CHAPTER 29

1.5K 34 0
                                    

"Chelsea Miller POVS"

Kala ko kinabukasan makakapagpa-transfer na ako kaso hindi pa pala kasi pinabalik ako sa Korea nung dati kung school kailangan ko daw kumpletuhin yung mga information or requirements para daw makapagpatransfer na ako sa ibang school. Kaya ayun balik Korea ako. Isang buwan din akong nandon sa Korea. Ambagal kasi nung pagprocess. Nasayang ata yung isang buwan ko. 

Kaya after one month ay bumalik na ako sa Pilipinas. Agad kong ipinahanda sa P.A kong si Mich ang mga kakailanganin para sa pagpapatransfer. Grabeh talaga! Nasayang lang ata yung one month ko sa Korea.

[School]

Pagkatapos akong kausapin ng principal about sa pagtransfer ko dito sa school ay lumabas na ako. Ang haba ng sinabi halos abutin ata kami ng isang oras. Nakita ko naman na may kausap si Mich, mukhang nerd yung kausap nya. Manang kasi manamit.

"Ow! Kaibigan mo ba yan Mich? "-Ako

"Opo Ma'am este Chelsea! "-Michelle

"Ahh. Ako nga pala si Chelsea Miller. You?"-Ako

Sabay abot ko ng kamay sa kanya na makikipagshake hands.

"Ako si Choi Minjae! "-Choi

Sabay abot sa akin ng kamay nya.

"Nice to meet you. Mich samahan mo ako papunta sa room ko. "-Ako

"Opo. Alis na ako Choi. Mamaya na lang tayo magkita sa room."-Michelle

"Sige."-Choi

Nagsimula na kaming naglakad. Napansin kong kalakihan din pala itong school na'to. Kailangan ko tuloy sauluhin ang mga pasikot-sikot sa lugar na ito.  Habang naglalakad ay binigay sa akin ni Mich ang mga schedule na kakailanganin ko.

"Chelsea ito po yung mga schedule nyo. Dapat on time po kayo. Bawal malate kasi po magagalit yung teacher maliban na lang kung mabait ang magiging teacher nyo sa mga subjects na yan." - Michelle

"Okay! "-Ako

Nang makarating na ako sa room ko ay pinabalik ko na si Mich sa klase nya kasi baka malate pa sya baka ako pa ang maging dahilan ng pagkalate nya.

Agad naman akong umupo sa may upuang nakabakante. Yung mga classmates ko halatang maarte ang mga babae dito. Yung mga lalake naman dito puro pogi. Lande! Swerte ata ako sa room namin.

Sino kaya magiging kaibigan ko dito?

"Hi!"-?

"Hello? "-Ako

"Transfer ka lang noh?"-?

"Yes! Obvious naman. "-Ako

"Nakalimutan kong magpakilala, ako si Jasper Dash at ikaw naman si? "-Jasper

"I'm Chelsea Miller! "-Ako

"Ahhh, nice name. Mukhang mahihirapan kang magkaroon ng kaibigan dito. Kasi yung mga babae dito maaarte pumili ng kakaibiganin nila. "-Jasper

"Halata nga sa kanila. Ikaw ba wala kabang kaibigan? "-ako

"Meron naman syempre sa pogi kong to wala akong magiging kaibigan? Nasa canteen pa kasi yung mga barkada ko bumibili ng makakain, nagutom kasi  sila mga hindi nakapag almusal. "-Jasper

"Ahhh~" -Ako

Mukhang may kaibigan na agad ako dito. Kaso lalake nga lang. Halata ko kasi dito na yung mga babaeng classmates ko ay mga maaarte. Kaya baka wala akong maging kaibigan na babae kaagad. Sad!

Famous Boys Meets Beautiful Nerdy GirlsWhere stories live. Discover now