Kinabukasan, maingat na bumangon si Jason at nagtuloy na nagshower. Gaya ng inasaahan niya tulog na tulog pa rin ang dalaga hanggang sa makapag shower at makapagbihis na siya. Nakangiting  hinalikan sa pisngi ang tulog na tulog na kasintahan. “Happy birthday my lovely princess. Sleep tight, I will see you later.”

 

Hindi makapaniwala si Sarah ng makita kung anong oras na ng magising siya. Iginala ang paningin sa paligid ng kwarto ni Jason. Alam niya nakaalis na ito at ganoon din ang mga magulang. Dali dali sana itong babangon ng maramdamang hubad pa rin pala siya. Namula ang dalaga ng maalala ang nagdaang gabi, kung paano ilang beses siyang inangkin at nagpa-angkin sa kasintahan. Bakit nga ba sa piling ng kasintahan, nagagawa niya ang mga bagay na ni sa panaginip ay hindi niya inakalang magagawa at masasabi niya. Parang may sariling pag-iisip ang katawan niya, ang mga kamay niya. Ang nasa isip lang niya ay masuklian ang kaligayahang ipinadarama sa kanya ng binata.

 

Bumuntong hininga ang dalaga, kailangan na niyang gumayak, maya maya lang ay siguradong pabalik na rin si Jason. Alam niya may meeting lang sa umaga ang kasintahan, bandang hapon pa ang flight nila papuntang Cebu. Kinuha ang phone niya na walang tigil sa mahinang pag buzz at ring.

 

Ang dami niyang miss calls at text messages na bumabati sa kanya ng Happy birthday. May text din ang Mama niya na hindi na siya ginising. Tatawag na lang daw uli ang mga ito pagdating sa hotel na tutuluyan nila.

 

Nagpasya ang dalagang mag shower muna bago sumagot sa mga messages at mag return ng tawag. Naisip din niyang kailangan niyang mag hanap ng isusuot niyang damit sa dinner nila ni Jason kinagabihan. Naisip ng dalaga, bale yung dinner nila mamayang gabi ang first formal date nila ng kasintahan mula ng sagutin niya ito. Tutuong ilang beses na rin silang kumain sa labas pero madalas ay work related. Kailangan talagang maging special ang dinner date nila. Napangiti sa sarili ang dalaga, alam na niya kung ano ang isusuot niya. Naalala ang black dress na ipinadala ng Tita Kristina niya in case daw na gusto nitong magpalit pa ng damit para sa reception sa dinaluhan nilang kasal nun lang nakaraang week end.

 

Samantala si Jason naman ay nasa telepono ng mga oras na yun, kausap ang mga magulang ni Sarah. "She has no idea what's  going to happen tonight. Parang nakikita ko na ang magiging reaction niya." Nakangiting sabi ni Jason.

 

"Good! Yan ang gusto natin, ang masurpresa siya at hindi niya makalimutan ang 25th birthday niya." Sagot naman ni Neil sa kabilang linya.

 

"Gumawa ka ng paraan para hindi niya mahalata kung bakit maagang uuwi sina Aling Remy at Mang Vic." Paalala naman ni Lena.

 

"Ako na bahala Tita, uuwi na ako pagkatapos nating mag-usap , ako na magpapauwi sa kanila."

 

"O sige bahala ka na diyan, kami naman bahala dito. Isa isa na daw nagdaratingan ang mga bisita kaya lalabas muna kami para kausapin at kumustahin naman ang mga bisitang andito na."

 

"Sige po, maalala ko Tita, darating ba sina Yeng at Rachelle?"

 

"Andito na sila, kagabi pa. "

 

"Siguradong matutuwa ang mahal na prinsesa!"

Pag-ibig, Noon at NgayonWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu