Chapter 31

7K 91 68
                                    

Sa dinner na yun ay ipinaalam na rin ni Neil sa ina ang pagiging engage nila ni Lena. Sinabi niyang balak nilang magpakasal sa lalong madaling panahon. Simple lang ang gusto nila, binabalak nilang sa Lena’s Paradise Inn and Resort ito ganapin.

Natuwa naman ang matanda. Tama lang daw na pakasal na sila sa madaling panahon. Nakita nilang genuine naman na masaya ang matanda sa kanila. Hiniling  din niya na sana daw dalawin din siya ni Sarah sa bahay niya. Gusto daw niyang makilala ng lubusan ang apo. Sana daw duon na siya tumira dahil nag iisa na daw siya duon sa napakalaking bahay.

Nangako naman si Sarah na pipilitin niyang madalaw niya ng madalas ang lola niya. Gusto din niya itong makilala ng lubusan , ganoon din ang iba pang miyembro ng pamilya nila.

Nagkahiwa hiwalay sila ng gabing yun na pare parehong masasaya. Hindi na nagtaka si Sarah ng sinabi ng Mama niya na hiniling ng Papa niya na duon na muna siya sa place niya.Hindi na kinulit ni Sarah ang Mama niya ng inaayos nito ang mga gamit niya habang naghihintay naman ang papa niya sa sala.

“Alam mo , gusto din sana ng Papa mo na duon ka na rin sa kanya tumira.” Sabi ni Lena sa anak.

“Ok na ako dito Ma, tama lang na ma enjoy naman ninyo ni Papa ang company ng isat isa. Masayang masaya ako para sainyong dalawa. Gusto din naman ni Ninang na dito  muna ako, pag nakapag adjust na ako , at pag kasal na kayo ni Papa, duon siguro baka tanggapin ko na rin ang alok ni Papa na kuhanan niya ako ng sarili kong place. Sa ngayon ok na ako dito sa unit nila Ninang.

“Ako din anak , hindi ko akalain na magiging ganito kasaya ang mararamdaman ko."

“Ang sarap ng pakiramdam na ayos na ang lahat , maging kay Lola Margaret.”

“Oo nga, napasaya din natin ang Papa  mo sa pangyayari.”

“Sana Ma, yung lalaking mamahalin ko, mamamahalin din ako gaya ng pagmmaahal ni Papa saiyo.”

“Yun din ang panalangin ko para saiyo anak. Malay mo kilala mo na pala siya, yun nga lang hindi mo pa nararamdaman.”

“Uuuy si Mama, nanghuhuli na naman. “

Hinalikan ang noo  ng anak. “Palagay ko nasa tabi tabi lang ang lalaking pinapangarap mong magmamahal saiyo. “

Huminga ng malalim si Sarah, "sana nga Ma.”

Gaya  ng dati, sabay uling pumasok sa trabaho   sina Sarah at  Jason. Kapansin pansin pagiging mas palagay na ang loob nila sa isat isa. Hindi na masyadong naiilang si Sarah kay Jason.

“Good morning Princess, mukhang masayang masaya ka pa rin.”

“Good morning Sir Jason. Talagang masayang masaya pa rin ako,  good morning po Mang Vic, kayo po ba masaya rin?”

“Good morning iha, masayang masaya. Abot tenga  ang ngiti ko ng kinukuwento ni Remy sa akin kagabi pag uwi niya.” Sagot naman ni Mang Vic.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon