Wala sa sariling tumayo ako at pikit-matang lumabas ng kwarto, tinungo ko ang pinto at napagdesisyonang tingnan ang screen ng intercom ko para tingnan kung sino ang letseng ito.

Ngunit.. napatigil naman ako at nawala ang antok ko ng makita ko kung sino 'sila'.. yes! SILA! ibig sabihin.. madami!

Alam niyo ba kung sino sila? Sino pa ba, edi ang tropa ni kambal!

"Oh my gas! Oh my gas! Oh my gas!" Tarantang tili ko na lang. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Alam pala nila kung saan ang condo ni dani? My god! >____<

Pero ano bang ginagawa ng mga mokong na'to dito?

Patuloy pa rin ang naririnig kong doorbell.

Damn! Ano bang una kong gagawin!? Hindi ko na talaga alam!

"Okay danica! Just relax! Breath, kailangan mong kumalma. Hindi ka pa naman nabubuking kaya dapat kumalma ka." Sabi ko sa sarili ko.

Pumikit muna ako bago bumuntong hininga. Nang makasigurong kumalma na ang buong katawan at puso ko ay naisipan ko ng pagbuksan ng pinto ang mga ito,

ngunit.. napahinto na naman ako ng mapagtanto ko ang suot ko.

Oh my god!

Nakapanty lang pala ako!

"Shit!" I cursed. Muntik na talaga! Tumakbo agad ako sa loob ng banyo. Yes! Maliligo muna ako. Bahala sila sa labas kung maiinip man sila sa kakahintay na pagbuksan ko sila.

Mabilis lang akong naligo tsaka ako lumabas at dali daling nagbihis ng panlalaking damit. Agad ko na ring sinuot ang wig at tumingin na muna ako sa salamin.

Pwede na'to!

Lumabas na agad ako ng kwarto at tinungo ang pinto. Naririnig ko pa rin ang tunog ng doorbell at mas lalo pa itong bumibilis ngayon na halatang naiirita na ang taong pumipindot nito.

Agad ko ng binuksan ang pinto at bumulaga sakin ang iritable at nakasimangot na mga mukha ng tropa ni dani, except na naman kay kiko na poker face na naman.

Masanay na lang kayo sa kanya!

"Thank God! Finally,binuksan mo na rin! Alam mo bang kanina pa kami kakadoor bell dito! Ano bang ginagawa mo sa loob ha dani?" Iritang sabi agad ni alfred sakin.

"Sorry guys! Nakatulog kasi ako eh, kaya ngayon ko lang narinig na may nagdoor bell." Sagot ko na lang sa kanila.
"Teka, ano bang ginagawa niyo dito?"

"Ginagawa namin dito? Nagpapatawa ka ba dani? Nakalimutan mo na bang ininvited tayo ni clarisse sa house party?" Sabi naman ni nico.

"Oo nga dani! Makakalimutin ka na ata ngayon!" Nakasimangot pa ring sabi naman james.

Hala! Oo nga! Nakalimutan ko nga ang bagay na 'yon! Hay naku! Dahil na rin siguro sa pagod. Teka? Anong oras na ba?

Tiningnan ko na lang ang wrist watch na suot ko.

6:48pm.

Mukhang ang tagal ko atang natulog ah! Ang bilis ng oras eh.
At saka, bakit hindi nila ako tinext na pupunta sila rito sa condo ko? By the way, nakabili na din pala ako ng phone nong isang araw kung hindi niyo pa alam.

"Bakit hindi na lang kayo dumeretso sa bahay ni clarisse? Tapos, hindi niyo pa ako tinawagan man lang o kaya tinext na pupunta kayo rito." Kunot noong tanong ko sa kanila. Pabigla bigla naman kasi tong mga 'to eh!

"Tss! Hoy bro! Tinawagan ka kaya namin at tinext ka din namin! Pero hindi ka naman sumasagot! Tsaka, hindi kaya namin alam kung saan ang bahay ni clarisse!" Singit naman ni france.

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now