CHAPTER 16

1.6K 38 4
                                    

"Anei Stymaeson POVS"

Nasa kwarto ko kami ngayon at nagme-meryenda. Ayoko naman pumunta sa sala kasi nandon sila. Baka makaistorbo lang kami sa movie marathon nila doon. Nakakahiya naman kasi, feeling at home lagi sila. Si Kuya Tenga naman di na nasanay, nagtatanong pa kung bakit kasama ko si Topher. Lagi naman syang bumibisita noon ngayon lang naulit. 

"Anei, mag-movie marathon din tayo."-Topher

"Movie marathon? "-Ako

"Oo, kakasabi ko lang. Inuulit mo naman. "-Topher

"Ano namang klaseng palabas? "-Ako

"Horror!"-Topher 

Umakto pa sya na parang nakakatakot.

"Ayaw ko nun mas gusto ko ng cartoon."-Ako

"Horror mas maganda para may thrill."-Topher

"Cartoon na lang please."-Ako 

Sabay pinagsama ko ang dalawang palad ko na para bang nagda-dasal habang nakiki-usap sa kanya.

"Oo na! Di naman kita matitiis."-Topher

"Yehey! Alam ko naman na di mo ako matitiis."-Ako

Napabuntong-hininga na lamang ito.

"Tsaka alam mo naman na takot ako sa Horror tapos manonood tayo ng ganon! Jinja?"-Ako

"Kasi nga... "-Topher 

Pabulong na sabi nya kaya di ko marinig.

"Ano? "-Ako

"Wala sabi ko kunin mo na yung cartoon na palabas na papanoorin natin."-Topher

"Opo Sir! Pupunta lang muna ako sa baba."-Ako

"Bakit naman?"-Topher

"Kukunin ko po yung CD na panonoorin natin nandon kaya sa sala naka-display. "-Ako

"Samahan na kita. "-Topher

"Kaja!"-Ako

Tumayo na ako sa pagka-kaupo namin sa sahig at pati rin sya ay tumayo na rin. Buti naman nag-kusang loob syang mag-sabi na sasamahan nya ako kasi kung hindi nya ako sasamahan pipilitin ko sya. Ayoko kaya mag-isang bumaba doon sa sala tapos kukunin ko pa yung CD, baka naman kasi makaistorbo ako at makaabala sa kanila. Feeling at home kasi sila. Tsk!

Naisipan ko na rin na kumuha ng snacks sa refrigerator kahit na kaka-meryenda lang namin alam nyo naman ako meron atang dragon na naka-tago sa loob ng tiyan ko. Nang nasa baba na kami ay agad akong pumunta sa lagayan ng CD kung saan malapit ito sa TV. Tumabi naman sa akin si Topher at tinulungan nya akong mag-hanap ng panonoorin namin na CD na cartoon. Nakaupo nga kami sa harap ng TV. Doon ba naman kasi sa ilalim nakalagay yung mga CD. 

"Anong ginagawa nyo? "-Baekhyun

"Oy! Ano yan? "-Sehun

Bigla naman silang lumapit para tingnan kung ano ginagawa namin. Epal talaga!

"Manonood din kayo ng CD?"-Baekhyun

"Mianhae! Ginagamit namin ang TV nyo! "-Sehun 

At dumila pa ito sa amin na para bang nang-aasar pa. Gusto ata nila ng away pagbi-bigyan ko sila.

"Manonood kami pero hindi naman dito sa kwarto ko kaya isaksak nyo sa baga nyo yang TV namin. "-Ako

Mukhang nagulat sila Sehun at Baekhyun. Buti nga sa kanila! Feeling naman kasi aagawin ko yung TV sa kanila. 

Famous Boys Meets Beautiful Nerdy GirlsWhere stories live. Discover now