Chapter 26

7.2K 91 37
                                    

Napahinto papunta sa kusina si Sarah ng mapansing may envelop na nakasingit sa baba ng pinto. Inisip niyang baka note galing sa management ng condo kaya binuksan niya ang pinto para makuha niya ng maayos ang envelop. Laking gulat niya ng makita ang mga bulaklak.

Dali dali niyang kinuha ang mga bulaklak bago pa may makakita sa kanya na nakapantulog pa.

Binuksan niya ang envelop, may duda na siya kung kanino galing ang mga yun pero gusto niyang maka siguro .

" 'I am not going to stop until you can see that you are destined to be mine."

Love,

J

Nayakap ni Sarah ang note, binasa uli, hinalikan at kumakanta ng naghanap ng flower vase para sa mga bulaklak . Ilang beses din niyang inamoy bago tuluyang inilapag sa gitna ng coffee table.

Kumakanta pa rin ang dalaga hanggang sa shower. Hindi maikakaila ang magandang umpisa ng araw nito.

Pagkatapos mag shower ay pumunta uli ng kusina, tiningnan kung tapos na ang brewed coffee na ihinanda niya.

Nangiti na naman ito at inamoy na naman ang bulaklak ng makita ang mga ito.

Ano ba gagawin ko saiyo? Bakit pinag aaksayahan mo ako ng panahon. Wealthy, successful, gorgeous and sexy na katulad mo bakit isang simpleng katulad ko ang pinagtutuunan mo ng pansin? I am so way out of your league! Ano na lang sasabihin ng mga dating girlfriends mo pag nalamang ang nililigawan mo ay isang katulad ko lang?" Hawak ang kapeng pinagmamasdan ni Sarah ang sarili sa harap ng salamin. There was no use denying the attraction between us. I felt all sorts of emotions when he is near, so why fight it? Sa bandang huli ay natawa na lang ng maisip na kinakausap at tinatanong niya ang sarili. Dali dali na itong nagbihis, naalala niyang sinabi nga pala ni Jason na mag aalmusal muna sila bago sila pumunta ng office.

Palabas na siya ng marinig niyang may nag door bell.Pagbukas ni Sarah ng pinto , nagulat siya, hindi naka business suit gaya ng dati si Jason. Naka maong lang ito at off white shirt. Mukhang katatapos lang nag shower dahil mukhang basa pa ang buhok.

"Good morning," bati nito sa dalaga habang pinagmamasdang maige ang kabuuan ng mukha nito. Pakiramdam ni Sarah ay may gusto itong itanong sa kanya.

"Good morning," yumuko agad si Sarah , hindi niya matagalan ang titig ng binata. "Thank you sa mga bulaklak. Ang gaganda." Tatalikod na sana ito, natatakot siyang maramdaman ng binata ang matinding kaba ng dibdib niya pero mabilis siyang napigilan ni Jason.

His hands moved to her face and he slowly turned her face towards him, leaving her with no choice but to look at his eyes.

Hindi makakibo si Sarah. Napatitig na lang din siya sa binata. Gustong gusto ng haplusin ni Sarah ang mukha ng binata dahil sa nakikitang lungkot sa mga mata nito ng biglang mag ring na naman ang phone niya. Pareho silang nagulat. Tumalikod si Sarah at sinagot ang phone. Sinenyasan si Jason na pumasok muna.

"3 o'clock? Sige , siguradong anduon ako. Syempre naman , pwede ba namang mawala ako duon. I can't wait to see you . Na miss kita sobra.Sige see you at 3, I love you too."

Sa narinig na takbo ng mga salita ni Sarah ay hindi mapigilan ni Jason ang mag init ang ulo. Sino ang kausap niya si Miguel? Siya ba ang dahilan kaya siya mag ha half day?" Biglang harap nito kay Sarah na nabigla pa sa biglang pagbabago ng expression ng binata.

"Akala ko ba sabi mo hindi mo boyfriend si Miguel, bakit kailangan mo pang mag half day para lang sunduin siya?"

Nuong una hindi pa nakuha agad ni Sarah kung bakit nabanggit si Miguel sa usapan nila. "Nagseselos ka kay Miguel? Bakit mo naman naisip na si Miguel ang susunduin ko sa airport?" Nakapamewang na tanong ni Sarah. "Napaka seloso mo pala, nanliligaw ka palang eh. Paano ka kayang maging boyfriend?"

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon