Buti at napatawa din si ate. “Hay nako. Dun ka na nga! Matutulog na ako! Panira ka ng moment eh! Nandun na eh! Pang-MMK na ang drama ko eh!”

 

                “Hahaha! Oo na lalayas na ako. Good luck sa inyo ng future brother-in-law ko ha! At yung magiging pamangkin ko, kapangalan ko ha! Alam ko malapit na yun eh. Hahaha!” biro ko.

                Nagulantang siya sa sinabi ko. Halos hampasin na niya ako eh.

                “Sira! ‘Malapit na’ ka diyan! Lumayas ka na nga! Baka gusto mong baguhin ko pa ayos ng mukha mo?”

 

                Dun na ako tumayo. Sayang naman ang face ko diba? Malay natin may cute na pinsan si groom! Sayang! “Hahaha! Joke lang naman eh. Ikaw talaga ‘di ka mabiro. Sige na! Lalayas na ‘ko! Good night!”

                Grabe. Kung ako kaya nasa kalagayan niya, ano kayang mangyayari sakin? Hahayaan ko din bang ganun-ganun din lang ang buhay ko? Eh sabi nga ni ate, minsan, kailangang magsakripisyo.

 

-----------------------------------

Kinabukasan...

                Paggising ko, rinig na rinig ko na ang galaw ng mga tao dito sa resthouse. Mukhang busing-busy silang magready para sa kasal ni ate Sab.

                At dahil nagutom na ako, no choice pero kailangan ko nang bumaba. Pagbaba ko, nasa living room silang lahat. Mga pinsan kong babae at mga tita ko. Halos lahat sila tapos nang ayusan. Nandun din si Mom na nakaupo.

                “Oh, Saydie, gising ka na pala. Go eat your breakfast and take a bath. Ikaw na ang susunod dito,” sabi agad ni Mom nung makita niya ako.

                Syempre sumunod nalang ako. Pero wow ha. Walang good morning?

                Ayun, kumain na nga ako. Enjoy na enjoy akong kumain. Pero ayun, pinagmamadali ako eh. Ako nalang daw kasi hinihintay. Edi fiiine!

                Inayusan na ako ni ate Makeup Artist. Habang inaayusan ako, dinadaldal naman ako ng mga pinsan kong galing ibang bansa. ‘Di ko talaga sila close. Syempre ‘di naman kami nagkikita.

                Lahat na kasi ng kamag-anak namin, nasa ibang bansa. Kami lang ang naiwan dito sa Pilipinas. Hays. Anyway! Balik sa aking beauty.

                Pagkatapos na pagkatapos kong maayusan, inutusan na naman ako ni Mom. “Saydie, pakigising mo na nga si Sab. Pupunta na tayo sa hotel. Dun na siya magpapa-makeup. Tell her to take a bath.”

 

                Syempre sumunod nalang ako. Ako na muna ngayon ang dakilang utusan. Hmmp! Pero ok naman kasi feel na feel kong irampa itong napiling damit ni ate para sa akin. Fashionista eh.

Accidentally MARRIEDWhere stories live. Discover now