Chapter 68

6K 121 85
                                    

"Sarah Geronimo," he started."Will you do me the honor of becoming my wife?" Jason's eyes did not waver. He stared hard and held his breath.

Sarah felt as if her heart stopped beating for a moment. She can't believe what she was hearing and seeing.

"Please make me the happiest man in the world. Say you'll marry me. Make this the happiest day of my life. I know we haven't been together long but I love you and I want to be with you forever. I want to be your happily ever after, your bestfriend, and your husband."

Umiiyak na nakakatitig si Sarah sa binata. Tumango ito at sinabing," yes Jason , I will marry you."

He put the ring on her finger and stood up, hugging her tightly then kisses her and as always she gets lost in it and kisses him back.

"I love you with every fiber of my being. I swear I'll make you happy. Pwede bang pakasal na rin tayo kasabay ng papa at mama mo? I don't want to wait any longer. Gusto ko ng makasama ka palagi."

"Kasal na agad? Ilang linggo palang tayong magkakilala , baka naman pag kasal na tayo saka naman tayo magsisi."

Napatitig si Jason kay Sarah. May duda ka pa ba kung gaano kita kamahal. Hindi mo ba alam kung ano ang apekto mo sa buhay ko? Hindi mo ba alam na kahit buhay ko ibibigay ko saiyo?"

Dinampian ng halik ni Sarah sa labi ang binata. "Ramdam ko naman ang pagmamahal mo. Nakaka overwhelm nga. Iniisip ko lang, marami pa akong gustong gawin. Di ba plano ko pang bumalik sa pag aaral kaya nga pumayag na rin akong huwag ng magtrabaho." Paliwanag ng dalaga.

"Hindi naman kita pipigilan sa mga gusto mong gawin, ang ipinagkaiba lang pag kasal na tayo, ako na ang mag-aalaga saiyo. Ako na ang sasagot sa mga pangangailangan mo pero sana dito ka na lang sa Pilipinas mag-aral pero kung sa ibang bansa mo pa rin gustong mag-aral susuportahan pa rin kita."

"I love you so much, kinakabahan ako sa bilis ng mga pangyayari sa buhay natin pero I am willing to take the risk dahil ikaw ang gusto ko ding makasama habang buhay."

Muli nagyakap ang dalawa at muling siniil ng halik ng binata ang dalaga.

Nasalubong na nila sa lobby sina Lena at Neil ng magdesisyon ang dalawang bumalik sa reception. Nag-uuwian na rin ang iba pang mga bisita.

"Buti naman at naisipan pa ninyong bumalik. Akala namin tuluyan na kayong umalis." Sabi ni Neil. Napansin ni Lena ang kakaibang kilos ng dalawa na magkahawak kamay pa rin Kakaiba ang kislap ng mga mata ng mga ito. Nadako ang tingin nito sa mga kamay ng dalawa na mahigpit na magkawahak. Doon niya napansin ang singsing na suot ng anak. Naramdaman ni Sarah kung saan nakatingin ang ina. Nagtama ang mga paningin nila. Dali daling kumawala ang dalaga sa pagkakahawak kamay nila ng kasintahan dali daling yumakap sa ina. Nagtaka si Neil sa nakitang emosyon ng mag ina niya. "What is going on? Why the tears Sarah?" Napatingin ito kay Jason. Ang mag ninong naman ang nagkatinginan. May pagtataka sa mukha ni Neil. Nagtatanong ang mga mata nito.

Mas lumapit si Jason sa ninong niya at sa mahinang boses ay sinabi niyang, "she agreed to marry me."

Nanlaki ang mata ni Neil. Hindi makapaniwala sa narinig. Napatingin sa mag ina niyang pasimpleng pinapakita ni Sarah ang singsing sa ina.

"Pa," narinig ni Neil na tawag sa kanya ng anak. Yumakap din si Sarah sa ama.

Niyakap na rin ni Neil ang anak. "Gusto ko pa sanang makasama ka namin ng matagal tagal pero sa nakikita namin, talagang mahirap na kayong mapigilan. Mas maganda na rin nga sigurong may isang katulad ni Jason ang mag alaga saiyo lalo na sa mga panahong ito. I love you anak, we love you so much, we are here to support you whatever you decide to do." Hinalikan sa noo ang anak at kinamayan si Jason. "I know you are going to take care of my princess, congratutuations."

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon