Chapter 54

6.4K 99 97
                                    

"Huwag ka na munang pupunta dito. Mainit ang mga mata ng NBI sa akin ngayon, baka mahalata tayong may binabalak laban sa mga Co kung makikita tayong madalas magkasama. May nilagay akong disposable phone sa bag mo kagabi, yung ang gamitin mo kung gusto mo akong makausap. Mas madali para sa atin ang makalabas ng bansa matapos nating makuha ang pera kung hindi sila maghihinalang may kasabwat kita." Pabulong na sabi ni Jake sa kausap niya sa telepono.




"Basta makinig ka sa akin, mas maganda na dito mo sa Manila sila ipadukot, kailangan itaon mo na nasa board meeting na ako bago mo pakilusin mga tauhan mo." Bilin ni Georgina.




Ako na bahala, kumilos ka lang ng normal. Kinausap ka na ba ng mga biyenan mo?"




"Sinubukan ko silang tawagan pero hindi ko sila nakausap. Iniiwasan nilang lahat na makipag usap sa akin,"




"Pagkatapos ng meeting ninyo, ,magtuloy ka na ng airport, lumabas ka na ng bansa, pag nakuha ko na ang pera, susunod agad ako saiyo."




Matagal tagal pang nag usap ang dalawa, inulit ulit uli ang plano nila. Nagpalit na rin sila ng telepono. Ginamit nila ang mga disposable phones.




"Maganda siguro subukan mong kumuha ng kakampi. Di ba sabi mo, malapit ang loob saiyo ng matandang babae. Bakit di mo subukang puntahan, mag drama ka para makuha mo simpatiya niya, magkaroon ka ng alibi kung saka sakaling makakuha ng tiyempo ang mga bata natin sa airport. Magpapadala na ako ng mga tao natin duon, may plano na kami, gaya ng dating gawi kaya dapat umaga pa lang nanduon ka na sa bahay ng matandang babae."




"Sigurado ka ba? Di ba mas magandang nasa meeting na ako bago kayo kumilos para may mas alibi ako?"




"Mas magandang sa airport pa lang ay makuha na siya , marami ng tao at ang mga tao natin duo , alam na alam na mga gagawin. Marami tayong tao duon at gaya ng sabi ko na, wala pang paltos ang mga trabaho namin sa airport. Malinis, kita mo naman ,hanggang ngayon heto pa rin ako, nagpapakaligaya sa pera ng may pera." Pagmamalaki pa ni Jake,




"Kinakabahan ako, hindi sila magduda na aksidente ang pagkamatay ng asawa ko baka mabuksan ang imbistigasyon at madiskubre nilang tayo ang may kagagawan ng pagkamatay ng asawa ko."




"Relax, malinis ang kunwaring aksidente ng tangang asawa mo." Tumatawang sabi ni Jake.




"Pag nakuha natin ang 500 million, magpapalamig muna tayo. Magpapasarap tayo sa Brazil o kaya Mexico o kahit sa Hongkong o sa Jamaica. Matagal tagal din bago natin maubos ang 500 million pesos."




"500 ? Akala ko ba 200 million, bakit naging 500 na?"




"Semi retirement money natin to Baby, alam naman nating kayang kayang ibigay yan ni Neil Co Jr at Jason Opsima di ba?"




"Iba ka talaga Baby, kaya naman hangang hanga ako saiyo." Excited na sabi ni Georgina. Parang nakikita na niya ang 500 million pesos.




Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon