Meng alighted the vehicle and started walking around, her cap and shades back. Aside from the soldiers who are going about their activities, she noticed that there is also a group of natives near the main structure - or headquarters and had the feeling that they are the Mangyans. First time seeing them in person. She only get to read about them in school textbooks.

Okay, mamaya na po kayo, tatawag muna po ako sa tatay ko.  Marami pang panahon kung maiiwan sila dito. Lowering her cap and adjusting her shades, she proceeded to find a spot with signal to call her father.

Still thinking if her Operation Peace and Quiet is about to be aborted, Meng saw her cousin running to her.

"Ano Kuya Poch, ipa-firing squad na ba tayo? Bumaba na ba ang hatol?"

"Menggay!!! Naku, sabi nung Wally sasama na daw nila tayo! Ayoko!"

"Talaga kuya Poch? Sasama na nila tayo? YES!!!!" She threw her arms in the air.

"Paiwan na lang tayo please para makabalik na tayo sa bayan. Kinakabahan ako sa plano mo!"

"Pumayag ka na! Di mo ba naisip na lalo tayong mabubuko pag nagpaiwan tayo? Ang dami kayang sundalo dito. Baka isa diyan makakilala sa akin, mahirap na! Ituloy na natin Kuya Poch, andito na rin lang tayo. Teka, alam ko na yata kung bakit mo gusto magpaiwan. Gusto mong magbilang ng mga..." she said as she eyed the soldiers walking.

"Tse!"

"Tse ka din! Sige na, susunod na lang ako, tawagan ko lang si Tatay saglit."

Scratching and shaking his head, a disappointed Kuya Poch walked away to join the others.

Meng looked at the sky and offered a silent Thank you Lord prayer.

Then she proceeded to call her father. "Tay sorry, ngayon lang tumawag. ......Ano po, tay? Paulit po ng sinabi n'yo."

"Sabi ko, nakapagtanong na kami. Pasalamat ka at kilala ng kumpare ko yung Commissioner na sinabi mo, pati yung Faulkerson Foundation. Yung picture na pinadala mo eh anak daw ng may-ari ng foundation, tama ba? "

Thank God for that.  "Eh di payag na kayo?"

"Anak, magsabi ka ng totoo."

"Ano yon Tay?"

"Baka naman nanliligaw yan sa 'yo, di mo lang sinasabi sa amin ng nanay mo? Kaya ayaw mong pakilala. Bakit ngayon lang namin siya nakita at sa picture pa?"

"Ay hindi po Tay! Malayong-malayo po sa katotohanan. Consultant po siya sa NCIP. Kakilala po namin siya ni Kuya Poch." She's not lying, is she? They got introduced earlier albeit reluctantly.

"Pero hindi pa rin ako komportable sa gagawin n'yo. Umuwi na lang kayo."

"Tay, huli na ang lahat. Gustuhin ko man, Tay, andito na po kami sa kampo ng mga Scout Rangers dito sa San Jose, Occidental Mindoro. Magsisimula na po yung akyat sa bundok. Sige na tay! We'll be back after a week."

"Anak, sanay kami ng nanay mo na halos di tayo nagkikita ng isang linggo pero di kami sanay na di ka nakakausap. Siguradong walang signal sa pupuntahan n'yo. Paano kung may mangyari sa 'yo?"

"Mag-iingat po kami Tay, ako pa! Isipin n'yo na lang na nasa location shoot ako or something. Sige na po tay, ayan o, sinesenyasan na po ako, lalakad na daw kami. Love you tay! Give my love to nanay!"

"Ingat ka anak! May hitsura yan! Huwag kang magpapaligaw nang di ka muna nagpapaalam!"

"Tay, huwag ka mag-alala, wala akong balak magpaligaw sa taong salubong ang mga kilay. Sige na po, babay na!" Seeing the double time signal from Kuya Poch, Meng ran to the clearing outside the station where everybody is waiting.

A scowling face greeted her but he immediately turned away (again, what else is new?) when she approached.  She's really beginning to memorize that grumpy look.

Hindi napansin ni Meng na sinundan ni kuya Jose ang tingin niya. "Huwag mong intindihin yon, ganyan lang talaga yan pag medyo nasisira plano. Sa totoo lang, mabait naman yan — pag hindi masungit."

Kuya Wally chimed in. "Pero Meng, Paolo, sigurado kayo ha? Hindi biro itong gagawin nating lakad, baka hindi kayo sanay. Kailangan nating makarating sa campsite bago dumilim. Doon tayo magpapalipas ng gabi bago tumuloy sa lugar nung mga Mangyan bukas ng umaga. Hinay-hinay lang ang lakad. Huwag n'yong puwersahin. Kung pagod kayo, hinto lang ha? Oh ready na? Tara, aalis na tayo. Sundan n'yo na lang si RJ. Sa likod n'yo lang kami."

And off they go - she picked up her backpack and started on the trek while making faces behind the back of Tisoy. Kahit ganito man lang makaganti.

Eh biglang lumingon ang kumag. Buti mabilis akong umilag, ang talim ng tingin, parang arrow! Pambihira! Yung dimple napunta sa pagitan ng mga kilay - haay kaloka!

Paano at bakit nagbago ang isip?


(A/N: Pasensiya na, medyo sabaw ang update.

At dahil fictional military camp, siyempre walang  picture kahit si Captain Napoles. By the way, this is a tribute to his brilliant performance in IYAM. Nilagyan lang natin ng konting dialogue.)

Of Love, Signs and Logic (Completed)Where stories live. Discover now