50. Keila (Edited)

Bắt đầu từ đầu
                                    

She's still beautiful kahit na medyo may wrinkles na siya. I'm too happy knowing that they are alive. I know Mommy will going to be okay.

Naalala ko na naman ang nangyari sa resort. Medyo may pagkaparehas sila ng kalagayan.
"Baby girl, bakit ganyan ang suot mo?!"

Napangiti ako dahil sa narinig ko mula sa labi ni Kuya Kayne. 'I'm his Baby girl' Hindi ko siguro kakayaning mawalay na sa kanila. Sa nangyari ngayon I can figure it out na isa ako sa dahilan kung bakit may gustong pumatay sa kanila. O di naman kaya ay si Jun, speaking of Jun.

"Kuya si Jun?" Kahit may alam ako kung nasaan si Jun, tinanong ko pa rin.

"Shit! Si Jun nga pala! Kailangan ko siyang puntahan," Tarantang saad nito sa akinl.

"Baby girl, stay here, okay? Bantayan mo si Mommy, delikado sa labas." Lalabas na sana ito ngunit nagsalita ako kaya napahinto ito.

"Delikado naman pala sa labas pero lalabas ka? Stay here inside Kuya, she can handle it"

"I know but-"

"Mommy need us Kuya Kayne, just calm down. If in a minute pag wala pa siya, ako ang pupunta sa kanya"

"What the hell are talking, Keila?!" Wala pa rin ba siyang alam tungkol sa akin? Wala bang nababanggit si Jun sa kanya tungkol sa akin?

"Kuya, hindi na ako katulad ng dati. Madaming nagbago nung akala kong wala na kayo" Kumilos ito at may naramdaman akong may inilagay siya sa likuran ko. Jacket pala nito.

Ipinagpatuloy ko naman dapat kong sasabihin. I am planning to tell the truth about my life to my Kuya, pero nagdadalawang isip ako.
"Kuya, I am an ass-"

"Woooah! Natapos rin!" Napatigil ako dahil sa biglang pagbukas ng pinto. Napatingin naman kami ni Kuya Kayne sa mga pumasok. Only to find out sina Jun at Silver pala ito. Si Silver ang namulabog sa dapat kong sasabihin. Siguro sa susunod ko nalang sasabihin.

"Jun! Thanks God, you're okay" Agad pinuntahan ni Kuya Kayne si Jun. I wonder, whats the score between them?

"Ang dali lang nila talunin, Maxwell sadyang marami lang sila. By the way, hows Tita?" Sabi ni Jun kay Kuya. Naging kalamado naman si Kuya dahil sa sinabi ni Jun. Napangiti ito, kahit hindi abot sa mga mga mata niya ang ngiti, mapaoansin pa rin dito na may parte sa kanya na masaya.

"She's okay"

Naglakad ako papalapit kay Silver.
"Silver, ginawa mo ba?"

"Yes, Master" Mababakas ang pagod sa mukha ni Silver. Nilibot ko ang paningin ko nang may naramdaman akong nakatitig sa akin.

"Nandito ka pala, Keila. Galing ka sa Black Party?" Tanong sa akin ni Jun. Nagtatakang napatingin sa amin si Kuya Kayne.

"Teka lang, anong Black Party ang pinagsasabi niyo?" Naguguluhang tanong sa amin ni Kuya Kayne, palipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa ni Jun.

At paano nalaman ni Jun na galing ako sa Black Party?
"Yeah" Tumango lang ito at umupo.

"Wala bang magpapaliwag sa mga nangyayari ngayon?" May bahid ng pagka-inis ang boses ni Kuya.

"Magpahinga ka na lang diyan, Maxwell" Malamig na tugon ni Jun. Napansin ko namang naasar si Kuya at napilitang na-upo sa katabi ng kama ni Mommy. Binalingan ko ng tingin si Silver.

"Nasaan?"

"Nasa bodega, pero bago mo puntahan mag bihis ka muna, Master ang hot mong tignan!"

DEATH: The Bloody QueenNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ