18 - Homestretch

5.7K 437 56
                                    

Photo credit: http://greedypeg.org/e/Mounts-Iglit-Baco-National-Park-Conservation.html


Unknown to them, Wally, Jose and Paolo are on top of the slope they are now climbing, with a clear view as the two make their way up the summit.


Si Wally ang unang nakakita sa dalawa. "Huy, nakikita n'yo ba ang nakikita ko?"

"Oo, nakikita ko ang nakikita mo, puro bundok pa rin. Bakit, may nakikita ka bang building, Wally?"

"Hindi! Tingnan n'yo! Ayan na yung dalawa, ayun o, mukhang nag-uusap na."

"Pag di pa naman sila nag-usap, ewan ko na lang. Eh di napanis pareho laway nila! Tagal kaya ng 4 na oras na magkasabay sila. Malay mo naman, baka nag-aaway na ngayon. May chance diba?" Jose commented as he tried to see the direction Wally is pointing at.

Wally turned to Paolo. "Alam mo, okay ka rin Paolo no? Pinagkatiwala mo agad pinsan mo kay Tisoy namin."

Paolo thought about his reasons for doing so. "Alam n'yo kung may balak kayong gawing masama sa amin, kahapon pa. Saka base naman sa mga sagot n'yo sa mga tanong ko e mukhang harmless naman itong si RJ."

"Ay oo! Sinabi mo pa, may balak yang maging matandang binata sa pagiging conservative at harmless niyan. Tingnan mo naman, 26 na wala pa ring girlfriend, di ba Wally?"

"Ay oo naman, gentleman yang si RJ. Laki kasi sa lola." Wally seconded Jose's remarks.

"Eh yung pinsan mo, kumusta naman? May boyfriend na ba yun?" It was Wally's turn to inquire about Meng.

"Ay sorry, my lips are sealed!"

"Anong lips are sealed? Kanina ka pa eh! Ang hirap mong hulihin. Ang dami na naming nasabing detalye tungkol kay Tisoy, wala man lang kaming makuha sa 'yo kahit katiting!"

"Eh malay n'yo naman, nagtanungan na sila ng ganyang mga impormasyon."

Wally was watching the two all the while they were talking. "Uy, uy, tingnan n'yo, may pag-alalay nang nagaganap o. Parang kinikilig ako!"

Paolo turned to look at the two. And there's his cousin, inaalalayan nga paakyat ni Tisoy, complete with holding hands.

In fairview, mukhang may chemistry, kahit sa malayo. Patay to sa 'kin mamaya. Pero siyempre, deadma muna. Mahirap na, sa amin ang babae. "Ano ba kayo? Siyempre baka mahulog, mataas yung inaakyat nila o!"

"Tama ka diyan Paolo. Kailan ka na nga pinanganak? Kahapon?"


_________________________________

A/N: Back to the magic duo....


"Oh dahan dahan lang hakbang, kumapit ka mabuti. Oooops, huwag kang lilingon! Malulula ka." RJ had to guide Meng as they scramble up the steepest slope of their hike, with incline angle of maybe about 45-50 degrees.


Pretty steep for a novice like her if one is not careful. Although there are protruding rocks where one can step on, one wrong move and down, down you'll go.

"Aminin mo, may galit ka kaya dito mo ako idinaan." she had to hold on to shrubs or rock with one hand while maintaining a tight grip on his hand with the other. Their progress was very slow. Ayaw pa niya mamatay.

"May nakikita ka po bang ibang daanan? Okay, isang step na lang, then we're good. There! That wasn't so bad, is it?" They got to a meter wide flat surface near the upper part of the slope, where they can rest.

Of Love, Signs and Logic (Completed)Where stories live. Discover now