26 - Unexpected Wisdom

Start from the beginning
                                    

"Tisoy, hindi mo naitatanong, pero itanong mo na rin. Sa amin sa Nueva Ecija pag umuuwi ako, kinukuha kong tagapayo sa barangay."

"Adviser?"

"Oo! Minsan nga nag-susugod bahay pa kami kung may problema o away mag-asawa."

"Anong connection?"

"Sanay ako sa ganitong mga usapin ng puso. At sinasabi ko sa 'yo, Over Acting ka!"

"Expound."

"Puwede bang makiupo? Ano yung expound? Ex-kilo alam ko. Biro lang." RJ did not respond but moved over to give space for him.

"Kasi Tisoy, gusto mo agad magka-award, eh hindi pa tapos ang script! Ang drama mo! Akala mo di ko nakikita yung pag-iwas iwas mo? Pero yung mga sekretong seryosong tingin mo naman, wagas?  Aminin mo, sinungitan mo na siguro kaya ganyan sumagot, no?"

"Hindi ah!..... Hindi masyado."

"RJ, parang anak ka na rin namin ni Wally.Alam mo yan. Mas lalo ako, dahil dimples pa lang, magkamukha na tayo!" Sabay ngiti, showing his dimples.

RJ became silent.

"Ang tagal na rin ng pinagsamahan natin. Nagpapasalamat nga kami na hindi na iba ang turing mo sa amin. At dahil parati tayo magkasama, akala mo ba hindi namin napansin? Na kahit nakikipagbiruan ka pa rin, ang totoo nagbago ka mula nang mamatay mga magulang mo. Kilala ka namin mula pagkabata mo. At nalulungkot kami sa nakikita namin Tisoy. Gusto naming bumalik yung dating RJ."

"Teka kuya Jose! Bakit napunta doon ang usapan? Hindi n'yo naiintindihan."

"Patapusin mo muna ko, minsan lang 'to. Bukas may bayad na. Mawalang galang na, pero tatlong taon na RJ. Hindi namin alam ang dahilan at hindi ko sinasabi na ikuwento mo."

"I have my reasons."

"O relax ka lang. No English please. Oo, natural ang kilos mo sa harap ng pamilya mo, sa harap namin ni Wally. Pero pansin na pansin namin simula nang mamatay magulang mo, biglang tumaas ang pader mo pag sa ibang tao na. Diba 26 ka na?"

"25 pa lang."

"Si para si! Hindi namin alam ang edad mo? Kailan ka huling nanligaw at nagka-girlfriend?"

There was no response. RJ became silent. Chin on his knees, he stared into the darkness.

"Ibig sabihin, matagal na, kaya hindi ka na sanay sa mga ganitong sitwasyon. Ang sa akin lang Tisoy, minsan lang may dumating na kagaya ni Menggay. Yung parang kuha yung timpla mo. Yung nakakakuha ng totoong reaksyon sa 'yo. Pero huwag mo namang bakuran ang sarili mo. Iwas ka na agad, hindi mo pa naman kilala. Pero kung maka-concern ka naman, parang wala ng bukas. Ang labo ng dating no'n. Nililito mo siya "

"Wala kasing pupuntahan. Kuya Jose, ikaw na rin nagsabi. Ang sa akin lang, hindi ko siya kilala. Hindi rin siya nagpapakilala. At next week wala na sila."

"May tama ka! Bigyan ng jacket yan! Okay, seryoso na. Ito ang tanong ko. Gusto mo bang umabot sa punto na magsisisi ka dahil hindi mo sinamantala ang pagkakataon na mas makilala siya? Malay mo, biglang ibigay yung totoong pangalan bago kayo maghiwalay sa Sabado. Interesado ka diba?"

There was no response this time.

"Kahit di ka sumagot, halata naman. Alam mo bakit kami natutuwa ni Wally? Kasi unti-unti, may nakikita na ulit kaming kinang sa mga mata mo, lalo na pag magkausap kayo. Ganito na lang, may tanong ulit ako. Yung artista na palaging kinukuwento ng pamangkin mo, sino na nga yun?"

"Yung Chef Elize? Anong kinalaman niya dito?"

"Nakita mo na ba siya?"

"Hindi pa."

"O artista na yun, baka nga nakakalat na mukha nun sa edsa, di pa natin nakikita. Si Menggay pa? Brad, 100 milyon ang Pilipino. Ilang libo ang isla sa Pilipinas?"

"Lumanding ka na kuya Jose, tagal mo na sa ere."

"Eto na nga. Tisoy, lahat ng nakilala natin may dahilan. Kung ano papel nila sa buhay natin, puwedeng hindi pa natin alam. Pero ako naniniwala akong may rason kung bakit nagkatagpo kayo ni Meng. Sinayang mo na yung dalawang araw pero meron ka pang 4 na araw. Samantalahin mo, dahil baka pag nalaman mo na mahalaga pala siya sa 'yo, baka huli na ang lahat. Pag umalis yan dito, saan mo siya hahanapin? Ni hindi natin alam kung taga-saan sila."


"Kuya Jose, alam mong hindi ako naniniwala sa tadhana."

"Ikaw, nasasayo yan. Pag-isipan mo rin. Hindi ko alam kung anong inaalala mo. Ang sinasabi ko, hindi mo kailangang ligawan agad. Huwag mo pansinin mga tukso namin. Kung takot ka, kaibigan muna. Ang importante, huwag mong masyadong labanan kung anuman yang nararamdaman mo. Huwag ka magkaila, kukutusan kita. Malinaw pa sa sikat ng araw mga titig mo."

"Paano kung wala ring kahihinatnan 'to?"

"Pero kahit paano nagkakilala kayo. Naging kaibigan mo siya kahit sandali lang. At kung hindi na kayo magkita, maganda ang mga alaala n'yo. Alin ang mas pipiliin mo, yung ngingiti ka pag maiisip mo siya o kukunot ang noo mo dahil nagsisisi ka na umiwas ka?"

"Tisoy, hindi mo kailangan magdesisyon ngayon, bukas na. Itulog mo na lang yan. Tandaaan mo, andito lang kami ni Wally para sayo. Pamilya ka na rin namin."

"Salamat kuya Jose." RJ was moved by the words he heard.

Jose suddenly became aware that it's already dark in the other tent. "Uy teka, nagpatay na ng flashlight si Wally. Kailangan ko siyang maunahang matulog bago siya maghilik. Diyan ka na!"

"Ano po bang ginagawa niya kanina?"

"Nagbibilang ng buhok."

"Buhok?"

"Buhok sa kili-kili. Goodnight!"


For the first time, he did not smile at Kuya Jose's joke. He was already deep in thought.

Soon, he saw the lamp from the hut being extinguished but he stayed in his spot, staring at nothing in particular, thinking about Kuya Jose's words.

Sometimes, wisdom comes from unexpected sources.


A/N: Aaaw, salamat Tatay Jose.

Of Love, Signs and Logic (Completed)Where stories live. Discover now