48 - Akyat ng Ligaw

8.2K 555 102
                                    


A/N: Did you know that if you search the term Akyat ng Ligaw in google, the first Mansyon episode of KS (09/25/16) would show on the first page? Just goes to show how they made the custom popular again


Where does friendship ends and attraction begins? Or has it always been there and I was just deceiving myself that I can become friends with a "crush" and just keep it at that stage for a long time? Because really, this is not something that began in friendship and evolved into attraction. It's the other way around. Ano gagawin mo pag yung crush mo na naging friend mo ay manliligaw na sa 'yo?

Reading his message again, remembering how he asked her parents permission when he took her home last night. Feeling her heart racing, eto na yon. Dadalaw na siya mamaya! Ano ba Menggay! Kumalma ka! Aakyat lang ng ligaw yung tao. Hindi pa mamamanhikan.

Ano isusuot ko? Teka kailangang magpahanda ako ng food. Anong oras kaya siya pupunta, merienda lang ba o dinner?

Meng doesn't know how long she had been standing in front of her closet when she heard footsteps and she saw her mother enter her room. "Nay..."

"Ready ka na ba?

"Ano pong ready, Nay?"

"Katatawag lang ni Ricardo, dadalaw daw mamaya."

"Ay nasabi na po pala niya. Sasabihin ko pa lang po sana eh."

"Maupo ka muna Menggay." she sat on her bed and studied her daughter.

"Bakit po ganyan ang tingin n'yo, Nay?"

"Wala lang, medyo emosyonal lang ang nanay mo. Kasi eto na yun." holding her hand.

"Nay, aakyat lang po ng ligaw yung tao, hindi po siya mamamanhikan."

"Meng, kumpara sa ate mo, ikaw ang bihirang magkuwento tungkol sa mga crush mo o kaya tungkol sa mga kaibigan mong lalaki. At ilan lang ba ang nagtangkang lumigaw sa 'yo sa takot sa amin ng tatay mo? Pero iba dito kay Ricardo eh. Sa totoo lang, hindi ko talaga inasahan noon na pupunta siya dito sa bahay at magpapakilala dahil lang siya yung kasama mo sa Mindoro. Doon pa lang kinabahan na ako. Mukang napag-tulungan n'yo kaming dalawa ng tatay mo, alam mo yun?"

"Hindi naman po. Saka ayun na nga po, manliligaw pa lang, hindi pa sigurado kung sasagutin ko. Malay n'yo hindi pala kami bagay at talagang hanggang magkaibigan lang kami."

"Menggay, ako nga'y huwag mong paglolokohin. Hindi ka aabot ng edad na 22 nang wala ka pang boyfriend kung basta-basta ka lang nagpapaligaw. At hindi mo siya magiging bukambibig kung kung kaibigan lang ang turing mo sa kanya. At hindi kikislap ang mata mo tuwing tatawag siya at hindi ka magiging apektado kung may tampuhan kayo kung hindi mo siya gusto. Alam mo tingin ko?"

"Ano po?" she asked suddenly feeling embarrassed at being so transparent.

"Tanungin muna kita. Ano ba siya sa buhay mo ngayon?"

It's very seldom that she opens up to her mother on matters like this but somehow this feels right. "Hindi ko po alam nay kung crush ko lang siya o mas higit pa yung nararamdaman ko. Basta ang sigurado po, ayaw ko siyang mawala sa buhay ko. Gusto kong parati siyang kausap. Nag-aalala ko pag hindi ko alam nangyayari sa kanya. Gusto ko na makita siyang masaya at tumatawa.... Bakit po ganyan ang ngiti n'yo?"

"Wala anak, mukha ngang tama ang hinala ko. Na tamang panahon na lang ang hinihintay mo. Formality na lang itong ligawan n'yo. Pero huwag kang mag-alala, hindi ko sasabihin sa tatay mo."

"Pero nay, hindi ko po kayo natatanong. Okay lang po ba si Richard sa inyo?"

"Menggay, kilala mo rin kami ng tatay mo. Kung may nakita kami sa kanyang hindi maganda, matagal na kaming umalma. Simple lang naman ang gusto namin. Yung hindi ka sasaktan at kung saan ka magiging maligaya. At ngayon ko lang ito sasabihin sa 'yo at huwag mong masabi-sabi kay Ricardo o sa tatay mo. Approved ako sa choice mo, mahusay kang pumili."

Of Love, Signs and Logic (Completed)Where stories live. Discover now