CHAPTER 41

1.4K 35 0
                                    

"Chanyeol Stymaeson Povs"

[AFTER 3 MONTHS]

Lumipas ang tatlong buwan.Marami ding nangyare sa loob ng tatlong buwan.At puro masasayang alaala lahat...

Akalain mong nililigawan ko na ngayon si Erza at pumayag syang ligawan ko sya.Nag-tapat na kasi ako sa kanya.Wala eh mahal ko eh,tinanggal ko ang takot ko sa sarili ko.Ayoko maging torpe.Mahirap na baka unahan pa ako ng iba.

Kahit si Sehun nililigawan na nya si Jhenica.Natatawa nga ako kay Sehun napaka-cheesy pala.Mga banat nya sobrang nakakatawa.

Iba talaga kapag nagmahal ka sa isang tao,anlaki ng pinagbago mo lalo na yung ugaling di mo inaasahan na mangyayare talaga.

Si Kai naman di pa naman naamin kay Rica.Torpe daw.Pero sobrang halata kaya nya kay Rica.Sa tingin ko si Rica alam na nya na may gusto sa kanya si Kai.Mukang iniintay lang ni Rica na umamin ito sa kanya.

Si Kris naman sila na ni Choi.Napaka-sweet nga nila sa isa't-isa.Itong si Kris bantay sarado.Dapat alam lahat ni Choi ang mga schedule na gagawin nya.Pero ang swerte ni Kris kasi sila na ng mahal nya.

Napansin ko rin na sa limang nerdy na ito este di na pala sila nerdy,si Anei lang ang naiiba sa kanila.Walang may balak na manligaw sa kanya.Bakit kaya? Baka naman may nagkakagusto sa kapatid kong manang kaso torpe lang din.Ewan ko. Kung may manliligaw man sa kapatid kong manang na ito dadaan muna sa akin yung taong yun.Para masigurado kong payag ako sa kanya.

Natigil na rin ang war sa pagitan namin.Kung tutuusin nga para na rin naming silang kabarkada.Nakakatuwa silang kasama.Medyo may pinagbago din kami.Medyo naging good boy na rin kami.Medyo nahirapan nga kami kasi nga diba kinikilala kami bilang bad boy sa school.Minsan nababawasan na rin ang pakikipag away namin sa iba lalo na ang pag bully namin pag wala kaming magawa.Dati kasi pag wala kami sa mood o trip namin mambu-bully talaga kami.

***

-School-

Nasa may court kami ngayon.Aamin na daw ang TORPENG si Kai este hindi na pala sya magiging TORPE kung aamin na sya.Ga-graduate na si Kai,makakaalis na rin sya sa TORPE ACADEMY.Hahahahaha!

Naghahanda na kami ng gagawin namin.Nire-ready na namin yung mga ginawang props.Sila Anei at Erza naman ang bahala kay Rica.Sila muna ang maglilibang habang ginagawa namin ng bongga ang court.Kasama ko ang mga tropa ko,kasama din sila Choi at Jhenica pati din si JC. Tulong-tulong kami sa pag-aayos.

Ganyan talaga pag mga tunay na kaibigan tulong-tulong at suportahan lang.Walang iwanan ang mga TUNAY NA KAIBIGAN!

"Jhenica Lee Povs"

Habang inaayos ko yung props na naka-assign sa akin bigla akong nakaramdam ng uhaw.Kaya naman pumunta muna ako sa direksyon nila Choi,hihingi ako ng tubig.Magkasama na naman ang dalwang lovers nato! Di ba sila nagsasawa na makita ang mukha nila sa isa't-isa?

"CHOI!"-ako

Sigaw ko habang naglalakad papunta sa kanila.

"Oh?"-Choi

"Pahinging tubig nauuhaw na ako kanina pa!"-ako

Nagulat ako ng biglang may kumulbit sa balikat ko.Pag lingon ko si Sehun lang pala.Baka mamatay ako ng wala sa oras ng dahil lang sa nagulat ako sa pag kulbit.

"Bakit?"-ako

Pagtataray na sabi ko sa kanya.

"Tubig?"-Sehun

Sabay taas ng dalwang mineral bottle.At inabot sa akin ang isang bote.

"Ahhh.Kamsa~"-akp

Famous Boys Meets Beautiful Nerdy GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon