Chapter 67

5.3K 125 69
                                    

Natawa din si Sarah sa biro niya kay Miguel, lalo ng hindi mapigil ang hagikgik habang ini-imagine ang kababata na nakasuot ng damit pambababae. Pinilit ang sarili na huwag ng biruin pa uli ang kaibigan ng makita ang expression ni Jason na kahit na ilang dipa din ang layo mula sa kinauupuan nila ay kitang kita ang naka-kunot na noo nito.

"Ganyan ba talaga yan, seloso, o sa akin lang?" Tanong ni Miguel.

"Magtigil ka na nga diyan. Baka mamaya gumanti yan sa akin at ako naman pagselosin, lagot ka sa akin." Pabirong panakot naman ni Sarah. Pagkasabi niya nun ay siya namang pagpasok ng grupo nina Cindy. Naupo ang mga ito sa unahan nila.

"Opps, speaking of the angel." Bulong ni Miguel.

Kinurot ni Sarah ang kaibigan para tumigil na ito. Inaasar pa rin ni Miguel si Sarah ng lumingon si Cindy.

"Hey Miguel, did not notice you. Akala ko kung sino tumatawa sa likod ko." Inilapit ang mukha kay Miguel para sa beso.

Bumeso naman si Miguel."Hey Cindy, you look great as usual, hello ladies." Bati ng binata sa mga kasama ni Cindy.

"Aren't you going to introduce us to your girlfriend?" Nakataas ang kilay na tumingin kay Sarah.

Tumaas din ang kilay ni Sarah. Tiningnan din si Cindy.

"Sarah, I'd like you to meet Cindy Napoles, her friends, Jeanne, and Kris. Ladies, these beautiful women with me are Lena and Sarah Geronimo."

Sabay na nag hello ang mag-ina. Tumayo ang dalawang kasama ni Cindy at bumeso kay Lena. Nakipagkamay kay Sarah. Nakipagkamay lang si Sarah kay Cindy na mukhang napilitann ding bumeso kay Lena dahil sa masayang pagbati ng mga kaibigan sa mag-ina. Hindi man sabihin, halatang kilala na ang mag-ina ng mga kaibigan ni Cindy. May paggalang at paghanga sa mga mukha nito habang nakikipagbatian sa kanila na lalong nagpaasim sa mukha ni Cindy.

"I just want to correct one thing ladies bago pa kumalat at ayokong umuwi sa Isabela na mapabalitang nasuntok ni Opsima. Sarah is not my girlfriend. She is my bestfriend and Jason's girlfriend."

"We know that," sabay na sabi nina Jeanne at Kris. Ngumiti kay Sarah.

Si Cindy naman ang nagkunwaring nagulat. "Oww? Let's see, have a feeling it won't be for long." Paismid na tumalikod na ito. Nanlaki ang mga mata ng mga kasama ni Cindy. Narinig nilang sinabi ng isa, "what is wrong with you?"

"Jason is mine, I will make sure of it this time. I did not come all the way here just to see a nobody take him away from me." Halatang pinarinig ito kay Sarah.

Naramdaman ni Sarah ang paghawak ni Miguel sa kamay niya."Ignore her, leave her to me." Bulong ni Miguel. Binalingan nito si Lena na halatang namula sa narinig. Sa boses na tama lang ang lakas para marinig ni Cindy. "Tita, you okay? Sinabi ko na ba saiyo Tita kung gaano ka kaganda at ka elegante tonight, kaya naman proud na proud si Tito Neil habang naglalakad kanina na nakakapit ka sa braso niya. Ang maganda saiyo, simpleng simple lang ang tabas ng damit mo pero wow, para kang beauty queen. Nakita mo ba tingin ng ibang babae kanina nung pumasok tayo? Alam mo isa pang kahanga hanga saiyo, kahit na alam na alam na ng mga taong nandito na isa ka na ngayon sa pinaka powerful woman sa Pilipinas, hindi mo yun nilalagay sa ulo mo. Sa pananamit at pananalita mo lang, makikita yung kagandahan ng loob mo. No wonder, halos pareho kayo ng ugali ni Sarah kaya naman si Opsima, halos patayin ako sa tingin pag nakikitang napapangiti ko ang prinsesa niya. Ano sa palagay mo Tita, dapat bang gantihan ko si Opsima sa ginawa niyang pang aagaw sa pinangarap ko mula pa pagkabata na mapangasawa?" Halatang pagpaparinig pa rin ni Miguel sa mga taong nasa harapan niya.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon