Chapter 65

6K 124 75
                                    

Sinundan ng tingin ni Miguel ang tinitingnan ng kaibigan . Nakita niya ang grupo ng mga abay sa kasal na dadaluhan nila , masayang nagkuluwentuhan habang kumakain.

 

Kapansin pansin ang pagkakahilig sa balikat ni Jason ng katabing babae. nakapatong ang kamay ni Jason sa ibabaw ng lamesa , nakahawak ang dalawang kamay ng babae sa braso ng binata. Nakatalikod si Jason sa kanila kaya hindi pa sila nakikita.

 

Tumaas din ang kilay ni Lena sa nakita. Napatingin sa anak na napayuko. Si Neil naman ay nakikipag usap sa waiter na magdadala sa table nila. Hindi nito napansin sina Jason.

 

"Anak, ok ka lang?" tanong ni Lena.

 

Tumango lang si Sarah. Napatingin naman si Neil kay Lena, nagtatanong mga mata bakit biglang nagbago expression ng anak. Pasimpleng tiningnan ang nagkakasayahang grupo nina Jason.

 

Tiningnan uli ang anak. Naintindihan na niya.

 

"Sir , your table is ready, I can take you there now." Narinig nilang sabi ng waiter .

 

"Let's go , masuyong hinawakan ni Miguel ang kamay ng kaibigan , sumunod sa waiter na maghahatid sa kanila sa mesa nila.

 

Pinipilit namang pagliwanagin ni Sarah ang isip sa sakit na nararamdaman. Parang sasabog ang dibdib nito sa inis sa babaeng nakapalupot sa kasintahan . Nakakaramdam din ito ng galit kay Jason. Pakiramdam niya, pag lumapit si Jason sa kanila ng sandaling yun , napalunok si Sarah, ano nga ba ang

gagawin niya? Nagbabara ang lalamunang napakapit sa braso ni Miguel ang dalaga. Naintindihan naman siya ni Miguel at tinapik ng kabilang kamay ang kamay na nakahawak sa braso niya. "Gusto mo bang lumapit sa kanila to say hello? " Bulong ni Miguel.

 

Sunod sunod na iling ang sagot ni Sarah.

 

Dahil sa nakita, tuloy tuloy lang din sina Neil at Lena , ni hindi na uli nilingon ang table ng grupo nila Jason.

 

Si Bryan ang nakakita sa kanila. Napatayo ang pinsan ni Sarah at masayang lumapit sa kanila. Napasunod ng tingin si Becka sa kapatid at ng makita kung sino ang pinuntahan nito ay masaya din itong tumayo at sinundan ang kapatid.

 

"Now who did they see that they were both eager to greet hello without even excusing themselves?" , naiiling na tanong ni Jason. Nanlaki ang mata ni Jason ng makita kung sino ang masayang pinuntahan ng mag kapatid. Bigla itong napatayo, Muntik pang mabuwal ang bangkong inuupuan nito. Nagulat din ang babaeng nakapalupot sa kanya.

"What the heck Jason? You almost knock me down?" Mataas ang boses na reklamo ng babae. Parang walang narinig na dali daling pumunta na rin si Jason sa table nila Sarah. Sinundan na lang siya ng tingin ng babaeng takang taka sa ikinilos ng binata. “Who are those people?” Inis na tanong sa mga naiwan. Nakilala naman niya agad si Neil at Miguel. “Oh it’s Tito Neil and is that Miguel Sy? Who are those females with them?  And why is Miguel hanging out with Tito Neil?” Sunod sunod na tanong nito. Hindi na maipinta ang mukha dahil pakiramdam niya ay nabale wala siya ni Jason, bakit siya iniwan nito. Di ba dapat niyaya siya para batiin ang Ninong Neil niya. Ipakilala siya sa mga kasama?”

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon