Chapter 30

6.6K 92 37
                                    

Hindi mapakali si Sarah sa kusina habang hinihintay na lumabas ang mga magulang. Pinipigil lang ang sarili niyang huwag puntahan ang mga ito sa kwarto. Gusto niyang makita muna ang mga ito bago dumating sina Jason at ang Lola Margaret niya. Parang gusto niyang magsisisi na pinapunta niya ang Mama niya sa kwarto ng Papa niya. Hindi tuloy niya nakita ang reactions ng mga ito pero sa bandang huli ay sinabi din sa sarili na dapat lang na private moments nila yun.

Hindi din maipagkakaila ang excitement ang saya ni Aling Remy. Ilang beses na yatang tiningnan kung ayos na ang dinner table. Ilang beses na ring tinanong si Sarah kung tama na ba yung pagkakaayos niya.

Ng marinig nilang lumabas na sa kwarto ang dalawa ay parehong pigil ang mga hiningang hinintay nila ang mga ito.Patakbong lumapit si Sarah sa mga magulang ng makita niyang magkahawak sa bewang ang mga itong palapit sa kanila.

Nakangiting inilahad ng dalawa ang mga kamay na libre at buong sayang nagyakap ang mag anak. Hindi na napigilan ni Aling Remy ang maiyak sa sobrang tuwa sa nasaksihan. "Salamat po Panginoon at nagkasama sama na sila uli.Sana po wala ng problema pang dumating sa buhay pamilya ni Sir Neil. Napakabait po niyang tao. Biyayaan po sana sila ng maligayang pagsasama." Lihim na panalangin ni Aling Remy. Nagawa tuloy niyang panyo ang apron sa pagpunas ng luha at sipon.

Napalingon tuloy sa kanya ang tatlo at natawa. Lumapit si Sarah sa butihing housekeeper at niyakap din ito. "Ang saya saya natin di ba Aling Remy?"

"Oo nga iha, pasensya na hindi ko mapigilan ang maiyak, tulo tuloy sipon ko. Sandali ha, palitan ko lang apron ko." Bago tumalikod ay tiningnan uli sina Neil at Lena, "Congratulations po sainyong dalawa, tiningnan ang daliri ni Lena. Naikuwento po sa akin ni Sarah ang tungkol a singsing. Bagay na bagay po sa daliri ninyo Maa'm Lena."

"Salamat po Aling Remy." Nangingilid pa rin ang luhang tiningnan uli ni Lena ang singsing sa sa daliri niya.

Bumalik namang lumapit uli si Sarah sa mga magulang na masuyong niyakap siya uli. "Ako na pinakamasaya sa araw na ito."Malambing na sabi nito sa mga magulang.

"Anak naman, wala ng sasaya pa sa akin." Sabi naman ni Neil. "Wala na akong mahihiling pa. Kumpleto na buhay ko. Pwede na akong mag retire, tumira somewhere na tahimik , kasama ang Mama mo sana ikaw din pero alam ko bata ka pa at marami pang gustong gawin sa buhay."

"Ang Papa , gustong masolo agad si Mama, kelan mo kami dadalhin sa private resort na pinangalan mo kay Mama? Excited akong makapunta duon, saka duon nag umpisa ang love story ninyo di ba?"

"Soon anak, aayusin ko lang mga schedule ko, dadalhin ko kayo duong mag-ina. Ipapaayos ko muna ang main house house. Duon ko gustong tumira."

"Paano kang duon titira Pa kung magiging senador ka? Di ba dapat dito ka sa Manila maglalagi?" Tanong ni Sarah at biglang kumawala sa pagkakayakap sa mga magulang. Kinuha ang cell phone.

"Sa tutuo lang anak , parang gusto kong mag withdraw sa candidacy. Parang mas gusto kong mamuhay ng simple na lang, mag enjoy sa buhay kasama kayo ng Mama mo. Pwede ko ng hayaan si Jason, Bryan at Becka at ikaw sa pangangasiwa ng NEC Corporations"

"Ako Pa? Naman, sabi ko nga saiyo kanina, kailangan kong bumalik ng school para mag aral uli. Mag ipon ako for a year then balik mag enrol ako , master ako sa management."

Sa narinig sa anak, napakunot noo si Neil. Hindi ba alam ng prinsesa niya na kahit saan nito gustong mag aral ay hindi niya problema ang pera. Kahit sa ibang bansa niya gustong mag aral, hindi problema ang pera. Isa na siya sa pinakamayamang tao sa buong Pilipinas.

"Anak, ano ba sinasabi mong mag iipon ka para lang makapag master? Hindi mo ba alam na ang pera ng Papa mo ay pera mo na rin. Kahit ngayon, pwede ka ng mamili kung saan mo gustong mag aral, hindi problema ang pera anak. Ngayon pa lang ihanda mo na ang sarili mo na spoiled ng todo ng Papa mo. Ipinapangako ko sainyong mag ina, babawi ako sainyong dalawa . Nagdesisyon na ako, iuurong ko na ang kandidatura ko. Kayong dalawa ang magiging priority ko."

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon