Chapter 62

5K 100 34
                                    

Ang kausap ni Sarah sa telepono ng tumawag si Jason ay si Miguel. Katatawag lang nito kaya kahit gusto din niyang makausap ang kasintahan mas pinili niyang kausapin muna si Miguel.  Gusto din nitong lumuwas ng Maynila ng gabing yun para makita ang dalaga. Sobra din itong nag aalala sa kanya. Pinipigil naman siya ni Sarah.

"Ok na nga ako, wala ka ng dapat pang ipag alala , ano ka ba? Saka magkikita naman tayo sa Sunday di ba?"

"I can't wait to see you Sars.  I miss you. Alam mo ba yun."

"I miss you too." Mahinang sagot ni Sarah. Iniisip ng dalaga kung dapat na ba niyang sabihin sa kababata ang relasyon nila nila ni Jason. Nagdadalawang isip siya kung sasabihin na niya ng magulat siya sa sumunod na tanong ng kaibigan.

"Sars, huli na ba ako? Naunahan na ba ako ni Jason?" Malungkot na tanong ni Miguel. Ramdam na ramdam ni Sarah ang lungkot sa boses ng kababata sa kabilang linya.

"Migs, ano ba? Anong tanong naman yan?" Gustong idaan sa biro ni Sarah ang nararamdamang kaba, mapipiltan yata siyang sabihin na ang tutuo sa kaibigan.

“Nakita ko kasi sa video footage ng palabas na kayo duon sa bahay na pinagdalhan saiyo. Yung pasakay na kayo sa ambulance. The way lang na alalayan ka ni Jason and the fact na he risked his life saving you , it means a lot. "

“Migs…. “ nasabi na lang ni Sarah.

Narinig ni Sarah ang malalim na buntong hininga ng kababata. “Wala namang dapat sisihin kung hindi sarili ko din. Hinayaan kitang maagaw sa akin ng iba dahil na rin sa kapabayaan ko. Inisip ko , andiyan ka lang, pero hindi ko naisip na isang araw, may magmamahal saiyong katulad ni Jason. Dapat noon pa nagpursige na ako. Dapat noon pa sinabi ko na saiyo kung gaano kita kamahal. Sa kahihintay ko, naunahan na ako ng iba." Paghihimutok na may pagsising sabi ni Miguel.

“Migs, alam mo naman na mahal din kita di ba? Isa ka sa mga taong mahal na mahal ko. Isa ka sa mga taong ayaw kong masasaktan."

“Alam ko naman yun, yun nga lang ang gusto ko sana, mahalin mo ako gaya ng pagmamahal ko saiyo."

Hindi nakakibo si Sarah, yun ang hindi niya kayang ibigay sa kaibigan dahil isa lang ang mahal niya ng ganoon at hindi si Migs yun.

“Ang swerte naman niya, remind me to tell him how lucky he is pag nagkita kami ha. Does that mean ba na hindi na ikaw ang date ko sa Sunday?  Makakapunta ka pa rin ba? You ok to go?”

“Oo naman, nangako na ako saiyong tayo ang magkadate di ba? Napag usapan na namin na tayong dalawa ang magkadate, humanap na muna siya ng ibang date niya.” Sarah was trying to lighen up the mood of the conversation.

“Great, may pagkakataon pa pala akong mapagbago ang isipan mo na ako na lang ang mahalin mo.” May halo birong sabi naman ni Miguel.

“Pwede mong subukan pero ngayon pa lang sinasabi ko na saiyo, mahal ko siya at nararamdaman ko na mahal din niya ako.”

“Hmmm tingnan natin, gusto kong makita kung gaano ka niya kamahal. Kung isusuko ko ang pagmamahal ko saiyo, sisiguraduhin kong sa lalaking magmamahal saiyo ng higit pa sa pagmamahal ko.” Seryosong sabi ni Miguel.

“Migs ha, huwag kang ganyan, alam ko naman na magkasundo din kayo. Sabi nga niya, magkakaibigan din kayo di ba? Magkakasama kayo dati sa New York nina Bryan.”

“Oo , at alam ko din na gaya ko din yun, iba iba ang babaeng kasama kaya gusto kong makasiguro na he will not hurt you , ever!”

Sa bandang huli nanaig ang pagiging mag best friend ng dalawa. Nagkuwentuhan, nagpalitan ng mga bagong balita tungkol sa buhay buhay nila. Napanatag na ang loob ni Sarah na nasabi na niya kay Miguel ang tungkol sa kanila ni Jason at sa takbo ng kwentuhan nila, alam niya, mananatili silang matalik na magkaibigan. At gaya ng dati hindi niya namamalayan ang oras pag sila ni Miguel ang magkausap at nagkukulitan.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon