Chapter 2

9.2K 87 26
                                    

Katatapos lang basahin ng abogado ng mga Co ang will and testament ni Neil Emerson Co Senior. Madilim ang mukha ng dalawang nakakatandang kapatid ni Neil Jr. Tutuong malaking kayamanan ang naiwan sa kanila pero ang ipinagpuputok nila ng kalooban ay ang pag iwan kay Neil Jr. ng control ng lahat ng negosyo. Tutuong nasa board pa rin sila pero si Neil pa rin ang mamumuno at magdedesisyon para sa lahat ng negosyong naiwan ng matanda.

Nanduon din ang mga anak nila na nagsialisan na agad matapos malaman kung ano at magkano ang iniwan sa kanila ng lolo nila. Nanduon din ang anak anakan ni JR na si Jason. itinuring na ring tunay na apo ng matandang Co si Jason. Si JR ang guardian ni Jayson . Namatay sa isang car accident ang mga magulang niya , walong taong gulang pa lamang siya.

May iniabot na sobre kay JR ang abogado bago ito umalis. "Your father wanted you to have this,he said if you have questions, you can ask your mom." Paliwanag ng butihing abogado.

Hinabol ng tingin ni JR si Atty. Ruiz, sinulyapan ang ina na nakatingin din sa kanya parang hinihintay na may sabihin siya.

Lumapit si JR sa ina at tinanong kung ano alam nito sa sa sobreng hawak niya.

Tumango tango lang ang ina, Hinawakan ang pisngi nito." Hayaan ko munang basahin mo ng buong buo ang sulat na yan saka mo na lang ako tanungin, duon lang ako sa kwarto ko" Sinenyasan ang caregiver niya tulungan na siyang pumunta sa kwarto niya.

Tumayo naman agad si Jason at tinulungan ang lola Margaret niya para makaupo sa wheel chair niya at sinabihan ang caregiver na sumunod na lang.

Humalik si JR sa ina at nagtuloy na sa study room,. Nag aalala siyang buksan ang sobre. Kinakabahan siyang hindi niya maipaliwanag.

Nalamukos ni JR ang sulat matapos niyang basahin ito. Pinuntahan agad ang ina sa kwarto. Pagpasok pa lang niya ay alam na niyang hinihintay siya nito.

"Is it true, you paid her to stay away from me? Is it true that you think she was pregnant at that time?" Nanginginig ang boses na tanong ni JR sa ina.

'Yes, that's true. I am sorry son, we thought at first she was just after your money but as the years went by and we did not hear from her, we changed our opinion of her. We waited for her to cash in the cheque that we gave her but it never happened. Hindi sila maalis sa isip namin ng Daddy mo, ipinahanap namin sila pero hindi namin sila nakita. Inisip namin na baka nag abroad pero kahit ang mga kamag anak nila duon sa probinsya walang nakakaalam kung nasaan na siya. Palibhasa, lumaki lang din siya sa mga tiyahin at tiyuhin. Siguro daw hindi nakayanan ang kahihiyan na maging dalagang ina."

"Are you sure , she did not cash in the cheque that you gave her?"

"Yes we are very sure, kaya nga hindi namin siya makalimutan dahil yun na lang din ang inaabangan namin , ang makitang ipinalit na niya ang cheke or idiniposit na niya. Naisip naming tutal tumupad siya sa usapan naming layuan ka, tulungan na rin namin silang mag ina kahit na hindi nila malaman na kami ang tumutulong dahil sigurado akong hindi din naman niya tatanggapin anumang tulong na galing sa amin. "

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon