! Naku naman kapag minamalas ka nga naman.

[Tell me, Where bar are you?]-ako

Pagkatapos nyang sabihin ay agad akong nagpaalam kay Anei na may emergency lang. Di kasi kakayanin ng konsensya ko kapag may nangyare sa babaeng yun. Kahit papano naging kaibigan ko rin sya. Nang makarating ako ay agad ko syang hinanap at nakita ko naman agad sya sa isang table. Nakatulog na ang babae. Jusko!

Lumapit agad ako at inakay ko na sya palabas ng bar. Di ko na lang pinansin yung mga babaeng kasama nya sa bar which is mga bagong kakilala na naman nya. Malas nga naman.

Sinakay ko sya sa sasakyan. Bale nasa backseat kaming parehas kasi kasama ko si Manong sya ang magmamaneho.

"Hey! Wake up. Where's your home?"-ako

Sinabi naman nya kahit na antok na antok na. Kaya diretso agad kami ni Manong. Pagkatapos ay kinuha ko ang susi ng apartment nya at binuksan ito. Inihatid ko sya agad sa kwarto nya. Inayos ko ang pagkakahiga nya sa kama.

Aalis na sana ako ng hawakan nya ang kamay ko.

"Stay here"-Alisa

"No. I have to go, there's someone waiting for me"-ako

"Please stay here. I miss you Drick"-Alisa

"No. Let's talk tomorrow. I need to go" -ako

Inalis ko ang pagkakahawak ng kamay nya sa kamay ko. Bukas ko na lang sya kakausapin. Mas kelangan kong bumalik sa event.

Agad na akong nagpahatid kay manong pabalik ulit sa event. Nang makarating ay di ko alam kung bakit kusang naglalakad ako papunta sa garden. Weird. Hanggang sa makita ko sila Anei at Xiumin na magka-yakap. Awww! Ansakit sobra.

Bakit ganito? Sobrang sakit. Yung tipong ang hirap huminga ng makita ko silang magka-yakap.

Di ko namalayan na tumutulo na ang mga luha ko.

Abangan...

Famous Boys Meets Beautiful Nerdy GirlsМесто, где живут истории. Откройте их для себя