Konting katahimikan ang namumuo saming tatlo dito sa loob ng private room. Nakahain na rin ang mga pagkain sa mesa habang tahimik lang kaming kumakain at tinitikman ang mga iba't ibang putaheng inihanda nila.

Napakasarap talaga ng korean food nila dito..

"Hm.. so, iha.. binanggit pala sakin ng parents mo na may kambal ka? Nasaan nga pala siya ngayon? Bakit hindi mo siya kasama?" napahinto ako sa pagsubo ng pagkain ng marinig kong nagtanong si dad sa kanya.

Agad kong tiningnan si danica na napahinto na rin sa paggalaw ng kanyang kinakain.

Oo nga! nasaan na kaya yong unggoy na iyon? bakit wala siya rito?

Napansin kong lumingon siya sakin bago niya ibinaling ang tingin niya kay dad.

"Ahm.. yes po sir, i have a twin brother.. Dani Ray Delima po ang pangalan niya. At di ko po siya nakasama kasi may importante po siyang l-lakad ngayon sir. Kaya nais niya pong mag sorry sa inyo." Sagot nito.

Huh? may lakad pala yong monkey guy na yon kaya wala siya dito?! at saan kaya siya nagpunta?

teka? pakialam ko ba kung nasaan siya ngayon?! tss. Mas mabuti ngang wala siya rito para wala akong bwesit na nakikita! >___<

"Oh?! Ganun ba? Its ok iha. And by the way, call me tito. Kanina ko pa napapansin na Sir yong tawag mo sakin. Napakapormal mo ata iha." Matawa tawang sabi ni dad sa kanya.

May mga pinag uusapan pa sila habang ako naman ay nakikinig lang.

At ewan ko lang ha.. napapansin ko lang na kay dad lang siya tumitingin at ni hindi man lang siya sumusulyap sa kagandahan ko!

pft. Nevermind! -____-

Narinig ko din yong sinabi niya na 1month lang daw siya rito sa pilipinas at binisita lang daw niya si dani rito.

Habang nag uusap sila ni dad ay bigla namang tumunog ang phone niya, kaya napahinto siya at tiningnan ito.

"Ahm.. sir- i mean.. tito, pwede ko po ba munang sagutin ito?" Tanong niya kay dad.

"Oh sure iha. Go ahead!" Ngiting sagot ni dad dito.

"Sige po tito. Excuse me lang." Tumayo ito sa kinauupuan niya at napansin ko ulit na tumingin na naman siya sakin bago siya tumalikod at umalis.

Tss. Ewan ko, pero para talagang may something sa mga tingin niya eh -____-

Katahimikan na naman ang namumuo sa loob ng private room matapos lumabas ni danica.

Awkward na naman po! -______-

Di ko maiwasang mapatingin kay dad at tama nga ako, poker face na naman ito habang umiinom ng wine niya. Ibang iba sa mukha niya kanina nong kaharap pa niya ang kambal ni dani.

Ilang minuto pa ang nakakalipas ng hindi pa rin bumabalik yong babaeng iyon.

Mukhang napapanis na ata laway ko dahil di ako nagsasalita rito. =_____=

"Ahm. Dad, cr muna ako. Excuse lang po." sabi ko na lang kay dad. Gusto kong lumabas rito dahil di ko na kaya ang katahimikan.

Seryoso lang itong tumango, tsaka niya ininom uli ang wine niya. Tumayo agad ako bago  lumabas ng private room.

Naisipan kong tumuloy sa cr para tingnan ang sarili ko sa salamin. Alam kong di ko na dapat tingnan ang sarili ko sa salamin, dahil maganda na ako pero kailangan.. mamaya may dumi pa ako sa mukha di ba? psh! -_____-

Pumasok na nga ako ng cr at agad akong humarap sa salamin. Narinig kong bumukas ang isa sa mga pinto ng cubicle, hindi ko na sana ito papansinin pero nagulat ako nang makita sa reflection ng malaking salamin na si danica pala ang taong iyon. Kaya naman nilingon ko itong gulat at hinarap siya.

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now