Pagdating ni Sarah sa tinitirhang condo ng Ninang niya ay alam na niyang nagpunta duon ang caretaker nito. Hindi na siya nagtakang may lutong pagkain sa fridge. Binuksan niya ang freezer, meron na ring mga naka frozen na pagkain. May note na nakadikit sa fridge, sinasabi kung gaano katagal niyang ipapainit ang mga na portion ng pagkain ready to re heat sa microwave. Pinaalalahanan ang sarili na dapat tawagan niya ang Ninang niya pagkatapos niyang makausap ang Mamaniya.
Sinigurado muna ni Sarah na naka lock na ang pintuan ng unit, saka siya nagtuloy sa kwarto para magbihis. Isang araw pa lang niya sa Maynila pero sa dami ng mga nangyari ng araw na yun parang ang tagal tagal na niya duon. Pinaka highlight ' syempre ang pagkikita at pagkakakilala nila ng Papa Neil niya. Bigla niyang naalala ang Mama niya. Naala niyang naghihintay na ito ng kwento sa unang araw niya sa trabaho sa Maynila.
Pagkabihis nga ay tinawagan niya agad ang Mama niya. Isang ring palang ay narinig na niyang nag hello ang Mama niya.
"Hi Ma," bungad na bati ni Sarah.
" Anak, kumusta na? Kanina ko pa hinihintay ang tawag mo." Sunod sunod na ang naging tanong nito. Kumusta ang unang araw ng training, nakakilala ba siya ng bagong kaibigan, mababait ba naman mga kasamahan niya, masaya ba naman siya kung saan siya nadestino?
Nangingiti si Sarah habang hinihintay na matapos ang sunod sunod na tanong.Parang nakikita niya ang mama niya na nasa kabilang linya.
"Hindi ka na sumagot diyan, ang dami kong tanong, ni isa wala ka pang sinasagot."
"Ma naman kasi, ang dami mo na agad tinanong. Hindi ko tuloy alam sasagutin ko kaya hinihintay ko na lang na matapos ang mga tanong mo, saka ko sasagutin isa isa."
"Pasensya na anak, excited lang saka nag aalala din, mag isa mo lang diyan. Maganda yata,samahan na lang kita diyan para naman may nag aasikaso saiyo diyan. Ano sa palagay mo?"
"Naku Ma, maiinip ka lang dito, maghapon akong wala, ikaw naman yung tipong hindi sanay ng walang ginagawa. Ok naman ako dito, yung caretaker ni Ninang, pinagluto ako ng pagkain.Ready na , ipapainit ko na lang."
"Alam mo naman na mahal na mahal ka din ng ninang mo. Parang anak na rin turing saiyo ng mga yun."
"Ang swerte ko nga Ma na sila ang mga Ninong at Ninang ko. Swerte ko din dito sa training ko, ako napili ng tumatayo ngayong overall in charge ng NEC Corporation na maging Personal Assistant niya habang busy sa pagka campaign ang bagong President and CEO na si Neil Emerson Co Jr."
"Talaga anak? Mabuti naman, mas marami kang matutunan sa pagpapatakbo ng kumpanya para pagbalik mo dito , handa ka na kung ikaw ang ipapalit bilang manager ng NEC Cauayan. Ano ba trabaho ng personal assistant? Para bang sekretarya yan?"
"Parang ganoon nga Ma , mas madalas nga lang na kasama ako sa mga meeting at social business functions na pupuntahan ng boss ko. "