Chapter 23

6.9K 96 31
                                    

"Ang ganda naman ng mga bulaklak na yan. Talagang hanggang ngayon hindi pa rin niya nakakalimutan paborito mo." Papuri ni Ana sa mga bulaklak na nakapatong sa dining table nina Lena ng dumaan ito para yayaing mag lunch at mag shopping na rin. Hindi tuloy niya napansin na nasa telepono ang kaibigan at may kausap.

Biglang natakpan ang bibig ng marinig ang kaibigan na nagsasalita. Akala niya nuong una ay siya ang kinakausap nito.

"Oo nga, mukha ngang tuwang tuwa sa ipinadala mong bulaklak. Sige sasabihin ko, pakikumusta na lang ako kay Sarah. Natutuwa ako na naging maganda namam ang pagtanggap ng pamilya mo sa kanya."

"Di ako nakalaban nila." Sagot naman ni Neil sa kabilang linya. Huwag kang mag-alala gaya ng pangako ko saiyo, wala ng makakasakit sainyong mag ina na hindi din makakatikim ng galit ko. Sana nga lang pumayag ka ng dito ka na rin tumira sa Manila."

"Hayaan mo munang pag isipan ko, baka makasira o makasagabal pa ako sa pangangampanya mo. Masaya na ako na tinanggap ng mga kapatid mo si Sarah."

Ilang minuto ding naghintay si Ana bago natapos ang pag uusap ng dalawa. Napansin niyang humugot ng isang napakalalim na buntong hininga ang kaibigan matapos pagmasdan uli ang mga bulaklak.

"Ang lalim naman yata ng buntong hininga na yan. Bakit ba?" Tanong ni Ana sa matalik na kaibigan.

"Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Neil. Naguguluhan ako kung ano dapat kong gawin. Alam ko andito pa rin yung pagmamahal ko sa kanya pero hindi ko alam kung handa ko bang harapin panibagong pagbabago sa buhay ko matapos ng mahabang panahon na tahimik at walang problema."

"Tahimik at walang problema, pero routine, walang excitement. Bata ka pa kaibigan, alam ko naging mabuting asawa ka sa pinsan ko, minahal mo din siya sa paraan na alam mo. Pinagsilbihan at nuong nagkasakit, inalagaan pero alam naman namin na hindi pa rin nawawala yung pagmamahal mo kay Neil, hindi mo man sabihin."

"Natatakot ako, alam mo naman na iba ang mundo nila sa mundong ginagalawan ko. Hayaan na lang natin si Sarah na makihalubilo sa kanila, kaya silang harapin ng anak ko pero ako, maiilang lang ako."

"Sira ka talaga, ikaw ang mahal ni Neil, yun ang mahalaga. Sa nakikita ko sa kanya , willing siyang tumira kung saan ka masaya pero sa ngayon dahil sa pangangampanya niya, hindi din niya magawa ang gusto niya."

"Ayaw kong mapulaan siya dahil sa akin."

"Magtigil ka na sa mga insecurities mo. Diyan pa lang sa mga dahilan mo kung bakit ayaw mong padala sa narararmdaman mo ay patunay na kung gaano mo kamahal yung tao."

Matagal na tuminginn si Lena sa kaibigan. Tutuo naman ang sabi ng kaibigan , ang pumipigil lang sa kanya para aminin din kay Neil na mahal pa rin niya ito hanggang ngayon ay ang mga pangamba niyang mapulaan lang si Neil dahil sa kanya.

"Bakit ka nga pala napadaan? Akala ko ba, naghahanda ka na para sa biyahe ninyo sa Palawan?

"Oo nga pero ng mag iimpake na ako, kailangan ko palang mag shopping ng mga bagong beach outfit. Hindi na kasya sa akin yung mga dati kong damit na pang beach. Papasama sana akong mag shopping in return , treat kita sa lunch."

"Si Glen? Bakit hindi siya ang ayain mo?"

"Gusto mong ang mabili namin ay panay one piece na nga, sakal na sakal pa. Gusto ko naman yung relax ng kunti kahit na one piece or yung mga uso ngayon, parang short pero modern namang tingnan hindi yung yung parang 70's. Na miss ko tuloy inaanak ko.Ang sarap kasamang mag shopping nuon. Kumusta pala siya duon?"

"Ikaw talaga, pasalamat ka at mahal na mahal ka din ng asawa mo napagtitiyagaan ang mga kalokohan mo

"Swerte swerte lang talaga when it comes to love. Kailangan talaga pag alam mo ng siya, huwag mo ng pakawalan.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon