Chapter 29

6.8K 97 109
                                    

Si Aling Remy ang nagbukas ng pinto ng mag doorbell sina Sarah sa unit ni Neil.

"Tamang tama, nasa kwarto pa niya si Sir JR. Baka nasa shower pa yun. Upo muna kayo."Excited na pagpapatuloy ng housekeeper kina Sarah at sa Mama Lena niya.

Ipinakilala ni Sarah ang Mama niya sa mabait na housekeeper/cook ni Neil Jr. Tuwang tuwa ito, Hindi din maitago ang sobrang excitement.

"Naku, ang ganda ganda nga po pala talaga ninyo. Mas maganda pa po pala kayo sa personal kaysa litrato lang."

"Salamat," nakangiting sabi ni Lena. Lumilibot ang paningin niya sa paligid.

"Sana po dito na kayo tumira para naman sumaya saya ng konti ang bahay ni Sir JR."

Ngiti lang ang sagot ni Lena. Hindi pa rin makapaniwala na nasa bahay siya ni Neil. Nalulula siya sa karangyaan ng nasa paligid niya. Tutuong hindi naman sila talaga naghirap mula ng mapangasawa niya si Gary pero ang nakikita niya sa ayos at gamit sa bahay ni Neil ay sa mga foreign movies lang niya nakikita.

"Ang ganda ng bahay ni Papa no? Ganyan din ang pakiramdam ko nung una kong punta dito. Hindi lang ako nagpapahalata pero feeling ko parang nakakahiyang upuan mga upuan nila di ba?"

"Ikaw talagang bata ka, bakit parang naiisip mo naiisip ko?" Kinurot sa tagiliran ang anak.

"Kumusta naman ang level ng kaba mo Ma? Kaya pa ba?" Excited na tanong ni Sarah. "Parang hindi ko ma imagine ang magiging reaction ni Papa pag nakita ka."

"Pwede pa bang umatras? Parang hindi ko kaya ang kabang nararamdaman ko."

"Kaya mo yan Ma, upo ka lang diyan , kuhanan kita ng maiinom."

Sa halip na umupo ay sumunod si Lena sa anak sa kusina.

"Naku, bakit po hindi na lang kayo sa living room maghintay. Dadalhin ko na lang ang maiinom ninyo duon."

"Aling Remy naman, hindi naman na po kami bisita. Hayaan nyo na pong maging feel at home kami para hindi kami masyadong mailang pag pumupunta dito. Ano po ba pwede naming maitulong. Kahit po paano marunong akong magluto, kahit hindi ako kasing galing ng Mama ko."

Napatingin si Aling Remy kay Lena. "Nabanggit nga po ni Sir JR na masarap po kayong magluto. Madalas nga po niyang ipaluto yung favorite niya na luto ninyo. Yun din po ang ipinaluto niya ngayon, sana po makapasa sa panlasa ninyo."

"Sigurado ko pong masarap din ang luto ninyo kung madalas na hilingin ni Neil na iluto ninyo yun." Nakangiting sabi naman ni Lena.

Napatingin sila ng tumunog ang intercom. Lumapit si Aling Remy at may pinindot. "Paki katok na lang po ako Aling Remy pag dumating na si Sarah. Si Jason maya maya pa raw darating, siya na daw ang susundo kay Mommy. Magbabasa basa muna ako."

Tumingin si Aling Remy sa mag ina. Sinenyasan ni Sarah na huwag sabihin na anduon na sila.

"Sige po Sir," sagot ni Aling Remy.

"Bakit ayaw mo pang ipasabi na andito na tayo anak? Di sana hindi na tayo maghihintay. Yung makapag usap muna kami bago dumating si Mrs. Co at Jason." Tanong ni Lena kay Sarah.

"Naisip ko kasi Ma, mas maganda na magkaroon kayo ng private moment, yung ma surprise mo siya. Puntahan mo na lang siya sa kwarto niya. Mas makakapag usap kayo ng maayos."

Mabilis na napailing si Lena.

"Sige na Ma, pag hinimatay si Papa sa sobrang tuwa, sumigaw ka lang." Marahang tinulak ni Sarah ang ina papunta sa mga kwarto. "Aling Remy saan ang kwarto ni Papa?"

Kinikilig sa tuwa si Aling Remy , "yung huling kwarto sa dulo." Sumabay sa mag ina.

Nag aalangan pa rin si Lena kaya marahan siyang tinutulak ni Sarah papunta sa kwarto ni Neil , at ng matapat sa pinakadulong pintuan ay tumingin kay Aling Remy na tumango na yun nga ang kwarto ni Neil.

Pag-ibig, Noon at Ngayonजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें