Chapter 14: Birthday Party

Start from the beginning
                                    

napahigpit ang hawak ko sa bag ko kung saan nakalagay ang book of fate, simula ng mangyari ang insidenteng iyon, hindi ko na binitawan ang book of fate.

"Andito na tayo!" tili ni Kaylie at iginaya ako papasok. "Hi Kayliiieee!" tili nung bakla at lumapit saamin. nginitian siya ni Kaylie at nakipagbeso, sinabi na na ayusan kami.

lumipat ang tingin saakin nung bakla at naconcious ako nung tiningnan niya ako mula taas pababa. 

"Okaayyy" bigla niyang sabi attumawag ng isa pang tao, ito yata yung mag aayos saakin. "Dito tayo girl" 

 iginaya nila kami sa VIP lounnge at pinaupo niya ako at sinimulang ayusan, pagkatapos ng ilang oras ay natapos na yung pag aayos saakin, napangiti ako sa salamin, buti nalang at di niya kinapalan yung make up.

"Sinabi ko na nga ba at bagay sayo an natural look lang!" nakangisi niyang sabi "Ang ganda mo rin!" sabi ko sa kanya, ang ganda naman niya talaga eh. simple lang at cute siyang tingnan dahil sa bangs niya. nakarobe kami pareho. napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mga mata

"Kaylie 5:30 na!" taranta kong sabi sakanya, ngumiti ngiti lang siya habang nakatingin sa salamin, lumapit naman ako sa kanya at niyugyog siya "Kaylie ano ba malalate na tayo! " inis  siyang tumingin saakin.

"Ano ka ba, excited ka masyado, close tayo ng nagcecelebrate kaya ayos lang yan" napasimangot ako. ayokong mag grand entrance.

"Lika na, suotin na natin yung binili natin. wag ka nang mabalisa may susundo saatin kaya di na natin kailangang magcommute" sabi niya at dinala ang paperbag sa isang dressing room, bumuga nalang ako ng hangin at pumasok na rin sa dressing room. 

pagkalabas ko, kumunot ang noo ko "Akala ko ba puti?!" inis na sabi ko kay Kaylie na naka royal blue, ngumisi siya saakin at nag peace sign

"Sarreh" hagikhik nito. I rolled my eyes at nagpatuloy nalang sa pagharap sa salamin. simple lang yung ayos ko at nakalugay, napangiti ako, I'm okay.

may pumasok na lalaking naka uniporme "Ms. Kaylie, Ms. Elafris, handa na po ang saakyan" 

"sige kuya salamat!" sabi ko at mabilis na hinila si Kaylie na nag aayos parin ng damit"

"Ouch ha!" dinig kong reklamo nito pero hindi nalang pinansin. pinagbuksan kami ni kuya kaya naupo na kami. nung nagsimula nang umandar, tiningnan ko yung phone ko. kinakabahan ako at namamawis na ang mga kamay ko, magseseven na, baka nagsisimula na yung program jusko.

--

"Salamat po kuya!" sabi ko at mabilis na hinila si Kaylie "Aray! ano ba chill ka lang, masyado ka namang ano eh!" 

hindi ko na siya pinansin at naglakad nalang ng mabilis. pagkapasok namin, naglingunan ang mga tao samin, agad kong hinanap sina tita Lean na busy sa pagkikipag usap sa mga bisita, hawak hawak siya sa beywang ni Tito Flame.

Napahinga ako ng malalim. buti nalang talaga hayysss. tiningnan ko ng masama si Kaylie, 6 pala ah.

"Painom!"

"Ayoko! kumuha ka ng sarili mong drinks kadiri 'to!"

"Ang arte mo naman para kang baba-" napatigil ang dalawang nagkukulitan sa harap namin. napangisi ako nung mapagtanto na si Blake at Logan iyon. umayos sila ng tayo at tumikhim.

"Good thing we found you! di na namin kailangang maghanap" sabi ni Kaylie. "Buti at dumating kayo" sabi ni Blake na nakatingin saamin. I just shrugged, di dapat kasi ako aattend dahil sa libro pero mapilit si tita Lean at nakakahiya rin so yeah.

"G-gusto mong drinks?" utal na tanong ni Blake saakin habang binigay ang drinks na dala niya saakin. bigla namang ngumuso si Logan sa kanya "Ang sama mo promise!"

"Shut up" sabi ni Blake na nakaingin parin sakin, umiling nalang ako at ngumiti "Ayos lang ako" gusto ko ng solid food. nagkibit balikat nalang siya at ininom yung drinks 

"Teka, kuya nasan ba yung iba?" tanong ni Kaylie

"Ay oo nga pala, tara." iginaya nila kami sa presedential table malapit sa stage. nandoon na yung iba namin kasama na binati kami

"Ang ganda mo ngayon ah!" natatawang kantyaw ni Tyler saakin habang umuupo ako sa tabi niya, pabiro ko namang hinampas 

"Edi wow matching talaga? bastusan lang?" Reklamo ni Jayden na pinagigitnaan ni Kaylie at Ash na parehong naka royal Blue. walang pakialam si Ash pero umismid si Kaylie 

"Malay ko bang mag blue -blue din siya"

Hinanap ng mga mata ko si AIden pero di ko siya nakita. Nagkibit balikat nalang ako. Umupo na si Tita Lean At tito Flame sa mesang nasa tapat talaga ng stage.

biglang nagkaroon ng spotlight at nagpakita si Aiden, naging masama ang tingin ko kay Kaylie. kaya pala white kasi white din si Aiden, nagpeace sign uli siya at nagsabing 'matchy-matchy' inirapan ko nalang siya at tumingin sa stage. 

Nakasuot siya ng white tuxedo at itim na undershirt. Nakahawak siya ng gitara at ngumiti ng kaunti kay tita Lean. Napalingon siya sa gawi namin at tumama ang tingin niya sa akin.

Woah. I never thought he was THIS hot.

--

END

Facebook Acct: Daybreakue

Fb page: Daybreakue WP

Fb Art page and Art Shop: Daybreakue

Twitter: Daybreakue

SAFIARA ACADEMY 2: DESTINY'S CHOICEWhere stories live. Discover now