School Anniversary 1

Start from the beginning
                                    

"Sige, kailangan ko ng umuwi. Maggagabi na.." sabi ko. May mga ibinilin lang muna ako sa kanya tungkol sa restaurant tsaka na ako umalis sakay ang sports car ko.

-

Pinark ko na agad ang sports car ng makarating na ako. Hindi na muna ako lumabas ng sasakyan at naisipan kong tingnan na muna ang necklace na hawak hawak ko ngayon.

Kung titingnan mo ito, parang isang mumurahin at simpleng kwintas lang ito na nabibili lang sa tabi tabi.

Pero... sa kanya kaya ito? Kasi mukhang hindi naman ata nagsusuot ang bruhang 'yon ng mumurahing gamit.

Siguro hindi ko na lang muna ito ibibigay agad sa kanya. Maghihintay na lang ako kung hahanapin niya ito.

"Tama.. yon na lang ang gagagawin ko. Ang maghintay." Biglang sabi ko sa sarili ko habang nakatitig ako sa pendant nito.

Ilang segundo din akong nasa loob ng sasakyan at napagdesisyonan ko ng lumabas.

Pumasok na kaagad ako ng elevator tsaka ko pinindot ang 7th button. Ilang segundo din akong naghintay ng marinig ko ang tunog nito bago ito bumukas.
*Ding!*

Lumabas na din ako at naglakad patungong condo unit. Nang malapit na ako sa condo ko ay natigilan ako bigla ng mapansin ang isang lalaki na nakatayo at nakasandal sa gilid ng pintoan ng condo ko.

Hindi ko siya nakilala dahil sa nakayuko ito at natatabunan ang mukha niya ng suot nitong itim na sumbrero.

Sino kaya ang lalaking ito?

Unti unti at dahan dahan akong lumapit sa kanya habang pinagmamasdan at kinikilala.kung sino ito.

Ngunit.. napahinto na naman ako ng iniangat nito ang ulo niya at napalingon ito sa direksyon ko dahilan para makilala ko siya.

"K-kiko?!" Gulat na tawag ko sa pangalan niya.

Teka? Ano kayang ginagawa ng lalaking ito dito? Gabi na kaya at andito siya!? O_____O

"Why are you here?" Kunot noong tanong ko sa kanya. Ngunit.. mukhang hindi niya ata ako narinig dahil nakatitig pa rin ito sakin.

Kaya nilapitan ko na lamang siya..
"Hey! Kiko.. okay ka lang?" Kunot noong tanong ko ulit sa kanya at winagayway ko pa ang kaliwa kong kamay sa harap ng mga mata niya tsaka lang ito natauhan.

"Oh?! S-sorry danica.. nagulat lang ako sa... s-suot mo. H-hindi pa kasi kita nakitang ganyan eh.." Ngiti niyang sabi sakin habang inaayos niya ang suot niyang salamin.

Napataas naman ang kaliwa kong kilay sa sinabi niya.
"Suot ko? May masama ba sa suot ko?" Taka kong tanong sa kanya.

"W-wala naman. Ano kasi.. aaahhhm, ngayon ko lang kasi nakita ang totoong ikaw." Sagot naman agad niya sakin.

"Ah ganun! Teka nga.. sagotin mo nga muna ang tanong ko sa'yo kanina. Ano bang ginagawa mo rito? Gabi na kiko oh!" Sabi ko sa kanya at pinakita ko pa sa kanya ang maliit na wrist watch ko.

" di ba nga, sabi ko sayo. Pupunta ako rito sa condo mo para pagusapan ang pagpapanggap mong 'yan." Sagot naman niya.

Napacross arms naman ako sa harap niya.
Nawiwirdohan din kasi ako minsan sa mga kilos nitong si kiko eh at nakakapanibago din siya, noong di pa niya ako nabubuking .. tahimik lang naman siya. -____-

"Di pa ba sapat 'yong pag uusap natin sa coffeetea kahapon?" Taas kilay na tanong ko na naman.

"Hmm. Nope! Di pa talaga. Tsaka, gusto &#&$%&$*#&#"

"Ha? Ano 'yon kiko?" Kunot noong tanong ko dahil di ko narinig ang panghuli niyang sinabi.
Ang hina kasi ng sinabi niya sakin na parang pwet lang niya ang nakarinig no'n! Pft. >___<

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now