Pagbalik namin sa kwarto, kasama ni Price si Princess sa kama niya at masaya silang naglalaro. Kitang-kita ko na naman yung tuwa sa mga mata ni Price. Napangiti din tuloy ako.

                “Look, there’s your tita!” masayang sabi ni Price sabay turo sa akin. Agad namang tumingin si Princess. Tumakbo siya agad nang makita ako, tapos sinalubong ako ng mahigpit na yakap.

                “Hi, baby! You’re already so big!” masaya kong sabi, tapos agad ko din siyang binuhat.

                Grabe, ang bigat. Hahahaha!

                I hugged her tightly, immediately remembering that so many things fell right into place because of her. Sa lahat ng tao, si Princess pa ang ginamit ni God para magkaayos kami ni Price. Who knew, right?!

                “I missed you so much. Did you miss me, too?” tanong ko. Tumango naman siya.

                Dinala ko ulit siya sa kama ni Price at dun na kami naglaro na tatlo. Everyone else was talking, so we were left in our own little world.

                “Tito Price, are you sick?” tanong ni Princess nang umupo siya sa kama.

                Natawa si Price. “Yes, Princess. Tito Price is sick.” Nag-pout pa ang asawa ko. Haha!

                “Ohh... okay,” sabi lang ni Princess. Hindi niya man ipakita, nakita naming nalungkot siya.

                “Want to pray for your tito? You can ask God, so that tito Price won’t be sick anymore, right?” biglang sabi ni ate Jenny kay Princess. Nakita din naming biglang nagliwanag ang mga mata niya. Tumango siya agad at excited na pumikit.

                “Lord, I pray for tito Price. Please don’t let him be sick anymore, so that mommy and daddy, and lolo and lola will not cry anymore, and tita Saydie, too,” dahan-dahang sabi ni Princess. “In Jesus’ name, amen!”

 

                Masaya niyang idinilat ang mga mata niya at tumingin kay Price.

                “Tito, are you okay now?” excited niyang tanong.

                Nagkatinginan kaming lahat at saka natawa. She was just too cute! Haaay, sobrang sarap talaga siguro ng may anak.

                “Hahaha! Yes, baby, I’m okay now. Thank you! Hahaha,” natatawang sagot naman ni Price.

                “Tito, what’s this?” tanong naman agad ni Princess sabay turo sa IV na nakatusok kay Price. “Does it hurt?”

Accidentally MARRIEDWhere stories live. Discover now