Wala ngang nagawa ang dalawa kung hindi sumunod na lang sa gusto ng matatanda. Pagkakain nga nila ng dinner ay sumunod sa kanila ang Ninong Glen ni Sarah para kunin ang mga gamit nila. Sinubukan na rin nilang ilagay ang motorcycle sa likod ng truck pero hindi nila mailagay ng maayos kaya nagdesisyon na lang sila na kausapin ang isa madalas na kuning driver ni Ninong Glen na ito na lang ang mag drive na nakasunod sa sasakyan na gagamitin nila. Noong una sinabi ni Jason na pwede namang siya na rin ang magmaneho pero hindi pumayag si Glen. Kailangan din daw nitong mag ingat at lumayo sa mga masamang pwedeng mangyari.
Gaya ng inaasahan, hindi sila magtatabing matulog ng gabing yun. Wala naman silang magawa dahil pagdating palang nila ng bahay nila Ana at Glen ay sinabi na agad ng mga ito kung aling kwarto ang gagamitin nila. Ang kwarto ni Sarah ay ang katabi ng mga Ninong at Ninang niya na dati na niyang ginagamit pag doon siya natutulog mula pa noong bata pa siya at ang kay Jason naman ay ang talaga guest room.
Nangingiti si Sarah ng masuyo siyang halikan sa noo ng kasintahan ng mag good night na ito. Alam kasi nito na dismayado ang binata na hindi sila magkatabing matutulog. “Good night sweetheart, sleep tight, don’t let the bed bugs bite,” hinalikan ni Sarah si Jason sa pisngi.
“Good night sweetheart, ewan ba naman at talagang parang galit sa akin si Papa God pero gaya ng sabi nila, ang paghihintay yun ang pamatay kaya pag dumating na yung time na yun , humanda ka talaga.” Bulong ni Jason, tiningnan ang mag asawang nasa di kalayuan.
Nakurot tuloy siya ng dalaga. Hindi maitago ang pamumula na napansin ni Ana. Nangiti din ito. “Hoy kayong dalawa diyan, matulog na kayo, kung anuman yang pinag uusapan ninyo, makapaghihintay hanggang bukas. Gabi na.” Parang mga batang sinabihan ang dalawa.
Napakamot na lang sa ulo si Jason. “Good night Tita, good night Glen , thanks for everything, really appreciate it.” Lumapit sa mag asawa ang dalawa. Humalik si Jason kay Ana at kinamayan si Glen. Sumunod si Sarah, yumakap at humalik sa mag asawa. Patalikod na sila para pumanhik ng may maalala si Glen. “Wait,” dali daling pumunta ng kusina, narinig nilang binuksan ang microwave at may kinuha. Pagbalik ay may dala dala na itong isang baso ng gatas, “just the right temperature according to your likeness my princess.” Nakangiting inabot sa inaanak.
“Awww , thank you Ninong.” Hinalikan uli ang Ninong niya. Nangingilid ang luha.
“Mahal na mahal ka talaga nila no? Ang swerte mo naman na lumaki kang mapagmahal mga nakapaligid saiyo kaya naman kitang kita sa personality mo yung pagiging mapagmahal mo.” Nasabi na lang ni Jason habang papanhik sila sa kanya kanyang kwarto.
“Oo kaya huwag na huwag mo akong paiiyakin, hindi lang si Papa ang hahanting saiyo, andiyan pa si Ninong Glen. Kita mo naman kahit may edad na, parang 30 years old lang. Saka ang Tito Gary ko, mumultuhin ka nun pag sinaktan mo ako.” Biro ni Sarah.
“Ako pa sasaktan ka? Heto nga, nagdurusa na ako, isipin ko lang na masasaktan ka eh.” Mabilis namang sagot ng binata.
“Yun naman eh, galing mo talagang magpakilig. Diyan mo ako napasagot eh, yung alam na alam mo kung ano sasabihin sa isang babae. Sige na, bago pa tayo sundan dito nila Ninang at tingnan kung talagang sa mga kwarto natin tayo pumunta.”
“Teka muna, isa pang kiss.” Sabay hapit sa bewang ng dalaga at bago pa ito nakahindi ay nasa labi na niya ang bibig ng kasintahan. Wala na siyang nagawa kung hindi halikan na rin at tugunin ang mainit na halik nito, nag iingat na matapon ang gatas sa hawak hawak na baso.
Nagpilit ng kumawala ang dalaga sa pagkakahapit ng binata ng maramdaman niyang humihigpit ito. "Tama na sweetheart, baka mamaya matapon tong gatas, magtampo si Ninong Glen," pigil ang ngiting tinapik ang pisngi ng kasintahan. "Sige na, see you tomorrow morning." Mabilis ng pumasok sa kwarto at maingat na sinara. Sumandal ang dalaga, maingat na ininom ang hawak hawak pa ring baso ng gatas habang pinakikiramdaman ang paglakad palayo ni Jason papunta sa guest room.