"Lumayo ka sa kanya!" Sigaw ko pero hindi ako makatayo kahit pilitin ko. Anong ginagawa niya sa akin?!

Nakapikit ng madiin ang kanang mata ni Sherez dahil sa pain na nararamdaman nito ngayon.

"S-Shy? I-Ikaw si D-Death?" Halata sa boses ni Sherez ang pagkagulat. Teka? Sino si Shy na tinutukoy niya?!

"Ako nga..." binuhat niya si Sherez at naglakad patungo sa bintana.

"Bitawan mo si Sherez!"

Nagpupumilit akong makatayo pero pakiramdam ko may mabigat na nakadagan sa akin.

"K-Keira.. tulungan m-mo 'ko.. Ah!"

Ito ang huling sinabi niya bago naging purong ginto na ang asul niyang mga mata. Ang kulay itim na ugat sa kanang leeg ni Sherez ay umabot na sa pisngi niya. Mas lalong naging matulis ang mga pangil niya at may malakas na kapangyarihan ang unti-unti kong nararamadaman na nagpupumilit na lumabas.

May nakita akong espadang yelong mabilis na nagtungo sa direksyon ni Death pero agad niya itong nailagan. Napatingin ako sa pinto at nakatayo na doon si Reilee.

"Anong nangyari sayo at nakadapa ka lang dyan?" Baling sa akin ni Reilee. Sinubukan kong tumayo at nawala na ako sa kapangyarihan ni Death.

"Hindi ka man lang nagdalawang isip na baka matamaan mo si Sherez?!"

"Pasensya na." Halata sa mukha niya ang guilt.

Lumabas si Death sa bintana kasama si Sherez kaya sinundan namin sila, Sa rooftop siya pumunta.

Kasalukuyan namang nakikipaglaban ang mga Guardians at iba pang bampira sa mga wolf sa ibaba.

Ibinaba niya si Sherez at hinayaan itong tumayo mag-isa. Nakatayo lang siya sa tabi ni Sherez. Anong binabalak niya?

"Sherez... balak ka nilang patayin, hahayaan mo bang mangyari iyon?" Teka! Pinagsasabi ng babaeng 'to? may ibinubulong siya "Patayin mo sila, bago ka nila unahan.." what the!

Mabilis na nakapunta si Sherez sa likod ni Reilee at agad niya itong sinuntok. Sa lakas ay tumilapon si Reilee. Tiningnan ko si Death at kahit na nakamask siya ay kita kong nakangiti siya dahil masaya ang mata niya sa nakikita niya. Mabilis akong lumapit para yakapin si Sherez pero mabilis siyang nakapunta sa likod ko, kinalmot niya ako.

"Aaaahh! Shit!" Hinawakan niya ang leeg ko at malakas na inihagis.

Tiningnan ko siya at dinidilaan niya ang kamay niyang may dugo habang palapit sa akin. Mahaba na pala ang mga kuko niya. Napatingin ako sa wristwatch ko, 11:56pm na at malapit na mag 12:00am. Hinawakan niya ang buhok ko at iniangat.

"Hindi kami ang kalaban mo Sherez!"

Nagtataka lang itong nakatingin sa akin. Umiilaw ang ginto niyang mata at parang hinihipnotismo ako. Sinimulan niyang dilaan ang mukha kong may dugo, galing sa ulo ko.

"Can't you see? Wala na sa katinuan si Sherez at ang tanging nakatatak sa isipan niya ngayon ay ang patayin kayo."

"Dahil nilalason mo ang isipan niya..." Naglalakad na pabalik si Reilee. Napatingin sa kanya si Sherez kaya agad ko itong dinamba pahiga. Hinawakan ko agad ang magkabilang kamay niya.

"Aaaarrhggg!" Galit siyang nakatingin sa akin habang nagpupumilit na makaalis sa pagkakahawak ko. Shit! Kailangan na makarating ni Mr. Centrias dito! Hindi namin kaya si Sherez!

Lumapit si Reilee sa akin at binalutan ng yelo ang katawan ni Sherez. Nagpupumilit itong makatakas pero wala siyang magawa. Tumayo ako at binalingan si Death.

The Vampire Princess: Prophecy Of Two Creatures [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon