Chapter 13

7.1K 85 36
                                    

“Dinner at your service Princess Sarah,” bati ni Jason sa dalaga ng buksan nito ang pintuan.

“Sir naman, tinutuo naman ninyo yang Princess  Sarah na yan. Please naman po huwag ninyo akong tinatawag ng ganysan.” Pinatuloy nito ang binate. Sinubukang tumulong sa mga dala dala nitong pagkain.

“Ok lang kayang kaya to, saan mo gustong kumain, sa dining room o dito na lang sa living room?”  Tanong nito pero ng makitang naka set na ang table ay tuloy tuloy na nitong nilapag ang pagkain sa countertop. “I see dining table then.”

“Sir sabi mo pang sampung tao yung pagkain, paano mong nadala lahat?” Nakangiting tanong ni Sarah dahil sa tingin niya hindi naman pangsampung tao ang dala ng binata.

“Oo na, was exaggerating when I said ten person,  maybe 3?” Pag-amin ni Jason.

Lalo ng tumaas ang kilay ni Sarah ng muntik pa siyang mapaso sa init ng isa sa mga pagkain ng isasalin sana niya ang isa sa mga putahe sa serving bowl.

“Wow naman, at talagang sobrang init pa, mukhang kaluluto lang nito Sir ah. Kala ko ba nabili na ninyo bago pa kayo bumalik sa office? Saan nyo nilagay sa tambutso ng sasakyan nyo?”

Napahagalpak ng tawa si Jason.  Wala na siyang kawala. Hindi na siya makapagsinungaling pa. Lalo na ng tingnan ni Sarah ang bag na pinaglagyan ng pagkain at binasa ang pangalan ng restaurant.

“Guilty, sorry I just really want to know where you live here in Manila, pero tutuong pinagbilin ka  sa akin ni Ninong. Actually kakapag usap lang namin bago kita nakausap.”

Nakatingin lang si Sarah sa kanya. Hindi makapaniwala na nagdahilan ang boss niya para lang malaman kung saan siya nakatira.

“Bakit naman gusto mong malaman kung saan ako nakatira? Kala ko phone lang ok na.”

“Hindi pa ba ako obvious?”  Itinigil ang pag aayos ng mga pagkain at tinitigan ang dalaga.

Sarah’s  eyes jerked  and wondered if she heard it right. “Obvious?” Nagtatakang tanong nito , tinulungan uli si Jason na mag ayos ng mga pagkain.

Instead of answering Sarah’s question ,  he stepped around   her and  pulled a  chair out.” Have a seat your highness.”  His face was  friendly and thoughtful and teasing.

Sarah just stared at him, waiting for his answer.   His  eyes locked on her . Sarah   felt heat creep into her  cheeks and  looked away. 

“Talagang sinusunod mo talaga mga sinasabi ni Papa? Pwedeng mahingi ang number niya para matawagan ko din siya. Masabi ko na rin na huwag ka na niyang istorbohin kasi hindi ko naman talaga kailangan pang alagaan.”

Hindi kumibo si Jason. Sinalinan ng red wine ang wine glass ng dalaga. Lalagyan sana ng pagkain ang pinggan nito ng hindi na nakatiis ang dalaga at hinawakan ang kamay ni Jason.

“Ako dapat nag aasikaso saiyo , bisita kita eh.”

“Prinsesa ka naman.”

“Ano ba, sige hindi ko kakainin yang mga yan kahit gutom na gutom na ako.” Parang batang bumusangot si Sarah, sabay irap sa binata.

“Sige na , aaminin ko na, kaya ako nagpipilit na maihatid ka, malaman kung saan ka nakatira, gusto kong makilala ka pang lalo at makilala mo din ako. Ewan ko , hindi ko din alam kung bakit nung binasa ko uli ang CV mo, nagdesisyon akong  kung magkakaroon ako ng personal assistant , ikaw yun. Siguro naman napansin mo ako kanina  na hindi maalis ang tingin ko saiyo.” Sumubo na ito , habang tinititigan pa rin si Sarah na , nanlalaki ang matang nakatitig din sa kanya, walang matinong maisip na isagot sa narinig mula sa kaharap.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon