Chapter 34

7.8K 113 50
                                    

Sa narinig ay napatitig na lang si Sarah kay Jason. Bigla na naman siyang kinabahan. Tama ba yung narinig niyang sinabi ng binata? He is falling in love with her? Harder everyday? Biglang kinilabutan ang dalaga, bigla siyang nakaramdam ng ginaw. Binawi agad ang kamay na hawak hawak ni Jason.She rubs her hands together , then her arms.

 

Napansin yun ni Jason, dali dali itong bumalik sa pool attendant at kumuha ng towel. “Giniginaw ka na tuloy.” Jason wrapped the towel around her and pulled her closer to him.  Hindi na nakatanggi si Sarah ng pindutin ni Jason ang elevator pataas sa penthouse. Wala silang kibuan.Paglabas nila ng elevator , nakaramdam na naman ng ginaw si Sarah dahil sa full blast ang aircon, tapos basa pa ang suot niyang bikini , nabasa din ang suot niyang t shirt dahil  nailang siyang binati ng pinsan sa suot na bikini, isinuot niya agad ang t shirt ng hindi muna nagpatuyo ng katawan.

 

“Gusto mo duon ka muna sa place ko, timplahan kita ng kape?” Tanong ni Jason ng mahalatang parang ginaw na ginaw ang dalaga.

 

“Hindi na, malamig lang dito sa loob dahil sa aircon , paglabas natin sa pool area  for sure, mainit na duon.” Sagot ni Sarah.

 

Jason rubs his hands together  then put it on both sides of Sarah’s face looking deeply into her eyes. Sandaling nakaramdam ng init si Sarah. Wala na siyang masabi kung hindi , “Thank you.” Hindi na niya maipagkakaila sa sarili ang kakaibang nararamdaman para sa binata lalo na pag tumitingin ito ng ganoon sa kanya.

 

Pakiramdam ni Sarah ay napatingin sa kanila halos lahat ng buksan ni Jason ang pinto papunta sa pool area.

 

“There you are, what took you so long?” Tanong ni Bryan. Hindi pa nakakasagot ang dalawa ay nagsalita na uli ang pinsan ni Sarah. “ Everybody, I want you to meet my long lost cousin, Sarah Geronimo-Co. She is my Tito Neil’s one and only daughter. Sarah, my dear cousin, these are everybody.”Pakilala  ni Bryan kay Sarah sa mga nanduon. Lihim na nangiti ang dalaga ng marinig niya ang hindi maitagong pagkagulat , lalong lalo na ng mga babaeng masama ang tingin sa kanya ng una silang makita ni Jason. Isang malakas na hello Sarah ang narinig ng dalaga matapos ang ilang segundong katahimikan. May mga lumapit at personal na nagpakilala sa kanya karamihan ay mga lalaki at ang mga  girlfriends ng mga ito.

 

Hindi naman siya iniwan ni Jason. Hindi nito inalis ang kamay sa may bewang niya. Nararamdaman niyang humihigpit ito pag may lumalapit na lalaki para bumati at magpakilala.

 

Nilibot niya ang paningin, nakita niyang nasa pool na sina Will at Laarni. Mukhang nag eenjoy naman ang mga ito. Palabiro si Will at malakas ang sense of humor kaya hindi kataka takang maging in agad ito kahit saang crowd siya mapasama. Kumaway ang mga ito sa kanya ng makita siya.

Tinanong siya ni Jason kung ano ang gusto niyang inumin. Tiningnan niya kung ano ang mga iniinom ng mga babaeng nanduon at nakita niya ang isang may hawak hawak na strawberry daiquiri kaya yun ang sinabi niya kay Jason. Habang kinukuha ni Jason ang drinks nila ay pumunta naman si Sarah sa kinaroroonan nina Laarni. Malapit na ito sa mga kaibigan ng may humarang sa kanyang tatlong babae  ng nasa may gilid na siya ng pool.

 

“Good to see you here Sarah. Nag uumpisa ka na bang makihalubilo  as a Co?”  Tanong ni Georgina na nakasuot ng pulang miniskirt at sky high stileettos  may hawak na inumin sa isang kamay habang ang isa naman ay may nakaipit na sigarilyo. Bumubuga ang bibig ng usok ng sigarilyo na tinitingnan siya ng pataas , pababa, nakataas pa ang kilay.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon