50. Keila (Edited)

Start from the beginning
                                    

"At sino ka naman lalaki?!"

"Ang sabi ko magpahinga ka diyan, Maxwell!"

"Tsk."

Sinamaan ko lang ng tingin si Silver, at nanghingi ng damit kina Kuya Kayne pagkatapos ay nagbihis na.

"Master, matulog ka na muna" Sabi ni Silver sa akin. Nasa labas ako ng bahay at nagpapahangin at biglang sumulpot itong si Silver.

Its already 3:45am. Nakaramdam naman ako ng pagod. Hindi ko nalang pinansin si Silver at nakatingin kang ako langit.

"Tumawag si Marco sa akin at ibinalita na ngayon na ooperahan si Violet. Maraming salamat Master sa tulong mo, ang laki na ng utang ko sa yo"

Nakikinig lang ako kay Silver. Nung gabing una naming pagkilala, doon sa Japan, ako ang gumastos sa gastusin ng ng kapatid niya. Hindi ko ugaling tumulong sa mga taong hindi ko pa kilala pero, napagisip-isip ko rin na wala pala akong pag-gagamitan sa pera ko. Hindi sa nagmamayabang pero, ang laki na ng naipon ko sa bangko. Galing sa mga nagha-hire sa aking pumatay.

"Pero Master, hindi pa kita kilala, anong pangalan mo?"
Napakaseryoso ng mukha ni Silver habang tinatanong niya ito sa akin. Gusto kong matawa pero hindi ko nagawa dahil sa mga naaalala ko.

"My name is not important. Matutulog na ako, ikaw rin" Sabi ko sa kanya habang patatalikod.

"Sige lang Master, dito na muna ako at magbabantay" Saad nito sa akin. At naka-amoy ako ng usok ng sigarilyo.

"Bahala ka!" Umalis na rin ako at bago yun narinig ko pa itong sumigaw.

"Mornight Master!"

Nagising ako dahil sa gutom na naramdaman ko. Naligo muna ako at nagbihis, pinahiram na rin ako ni Jun ng kanyang damit. Pagkababa ko, nadatnan ko silang kumakain sa kusina.

"Baby girl, gising kana pala! Come here and lets eat!" Nagpatuloy lang ako sa pagbaba, umupo na ako at nagsimulang kumain.

"Jun explained everything, Baby girl" Napatigil ako dahil sa sinabi ni Kuya, pati rin pala si Jun at Silver.
"Nung una hindi ko pa tanggap pero napapansin kong nag-iba kana talaga. I'm sorry" Nakatitig lang ako kay Kuya Kayne. Gusto kong maluha pero, tinatatagan ko ang loob ko.

"K-Kuya Kayne....."

"Kahit isa kang assasin, you are still my Baby girl, right?" Nakita kong may luhang kumawala sa mga mata nito, kaya hindi ko na rin napigilan ang luha ko. Dali-dali ko itong pinunasan. Tumayo ako at naglakad palapit kay Kuya Kayne at niyakap sa kanyang likuran.

"I am still your Baby girl, Kuya. Tandaan mo yan," At binalik ko na ang atensiyon sa pagkain.

Nauna ng umakyat si Kuya Kayne at naiwan kaming tatlo.
"Death," Tawag sa akin ni Jun. Tiningnan ko ito. Walang emosyong tiningnan ko ito.

"Sorry. Namilit si Maxwell sa akin,"

"Its okay. Thank you" Nginitian lang ako nito. Umalis na ako sa kusina pero bago yun may binilin pa ako sa kanila.

"Dont disturb me"

Binuksan ko ang pintuan ng bodega. Tumambad sa akin ang medyong magulong mga gamit at sa gitna ng silid ay may lalaking naka-upo habang nakayuko ito. Naglakad ako papalapit sa kanya.

Walang pagdadalawang isip at agad ko itong sumuntok dahilan para matumba ito at magising.

"Fuck!" Mura nito.

"Tumayo ka," Utos ko dito.

Tiningnan niya ako.
"Sino ka?!" Sigaw nito sa akin.

"Ako ang maghahatid sayo sa impyerno," Malamig kong tugon sa kanya. Nakita kong napalunok ito.

"Tatayo ka o papatayin kita?"

"A-ano bang kailangan mo sa akin?" Tanong nito sa akin habang bumabalik sa pag-upo.

"Mga sagot," Agad itong napatingin sa akin at naging seryoso ang tingin nito sa akin.

"Wala kang makukuhang sagot sa akin!" Sigaw nito sa akin. Napangisi naman ako dahil sa sinabi ng lalaki sa akin.

"Really?" Ngumisi ako ng pandemonyo sa kanya. Takot naman itong napatingin sa akin.

"A-anong g-gusto mong malaman?" Takot nitong saad sa akin.

"Sino ang nag-utos sa inyo?"

Matagal pa itong nakasagot. Nagsalita naman ako.
"Pag hindi mo sasagutin, gagawain ko sa pamilya mo ang ginawa mo sa pamilya ko. What do you think?" Nakangising saad ko dito. Lumitaw nanaman ang pagiging demonyo ko.

"Wag! W-wag mong idamay ang pamilya ko! Nagma-makaawa ako sayo!" Naiiyak ang mga matang nakatingin sa akin. Wala akong paki-alam king iiyak iyo ng dugo. Gusto ko lang malaman kung sino ang nag-utos sa kanila.

"Sino ang nag-utos sa inyo?!" Malamig ngunit bakas sa tono ko ang galit.

"S-si Ma-Master J! Si Master J ang nag-utos sa amin!" Napahigpit ang hawak ko sa baril. Wala na akong ibang naramdaman kundi galit.

Walang awang pinagbabaril ko ang lalaki. Napatigil lang ako dahil sa may narinig akong sumigaw ng pangalan ko.

"Maxene...."

--------

DEATH: The Bloody QueenWhere stories live. Discover now