Pagakyat ko sa kwarto ni ate, tulog na tulog pa siya. With matching hilik pa! Sana ‘di mainis ang magiging asawa  niya sa paghilik niya. Haha! Buti nalang ‘di ako humihilik. Haha!

                “Aaaateeee... Gising naaaaa,” sabi ko sabay yugyog sa katawan niya.

                Naalimpungatan siya. At tuluyang nagising. Napatingin siya sakin at sa suot ko. “Oh. San lakad natin? Baah, ganda ng suot ah. San mo nabili?” Para siyang lasing.

                “Ate, ‘di mo bagay. Maligo ka na daw. Aalis na tayo,” sabi ko sabay hila sa kamay niya para makaupo siya.

                “Ehhh... San ba tayo pupunta?” reklamo pa niya.

                “Ayeee! Pakipot ka paaa! Alam ko namang excited ka nang makasal eh! Hahaha! Ayeee! Tumayo ka na diyan! Ako pa papagalitan ni Mom eh!” ‘Di ko napigilan sarili ko. Sarap kasing asarin ni ate eh. Haha!

                Tinignan niya ako ng masama. “AISH! Pagbigyan mo nalang sana ako ngayon diba? Nakakainis ka talaga! Andun na eh! Amnesia na ang drama ko, pero wala eh! Panira ka talaga kahit kelan!”

 

                “Hahaha! Sige na! Aalis na ‘ko. Maligo ka na!”

 

               Di ayun. Bumalik ako sa baba. Eh syempre andun mga relatives naming babae. No choice ako kundi makipagchikahan sakanila. Kahit excited na excited na akong pumunta sa venue ng kasal, nagkunwari nalang ako na gustong-gusto kong makipag-usap sa mga ‘to.

                Kaya naman halos magwala ako sa tuwa nung finally, papunta na kami sa hotel. At least marami akong ma-eexplore pagpunta dun at makakalayo ako sa mga chikadorang ‘to.

                Pagbaba ko ng kotse, dumeretso ako sa kung saan magaganap yung kasal. Excited na excited kasi akong makita kung anong itchura. Babae ako eh! Mahilig ako sa ganyan.

                Hilig ko din mga fairytales noon ‘no. Hilig ko din mga bulaklak, flower arrangements, decorations, weddings. Kaya binalak ko talagang puntahan yung venue bago mismo ng kasal.

                At dahil feel na feel ko ang pagiging sister of the bride, ayun, nakigulo ako sa mga nag-aayos. Humingi ako ng flowers, ribbons, at kung ano-ano pang ka-ek-ekan diyan at gumawa ng sarili kong decorations. Feel ko pagiging girl ko ngayon. Haha!

                “Oh! Ayan na pala yung groom eh!” may narinig akong nasabi. Yung tita pala namin na wedding coordinator.

                Napatingin naman ako syempre. Nakita ko yung gwapong naka-coat and tie. Basta gwapo siya at maputi. At gwapo talaga. As in yung tipo ng lalakeng alam mong mayaman at napaka-formal at gentleman.

                Naks naman ang beauty ni ate! Haba ng hair! Ang gwapo ng magiging asawa! Haha!

                Well, lumayo nalang ako. ‘Di ko feel maging welcoming sister-in-law sa magiging brother-in-law ko. Naglibot-libot nalang ako.

                Alam niyo yung mga baby sa kasal na palakad-lakad lang all around kahit walang kalaro? Parang ganun ang itchura ko ngayon. Mas maganda nga lang. Haha!

                “Saydie! Halika nga dito, iretouch daw kita sabi ni ate mo,” biglang sabi nung ate Makeup Artist sakin.

                Hinayaan ko siyang guluhin na naman ang face ko. Pero bigla kong nakita sina Mom at Dad. Sinasalubong na yung mga dumadating na bisita. Ibig sabihin, walang kasama si ate sa kwarto niya?

                “Um, si ate po ba? Ok na?” tanong ko sa makeup artist.

                “Oo, ok na. Nagpaiwan muna sa kwarto niya para iretouch daw kita. Gusto niya daw kasi magandang-maganda ka. Naks! Pinagbihis ko na din para ok na ang lahat mamaya,” sabi ba naman ni ateng Makeup Artist. “Oh, ayan. Tapos na. Wag ka nang lumarga sa kung saang sulok na naman diyan!” Bigla na rin siyang umalis.

                20 minutes nalang magsisimula na ang kasal. Naisipan kong puntahan si ate. Tama ba naman kasing iwan siyang mag-isa?! Baka kung anong maisipan nun eh! Hay! Mga tao talaga. ‘Di nag-iisip!

                Binuksan ko agad yung pinto ng kwarto niya. Wala nang katok-katok. “Ate. Nakabihis ka...na...ba?” sabi ko. Pero wala akong kausap.

                Wala. Walang tao. Walang kahit anong ingay. Walang-wala.

                Kahit mga gamit ni ate, nawala. Ang naiwan nalang, yung wedding gown at yung mga bulaklak niya.

                Tinignan ko yung buong kwarto. Kahit sa CR. Umaasa na sana nandito pa si ate.

                Pero wala eh.

                Lumakas ang kabog ng puso ko. Parang sumikip ang dibdib ko na para bang ang hirap huminga. Halos mabingi ako sa sobrang katahimikan.

                Napaupo ako sa kama. Wala na. Wala si ate. Nawawala ang kapatid ko.

                May bigla akong naramdamang papel na nakapatong sa gown ni ate.

                Kung sino mang makabasa nito, I’m sorry. Di ko lang talaga kaya ito eh. Ngayon ko lang pinagisipan ng maayos, at ‘di ko talaga kaya. I’m so sorry. Mommy, Daddy, sorry po talaga. Hindi ko ginusto ito, pero hindi ko po talaga kayang gawin ito. Alam kong ‘di kayo makikinig kahit sabihin ko ito sa inyo ng harapan. Kaya lumayo po muna ako. Wag niyo na akong hanapin. I can assure you, maayos po ang kalagayan ko. I’ll come back when I’m ready.

                Saydie, magpapakabait ka ha? Mamimiss kita.

                I love you! I’ll be back, I promise. –Sab

 

                Para akong nawalan ng hangin sa katawan.

 

                Lumayas si ate. Langhiya. Lumayas si ate sa araw ng kasal niya.

 

                “Saydie? Nasaan si Sab?” narinig kong tanong ni Dad.

Accidentally MARRIEDKde žijí příběhy. Začni objevovat