Special Chapter 1

Start from the beginning
                                    


"Sorry na"

Humarap ulit ako sa kanya. Naiintriga ako kay Mr. Papansin.


"Ikaw nga matanong ko, di ka ba naiinis sa haba ng pila? Ilang oras na kami dito pero wala pa sa kalahati yung nararating namin"


"I'm sure they're trying their best para mas lalong umayos ang pamamalakad dito sa school na ito"

Ang laki talaga ng pinaglalaban niya.


"Sana naman yang pagtatry nila ay maabutan ko pa kasi feeling ko, nakagraduate na ko't lahat lahat eh ganito pa rin dito"


"Anong year mo na ba?"

"First year"

"Oh. May tatlong taon pa sila. Give them a break"


Inirapan ko na talaga siya.

"Whatever"


Humarap na ko kay Kenken ng nakasimangot.

Tumatawa lang siya habang nakikipagkwentuhan kay Eli.


"Ngumiti ka kaya, mas gaganda ka pa miss"


Unti-unting nawala yung kunot ng noo ko.

"It's gigi" I whispered without even looking at him.


"Are you smiling now, gigi?"


Di ko napigilan ang sarili kong ngumisi.


Leche bakit kinikilig ako?

Dapat naiinis ako diba?


"No"


Tumabi siya bigla sa gilid ko kaya nanlaki ang mga mata ko.

Nahuli niya kasi akong naka-smile.

He laughed at my reaction.


"Sorry kung umepal ako ah. Kanina pa kasi ako nakakarinig ng mga reklamo eh pare-parehas lang naman tayong nahihirapan"


"Sino ba naman kasing di magrereklamo eh kanina pa ko nakatayo dito. Nakakangalay kaya sa legs..."


Bigla niyang tinignan ang legs ko kaya naconscious ako.

I'm wearing a skirt...


"You're right. Dapat sa mga katulad mo, di pinatatayo ng matagal. Di bale, I'll suggest to my father na nakaupo na lang lahat ng students habang napila. What do you think?"


"I don't understand. Sino ba yung tatay mo?"

"H-ha? Wala..."


Nanliit ang mga mata ko sa kanya.


My Only Mistake (My Only Series Book 1)Where stories live. Discover now