CHAPTER 62

1K 20 0
                                    

"Jhenica Lee Povs"

[Apat na araw ang nakalipas]

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, syempre walang magawa kaya heto nakahiga lang at nakatulala sa may kisame.

Lahat kasi sila may lakad samantalang ako nandito sa bahay nag-iisang nakatulala.

Si Erza, may date daw sila ni Chanyeol.

Si Unnie Choi, same lang naman kay Erza may date din sila ni Kris.

Si Rica, ganun din naman. Date sya kay Kai.

Puro date? Palibhasa may mga lovelife na ang mga luka. Ako? Nganga! Gusto nila iba-ibang lugar sila mag-date ng masolo daw ang isa't-isa.Naku naman. Edi sila na meron.

Anei? Ayun nasa bahay nila kung saan talaga ang tunay na tirahan, sinamahan ang Mama nya. Nakikipag-bonding muna ganun.

Kami na lang pala ni Anei ang wala pang lovelife. Atleast may karamay ako. Di ako nag-iisa.

Ano bang pwedeng magawa? Kaboring!

Tumayo ako at diretsong pumuntang kusina. Nakaramdam kasi ako ng gutom.Kesa naman tumunganga na lang ako sa kwarto ko.

Naisipan kong magluto na lang ng siomai, bale steam ko na lang. Lalo tuloy akong nagutom. Naisip ko ring magluto din ng fries. Achieve sa pagkain wala akong kahati. Ansaya!

Maya-maya ay narinig kong may kumatok. Sino naman kaya yung istorbo taong yun? Joke!

Diretso akong pumunta sa pintuan ng matingnan ang taong nang-iistorbo. Imbes na food na ang focus ko may iistorbo pa. Pagkabukas ko nanlaki ang mata ko. Seriously? Andito sya? Wae?

Ano bang ginagawa nitong taong ito dito? Istorbo!

"Hi!"-Sehun

Nakangiti nya pang sabi habang ako ay napairap na lang.

"Anong kelangan mo?"-ako

Masungit kong sabi.

"Alam kong wala kang kasama kasi lahat sila busy. Right?"-Sehun

"Ano ngayon?"-ako

"Samahan kita! Papasukin mo naman ang bisita mo"-Sehun

Sabay pasok sya ng diretso sa bahay kahit wala pa akong pahintulot.Ugh! Kainis. Isinarado ko na lang ng padabog ang pintuan. Wala naman akong magagawa. Nakapasok na eh, alanganang pilitin ko pang palabasin yan, sayang lang oras ko. Kasi alam kong di naman yan lalabas.

So kasama ko ngayon ang mokong nato! Ano ba yan! Kung minamalas ka nga naman.

Pabalik na ako papunta sa kusina ng mapansin kong wala sya sa sala.

Asan yun?

"Nagluluto ka pala"-Sehun

WHAT! NASA KUSINA SYA.

Kaya agad naman akong pumunta sa kusina, nakita ko naman sya na nakapwesto na sa mesa ng nakangiti.

"Bakit ka ba kasi nandito?"-ako

Inis kong sabi sa kanya, at binalik ang pansin ko sa niluluto kong fries.

"Para samahan ka"-Sehun

"Di ko kelangan"-ako

"Wag ka nang mahiya.Samahan naman kita eh"-Sehun

Feeler masyado!

Kulet naman ng lalakeng ito. May istorbo pa tuloy. May kahati na ako sa pagkain ko. Nakow naman imbes na solo ko lang.

***

Famous Boys Meets Beautiful Nerdy GirlsOnde histórias criam vida. Descubra agora