Chapter 19

6.9K 95 38
                                    

Hindi nagtagal at wala ng tigil sa pagtunog ang mga telepono sa bahay ni Neil. Minabuti ni Neil na huwag munang mag comment sa mga reporters na nagtatanong. Sinabi na lang niyang magbibigay na lang siya ng statements sa mga susunod na araw. Pagkatapos nuon ay hindi na ito sumagot ng telepono. Sinabihan din ang mga personal assistant, aides at iba pang mga kasama palagi ni Neil na huwag na huwag munang magpapa interview kahit na kanino at walang mag po post sa mga social blogs.

May mga tumatawag din kay Jason pero hindi na rin ito sumasagot sa telepono. Nag aalala sila sa nakikitang pag aalala sa mukha ni Sarah. "Anak, gagawin natin kung ano ang gusto mo. Ayaw kong makakabasa ng kung ano anong chismis laban saiyo. Sa nakikita ko , wala tayong magagawa kung hindi sabihin ang tutuo, ano sa palagay mo?"

"Hindi ko alam Pa. Dapat siguro, ipaalam natin to kay Mama."

"Kanina ko pa nga siya iniisip na tawagan."

"Tawagan na natin siya Pa, bago pa niya mabalitaan sa iba."

"Sige anak tawagan mo na mama mo para makausap na natin siya at malaman natin ang opinion niya. Madadamay din ang pangalan niya sa issue na ito."

"Kayo po Pa, handa na po kayo? Baka po makaapekto sa kandidatura ninyo pag nalaman nila ang tungkol sa amin ni Mama."

"Anak, kayo ng Mama mo ang inaalala ko. Kung ako lang, kahit ngayon, ipagmamalaki ko ang tunay na relasyon nating mag ama."

Tinawagan nga nila si Lena. Nag-alala man nuong una pero sa bandang huli ay sinabi din nito na mas maganda na sabihin na nila ang tutuo bago pa kung ano ano pa ang lumabas ng mga balita. Basta sigurado daw si Neil na yun ang gusto niya.

Mahaba haba ding bilinan any nangyari sa pagitan ng mag-ina bago tuluyang nagkapaalamanan Kinuha din ni Neil ang opinion ni Jason. Sang-ayon din ang binata na sabihin na ang tutuo. Wala naman daw lihim na hindi lumilitaw, isa pa, wala naman daw masama kung aminin na nila ang tutuo."

Napagkasunduan nila na pag hindi pa rin humupa kinabukasan ang balita, magpapapa interview na siya.

"Sana hindi na lang ako sumama sa airport." sabi ni Sarah.

"Ako may kasalanan, ako nagyaya saiyong sumama." Sagot naman agad ni Jason.

"Kung hindi kita niyakap, hindi Sana naging issue yung pagsundo ninyo sa akin."

Nagkatawanan na lang sila.Huli na para magsisihan pa. Wala naman sa kanila ang may gustong maging headline sa mga social networlk dahil sa normal na yakapan ng mag ama. 

"The truth is , this can be a blessing in disguised. Let the world know I have a beautiful, smart and kind hearted daughter which I wish I have known since she was conceived. Alam ko anak, sinabi mo nuon pa mang una tayong magkita, tama na yung makilala mo ako. Mas gusto mo ang tahimik na buhay. Masaya ka na sa buhay na meron ka pero kahit gustuhin ko man na pagbigyan ka, hindi talaga pwedeng hindi ka makilalang isang Co.

Hindi na kumibo si Sarah. Naisip niya ang pamilya ng Papa niya. "Pa, matanggap kaya ako ng Mama mo?" Malungkot na tanong ng dalaga.

Natigilan si Neil. Napatingin din si Jason sa dalaga. Nakaramdam siya ng awa sa nakitang hinanakit sa mga mata nito.

Lumapit sa kinauupuan ng anak si Neil. Niyakap ang dalaga. "Anak, tanggapin ka man niya o hindi, ipagmamalaki kita sa lahat. Hindi ko na hahayaang maging dahilan uli sila ng pagkakalayo natin. Isa pa, pinagsisihan na niya ang ginawa niya nuon sa Mama mo. Kung hindi nila sinabi, hindi ko malalaman ang nangyari. Kung kaya mo na silang patawarin, gusto ko sanang ipakilala kita sa kanya.

Kinapa ni Sarah ang sarili kung may nararamdaman ba itong galit sa lola niya. Anduon yung kunting hinanakit para sa Mama niya pero wala ng galit.

"Para saiyo Papa kung yun ang gusto mo. Huwag lang sana akong makakarinig ng kahit anong masama tungkol kay Mama."

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon