Chapter 21

7.6K 96 51
                                    

Inabutan ni Jason si Sarah na nakatayo sa tabi ng bintana, nakatanaw sa labas. Kagat kagat ang labi. Halatang pigil na pigil ang galit. Tinapunan siya ng tingin ng dalaga ng maramdaman ang pagpasok niya. 

"Don't you dare ask me to apologize to her." Nanginginig na sabi ni Sarah. Halatang halata sa boses ng dalaga ang pagpigil na huwag maiyak. 

"I am not going to," lumapit ang binata kay Sarah at niyakap ito. " I came to check on you. She deserved it." 

Hindi na napigil ni Sarah ang umiyak ng yakapin siya ng binata. " I am sorry, I did not mean to lose it. I should have just walk away and ignored her . Hindi ko na dapat sinabi pa ang mga sinabi ko. Hindi ko siya dapat pinatulan." 

"Shhhh , don't cry. She has no right to talk to you like that. She is lucky , Ninong was not there. I can't wait to see her face when Ninong admits who you are to his life." 

"Heto na nga ang kinatatakutan ko . Yung may mga maririnig ako na hindi maganda. Ngayon pa lang parang naririnig ko na mga sasabihin nila tungkol sa amin ni Mama. Kaya nga kung kami lang masusunod mas gusto naming huwag na lang ipaalam sa iba na anak ako ni Papa. Mas gusto naming tahimik na buhay hindi yung ganito, ilang araw ko palang dito sa Manila, ang dami dami ng nangyayari na hindi naman dapat." 

"Nangyayari ang mga yun dahil hindi pa nila alam kung sino ka sa buhay ni Ninong. Pag nalaman na nila , tingnan natin kung hindi lahat yang mga chismoso at chismosang mga yan ay biglang magbago ang pagtingin saiyo at sa mama mo lalong lalo na pag nalaman nila ang tunay na kwento sa buhay ninyong tatlo." Paliwanag ni Jason habang hinahaplos haplos ang likod ng dalaga. 

Biglang bumitaw si Sarah sa pagkakayakap kay Jason ng bumukas uli ang pintuan. Sabay silang napatingin at nakita nila si Neil na nakakunot ang noong nakatingin sa kanila. Biglang napalapit ng makitang umiiyak ang dalaga. Lumihis naman si Jason para mabigyan ng lugar ang Ninong niyang makalapit sa anak. Matalim na tiningnan nito si Jason. 

"Jason, bakit umiiyak si Sarah? Anong nangyari?" Matigas ang boses na tanong ni Neil. Niyakap ang anak at tinanong din bakit ito umiiyak. 

Hindi alam ni Sarah kung ano ang sasabihin sa Papa niya. Ayaw naman niyang masabihan na sumbungera. Nag aalala din ito sa maaring gawin ng Papa niya kay Georgina pag sinabi nito ang tutuong nangyari. 

Napuwing lang ako Pa, tinutulungan ako ni Jason na maalis yung pumasok sa mata ko. " Pagsisinungaling ni Sarah. 

"Sarah, sa mukha mo pa lang alam ko na kung nagsasabi ka ng tutuo. Ano ang nanyayari at umiiyak ka? Dahil ba sa mga lumalabas sa mga blogs and social networks, yung tungkol sa atin?" 

"Umiling si Sarah, ayaw pa ring sabihin ang tungkol kay Georgina. Lumapit sa mesa ni Jason at pinindot ang intercom. "Laarni , can you please to Jason's office." 

"Yes Sir," sagot naman agad ni Laarni. 

"Kaninang pagpasok ko pa lang sa building , napansin ko na mga kakaibang kilos ng mga empleyadong nakakita sa akin. At pagdating ko dito sa floor , nagbubulungan pa rin mga tao. Maging ikaw , biglang nagbago ang expression mo ng makita mo ako. Ano ang nangyari kanina at pati si Sarah ay umiiyak. May dapat ba akong malaman?" 

"Eh Sir, si ano po kasi ..... hindi alam ni Laarni kung saan mag uumpisa ng kwento na hindi naman mamasamain ng CEO ng kumpanya. 

"Sige na Laarni , kami na magkukuwento." Sabi ni Jason dahil nakikita niyang hindi komportable ang sekretarya sa tinatanong ni Neil. 

Tatalikod na sana si Laarni ng pigilan siya ni Neil. "No , I want to hear what she is going to say. Nilapitan uli ang anak at niyakap ito. "Tahan na anak , pinangako ko pa naman sa Mama mo na walang makakasakit saiyo, heto at umiiyak ka na. HInalikan sa noo ang anak . Tiningnan si Laarni. HInihintay na magkuwento. 

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon