CHAPTER 45

1.2K 25 0
                                    

"Sehun Oh Povs"

Nasa may bahay kami ngayon nila Kai,nakatambay at nag-iisip na rin ng plano.Plano para sa akin.Gusto ko naman na mag effort din ako para kay Jhenica para patunayan na mahal ko talaga sya na hindi ako nagbibiro ng nararamdaman ko para sa kanya.

Sila Anei?Nagba-bonding sa SM.Sabado naman kasi.Tsaka gusto daw nila mag-bonding silang magkakaibigan ng walang ibang kasama kundi silang lima lang.Para daw masulit nila ang araw ng sabado at para na rin daw walang istorbo,di na raw kasi sila nakakapag-bonding magkakasama.

Si Chydrick may gagawin daw kaya di namin sya kasama ngayon.Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko.Kaya naman agad kong kinuha sa bulsa.May nag-text pala.Kaya agad kong inopen ang message baka kasi importante.

To:Sehun

[Open ka ng skype!May sasabihin akong importante]

From:Luhan

LUHAN?Tagal din nyang di nagparamdam sa amin.Pati na rin sila Tao at Lay.Mga apat na buwan na rin siguro na di kami nakakapag-usap ayon sa pagkakatanda ko.Bakit kaya ngayon lang to nagparamdam?Siguro sobrang importante ng sasabihin nya.Agad kong inopen ang skype sa phone ko.

Nakita kong online din sya.Nag-call agad sya kaya naman agad kong sinagot.Nakita ko sya sa screen.

"Yow!"-ako

"Heyo!Asan ang iba?"-Luhan

Agad ko namang tinutok ang camera sa mga kasama kong busy at may kanya-kanyang mundo.Akala ko ba nag-iisip kami ng plano?Nagka-kanyang mundo pala.

"GUYS!"-Luhan

Sigaw ni Luhan mula sa screen kaya naman napatingin sila.

"Si Luhan!"-Suho

"Yow!Musta na?"-Kai

"Ayos lang naman!Kayo?"-Luhan

"Ayos lang din.Matagal-tagal ka ding di nagparamdam"-ako

"Pasensya na.May pinagkaabalahan lang."-Luhan

"Asan sila Tao at Lay?"-Chen

Tinutok naman ni Luhan ang camera kanila Tao at Lay na busy sa paglalaro ng computer.

"Tama na yan Tao at Lay!Kwentuhan na"-Baekhyun

Naagaw naman ang atensyon nila kaya nakisama na rin sila sa usapan sa screen.Marami-rami ding kaming napag-kwentuhan.Na-ikwento ko nga rin yung love story ko kay Jhenica kahit sila Kai at Kris.Si Chanyeol ayaw naman nya i-kwento kasi di pa naman raw sila.Anong masama sa i-kwento kung di pa sila?Ako nga di pa kami eh.Ike-kwento na lang daw nya kapag naging sila na o kaya naman kapag nandito na sila.Kahit si Luhan nag kwento rin.

"Sa susunod na pag-uusap natin sa skype Luhan ipapakilala ko sayo ang girlfriend ko!"-Kai

"Ako rin ipapakilala ko sayo!"-Kris

"Syempre naman ako rin ipapakilala ko ang..."-ako

Napatingin naman silang lahat sa akin.

"...Ang nililigawan ko!"-ako

"Ayos yan!Ikaw Chanyeol?"-Lay

"Makikilala nyo rin sya"-Chanyeol

"Di na kailangan.Kasi baka bukas makikilala rin namin yan sa personal mismo!"-Luhan

Medyo naguluhan kami sa sinabi nya.Paano nya makikilala sa personal,nasa korea nga sya.

"Nga pala may balita ako sa inyo sa tingin ko good news naman"-Luhan

Famous Boys Meets Beautiful Nerdy GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon