“Take care of my baby Jason. Ingatan at alagaan mo siya habang wala ako.” Inakbayan  ang inaanak.

 

“Magiging personal bodyguard pa ako ngayon?” pabiro pero nakangiting tanong ni Jason.

 

“Kung pwede nga lang huwag na muna siyang mawala sa paningin ko, gagawin ko. Sa ngayon siya ang pinakaimportante sa akin.”

 

“Nagbibiro lang ako Ninong, syempre naman, ang importante saiyo , importante din sa akin. Gusto mo ba huwag ko na siyang pagtrabahuhin para mas marami kayong time together.”

 

Tumingin si JR kay Sarah. “Pwede ba yun iha?”

 

Yumuko si Sarah. Natutuwa siyang nagkakilala na silang mag ama pero wala siyang balak na magbuhay prinsesa. Mas gusto niyang mag trabaho at patunayang may kakayahan din siyang umunlad sa sarili niyang pagsisikap at imposibleng mangyari yun kung malalaman ng mga tao na anak siya ng may ari ng kumpayang pinapasukan niya.

 

“Mas gusto ko po sanang magtrabaho ng hindi nila alam na anak ninyo ako. Tutal naman po, nagdesisyon si Mr.Opsima na i train ako under him na hindi pa niya alam na anak ninyo ako.”

 

“Hindi mo na kailangang magtrabaho anak,  kung ano ang mga pag aari ko, saiyong lahat din yun. After ng election, pwede tayong mag bakasyon kahit saan mo gusto. Kung sakaling hindi ako manalo, pwede tayong tumira sa ibang bansa, pwede ka ding mag aral duon.”

 

Napapakamot sa ulo si Sarah.  “Pa,, hindi ko naman po pwedeng basta na lang iwanan ang Mama ko, saka hindi po ako sanay sa lifestyle ninyo. Mas gusto ko po ang buhay na simple yan. Tama na po yung kinikilala ninyo akong anak.”

 

Ihinarap ni JR ang anak sa kanya. “Pasensya na anak kung masyadong excited ang Papa mo. Ang sarap pakinggan ng salitang Papa. Hindi ko masabi kung gaano ako kasaya ngayon. Kailangan din palang makausap ko ang Mama at ang step dad mo. Hihingi ako ng permiso sa kanila, hihingi ako ng tawag sa Mama mo. Kahit ano gagawin ko para maging maayos ang samahan natin. Irerespeto natin ang step dad mo, magpapasalamat ako sa kanya sa lahat ng ginawa niya para saiyo. God, anak lahat gagawin ko para saiyo.” Nanginginig na naman ang boses ni JR, pinipigil na huwag maiyak. Niyakap na lang uli ang anak.

 

“Ninong, I think you have to go, naghihintay na mga kasamahan ninyo sa airport. Pangako ko saiyo, I will take care of your princess, gusto mo iuwi ko siya para sigurado.” Sabi ni Jason na nakatingin kay Sarah.

 

“Sige anak, tatawagan kita  pagdating namin duon. Palagay mo, ok lang kung kausapin ko Mama at step dad mo habang nanduon ako?” Pahabol na tanong ni JR sa anak.

 

“Hindi ko po alam, saka wala na po si Tito Gary, 5 months na po siyang pumanaw, sakit sa puso.”

 

Natigilan si JR sa bagong impormasyong narinig. Biyuda na si Lena? Panibagong pag asa ang naramdaman nito. “Sorry to hear that iha.” Nasabi nasabi ni JR. Nakita niya ang lungkot sa mga mata ng anak.

 

“Sige na po Pa,mukhang nag aalala na mga kasama ninyo. Tatawagan ko po mamaya si Mama, sasabihin ko sa kanyang nagkakilala na tayo.”

 

“Oo nga po Ninong, you go, ako na bahala dito. Have a safe trip and good luck. Alam na ni Jason na hindi aalis ng Cauayan ang ninong niya na hindi nakakausap at nakikita si Lena Tua Geronimo.

“Bye iha,” hinalikan uli sa noo ang anak. Binalingan ng tingin si Jason, inuulit ko ingatan at alagaan mo prinsesa ko,” bilin uli nito sa inaanak.

 

“Yes, ninong, you don’t have to say it again. She will be treated like a princess.” Natatawang sagot ni Jason.


Naiwan sina Jason at Sarah na hindi malaman kung ano ang sasabihin sa isat isa. Lalong nadagdagan ang pagkailang ni Sarah kay Jason na nakangiting nakatitig sa kanya.

 

Si Jason ang unang nagsalita.

 

“Paano yan, ipinagbilin ka sa akin ni Ninong, gusto mo pa bang magtrabaho as my PA?”

 

“Opo naman Sir, alam ko marami akong matutunan from you.”

 

“Ok , in one condition.”

 

“Ano po yun?” Nag aalalang tanong ni Sarah.

 

“Huwag mo na akong tinatawag na Sir, ngayong alam na natin na sooner or later baka ikaw pa maging boss ko.” Pabirong sabi ni  Jason.

 

“Naku naman Sir, hinding hindi yun mangyayari.”

 

“Hayan na naman, Sir na naman. At huwag na huwag mo akong pino po at opo. Matanda ka pa nga yata sa akin ng isang taon eh.”

 

Nahawa na rin si Sarah sa mga ngiti ni Jason. “Honestly, natutuwa ako para sa ninong ko, ngayon ko lang siya nakita ng ganoon kasaya. Ngayon ko lang siya nakita na nataranta ng ganoon at higit sa lahat ngayon ko lang siya nakita na umiyak ng ganoon. Hindi tumulo ng ganoon ang luha niya kahit nuong namatay ang father niya. Sa pagkakakilala ko sa kanya, wala siyang ibang minahal gaya ng pagmamahal niya sa mama mo. Nakita mo ba ang kislap ng mata niya ng sinabi mong wala na ang step dad mo?”

 

Napangiti din si Sarah. Naalala niya na kailangan nga pala niyang tawagan or mag text sa mama niya. Nag aalangan naman siyang gawin yun sa harap ni Jason at baka magka iyakan pa silang mag ina habang kinukuwento niya ang pagkikita nilang mag ama.

 

“Ok , dahil sa hindi inaasahang event sa buhay mo today. Mag half day ka na lang muna, masyadong  emotional ang lunch meeting natin.  Ihatid na kita kung saan ka man tumutuloy dito sa Manila.”

 

“Huwag na Sir, tapusin ko na yung naiwan kong trabaho tutal ilang oras na lang naman.”

 

Bumusangot si Jason. Nanliliit ang matang tumingin kay Sarah.


“Sir na naman? Masanay ka ng maging comfortable sa akin dahil gagawin ko ang bilin ni Ninong, when he is not around, I will be the one taking care of you.”

Pag-ibig, Noon at NgayonMga Kuwentong Mamahalin Mo