CHAPTER 28

1.4K 35 2
                                    

"Anei Stymaeson Povs"

Di ko talaga mabura-bura sa isip ko yung nangyare nung Monday ng gabi para kaming ewang tatlo. Nakatago ba naman sa may damo. Ako pa sinisi nung dalwa nung nahuli kami kasi daw ang ingay ko. Ang kati-kati kaya magtago sa damo lalo na baka may makita pa akong bulate na gumagapang dyan.

Nalaman lahat namin ang katotohanan. Sinabi na lahat ni Erza ang totoo. Nakakainis lang isipin na sinaktan nya yung BFF ko na si Erza nung narinig ko yung name nung boy na Luhan parang familiar kaso di ko tanda. Kahit kaming apat familiar yung name kaso di naman namin tanda kung alam nga namin kung sino yun.

[Pagkalipas ng isang buwan]

[School]

Nasa school kami ngayon, syempre naman may pasok dahil thursday. Ganun pa rin naman ang laging nangyayare ang makipagbangayan sa EXO, tawanan kaming magkakaibigan, bonding-bonding,asaran, pikunan. Di pa rin nawawala ang war namin sa pagitan ng EXO.

Medyo masaya pala makipag war sa kanila, minsan kasi talo at masaya na kami doon kasi achievement na namin yun ang matalo at makita silang mainis. Gusto namin na hanggang sa dulo ay sila yung kusang susuko. Isang buwan na rin pala kaming nagbabayangan.

Ngayon papunta na kami sa room namin. Naglalakad kami ngayon sa hallway papuntang classroom. Si Choi naman ay nauna na pumunta sa school nya kung saan ay katapat lang ng school namin.Remember college na sya.

Habang naglalakad kami ay nasanay na kami sa mga tingin sa amin ng mga tao. Tingin na isang buwan na rin naming nakasanayan . Porket ba nerd kami maliban kay Erza ay ganyan na sila umasta sa amin. Di ko na lang sila pinapansin, pinapabayaan ko na lang sila. Wala naman akong mapapala.

Habang naglalakad ay may nakita akong familiar na mukha ng babae. Di ko tanda kung saan ko sya nakita. Narinig ko naman na nagpaparinig pa sya.

"Ano ba yan nakakasira naman ng paligid! " - Girl 1

Agad ko namang napansin si Jhenica na tumaas ang kilay sa narinig nya. Alam nya kasing kami ang pinapatamaan nung babae. Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad kaso bigla syang humarang sa harapan namin kaya naman ay napahinto kami.

"Wow! Nice to see you again mga panget."-Girl 1

Ano daw? Nice to see you again. Nagkita na ba kami? Familiar yung mukha nya sa akin kaso di ko talaga maalala. Nakita ko naman na pati sina Jhenica at Rica ay pilit na iniintindi ang sinasabi nung babae habang si Erza naman ay nakataas na ang kilay.

"Huwag nyong sabihin na di nyo ako naalala?"-Girl 1

"Sino ka ba? Kung makaasta ka sa mga kaibigan ko parang minamaliit mo."-Erza

"Mukhang new friend ka nila o baka plastik na kaibigan ka lang?" -Girl 1

"Aba! Sumosobra ka ah!"-Erza

"Sino ka ba? Huwag mo ng paligoy-liguyin! "-Jhenica

"Well ako lang naman yung girl na nakipagsagutan sa inyo nung nasa mall tayo. Kaso biglang dumating ang mga poging nilalang. Nakakagulat nga na sinabi nila na girlfriend nila kayo as in di kapani-paniwala." -Girl 1

Naalala ko na! Remember? Sya yung nasa mall na nakaaway. Yung dumating ang EXO at sinabing girlfriend nila kami. Sarap ngang hambalusin ng kahoy nung sinabi nila yun. Pati rin sila Jhenica at Rica ay naalala na rin.

"Ay oo nga pala nasaan yung isa nyong kasamang panget? "-Girl 1

"Kung makapagsalita ka ah! "-Rica

"Ay sorry ah! Di kasi ako sinungaling. Nagsasabi lang naman ako ng totoo! "-Girl 1

"Pare-pareho kayo ng mga alalay mo! "-Ako

Nakita ko naman na tumaas ang kilay nya.

"Eya Xyra Kim Povs"

I'm Eya Xyra Kim, 16 years old. Maganda, cute, sexy, mayaman. Basta marami pang iba. Ako yung tipong babae na lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Lahat naman nang gusto ko ay binibigay ng parents ko. Wala silang magagawa kundi sundin ang mga gusto ko.

Ako lang ang nag iisang anak tsaka always busy ang parents ko sa business namin. Wala silang time sa akin at di ko naranasan na lumaki sa piling ng parents ko. Nasanay ako sa piling ng mga katulong. Simula bata mga katulong na ang nag-aalaga sa akin. Di ko rin naranasan na magkaroon ng bonding with my parents. Kasi yung time nila always na sa business namin nakatuon.

"Pare-pareho kayo ng mga alalay mo!"-Anei

Sa pagkakaalam ko ay Anei ang name nya. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya.

"Oh well~ Anei, right?"-Ako

Nakita ko naman na nagulat sya sa sinabi ko. Di nya siguro ine-expect na alam ko yung name nya. Pinaimbestigahan ko kasi sila. Hindi ko naman pinaimbestigahan yung mga private life nila. Simple lang naman yung pinaimbestigahan ko. Basic information lang.

"Mukhang tama ako! Bye! I have to go na mga panget. Let's go girls! "- Ako

Nag flip hair pa ako sa kanila with irap pa. Naglakad ako palayo sa kanila kasama ang mga BFF ko. Pero bago yun humarap ako ulit sa kanila.

"I'm Eya Xyra Kim."-Ako

Sabay talikod ulit at lakad palayo sa kanila. Well nakakatawa lang isipin kasi mukha na silang ewan. Habang naglalakad palayo ay nakikita ko sa mga BFF ko na natawa sila sa itsura nung mga panget.

"Grabe! Friend natatawa ako sa itsura nila."-Dasie

"Galing mo talaga friend."-Danice

Pakilala ko pala muna sa inyo ang BFF ko.

Dasie Jaquelyn, 16 years old. My BFF.Matapang, palaban, maganda, pero ako pa rin ang mas maganda. Sya yung tipong sanay pumunta sa mga bar places. Party people. Sanay na uminom ng alak. Same kami na walang pakialam ang parents namin sa amin.

Danice Huerez, 16 years old. My BFF. Maganda, cute, matalino, pero mas angat ako syempre. Sya yung tipo na sanay mag advice sa amin. Mahilig magbasa sa libro. Sya kasi yung mas matalino sa amin. Minsan sa kanya kami nagpapatulong, kaya mataas din ang grades namin.

"Choi Minjae POVS"

Agad akong dumiretso papunta sa school namin. Habang naglalakad ay nakita ko si Michelle na nakatayo sa tapat ng Principal Office. Mukang may iniintay itO. Lumapit naman ako sa kanya sya kasi yung close ko dito sa school na ito.

"Michelle! "-Ako

"Uyy! Choi, ikaw pala!"-Michelle

"Anong ginagawa mo dito? "-Ako

"Iniintay ko yung boss ko. Diba nga magwo-working student ako para dagdag sa pantulong ko sa pambayad ng tuition."-Michelle

"Boss?"- Ako

"Oo."-Michelle

"Bakit nandito yung boss mo?"- Ako

"Yung boss ko kasi ay estudyante rin katulad natin. Nagpapatransfer din sya dito galing kasi syang korea at P.A nya ako."-Michelle

Bigla ko namang napansin na may lumabas sa pinto ng Principal Office. Babae sya, maganda at halata mo sa kanya na mayaman sila.

"Ow! Kaibigan mo ba yan Mich?" -?

"Opo Ma'am este Chelsea."-Michelle

"By the way I'm Chelsea Miller and you are? "-Chelsea

Sabay abot ng kamay sa akin na makikipagshake hands.

"Ako si Choi Minjae! "-Ako

Sabay abot sa kanya ng kamay ko.

"Nice to meet you. Mich, samahan mo ako papunta sa room ko."-Chelsea

"Opo! Alis na ako Choi. Mamaya na lang tayo magkita sa room."-Michelle

"Sige." - Ako

Sabay diretso akong pumunta sa room. Masipag talaga si Michelle. Madali rin syang pakisamahan. Kaya siguro komportable ako sa pakikipag-kaibigan sa kanya. Sa susunod nga pakilala ko to sa mga BFF ko. Mukhang mabait din ang boss nya. Halata sa kanya.

Abangan!

Famous Boys Meets Beautiful Nerdy GirlsWhere stories live. Discover now