Chapter 47

7.1K 109 59
                                    

Naunang nagising si Jason, kung ano ang nakatulugan nilang posisyon , ganoon pa rin sila. Nakaunan sa dibdib niya si Sarah, nakadantay ang isang kamay sa may tiyan niya. Nakaramdam ng pag iinit ng katawan ang binata habang pinagmamasdan ang kasintahan.Naisip niyang oras na para  sa first shower of the day niya.

 

Nagising pa rin si Sarah kahit anong ingat ang ginawang pagbangon ng binata. Napabangon ito ng maramdaman ang init ng katawan ng katabi. "Anong oras na?"  Nahalata ni Jason ang pamumula ng dalaga. Napangiti ito at hinalikan sa noo ang kasintahan. "Good morning sweetheart. Tulog ka pa, maaga pa. Kailangan ko na lang bumangon bago mo pa ako masampal."  Bago pa nakapagsalita uli si Sarah ay nakapagsuot na ng pantalon ang binata, nginitian uli siya nito bago tuluyang lumabas ng kwarto.

 

Pagkalabas ni Jason ng kwarto ay isinubsub ni Sarah ang mukha sa unan. "Dear Papa God, bakit ang gwapo gwapo niya?" Pabulong na sabi ni Sarah. Sa isang banda ng isip niya ang gusto niyang  ay bakit napaka hot ng boyfriend niya kahit bagong gising.  Para lang model  kahit na kagagaling lang nito sa higaan. Boyfriend? May boyfriend na nga ba talaga siya? Boyfriend na niya si Jason Opsima?  Ohh Dear God, sana hindi ako nagkamali. Sana hindi niya isipin na ang dali naman niya akong napasagot. Sana hindi naman bumaba ang pagtingin niya sa akin lalo na nga at nakatabi ko na agad siya sa pagtulog. Napangiti ang dalaga, nakaramdam ng pagmamalaki at lalong paghanga kay Jason. Tinupad nito ang pangako sa kanya na matutulog lang sila. Naiintindihan na niya kung bakit sinabi ng binata na kailangan na niyang bumangon at lumayo sa kanya bago pa niya ito masampal.

 

Hindi na rin nakatulog si Sarah. Nanatili lang itong nakahiga. Bumangon lang ng maramdamang tapos ng mag shower ang binata. Siya naman ang tumayo at nag shower. Alas nuwebe pa ang appointment nila sa represantative ng titingnan nilang property. Alam din niyang gustong sumama ni Mr. Tagauchi sa kanila. Naalala niya si Georgina. Nakaramdam siya ng kunting awa dito. Parang nakikita na niya magiging reaction nito pag nalaman niyang walang nangyari sa mga plano niya. Naisip din niya kung ano ang plano ng mga Co sa kanya. Hindi pa niya natatanong si Jason tungkol duon pero malakas ang kutob niyang pagbalik ni Georgina sa Manila ay mas malaking bad news ang daratnan niya.

 

Nangiti si Jason ng marinig ang shower sa kwarto ni Sarah. "I can't wait the day that you will let me have shower with you." Bulong nito sa sarili. Sa ngayon kailangan niyang magtiis tiis kung ayaw niyang mawala ang tiwala sa kanya ng kasintahan. Darating din siya sa araw na yun. Nagbihis na ito , at umorder ng breakfast nila. Pagkatapos niyang maka order ay binuksan ang laptop. Nag email ito kay Neil, ibinalita ang naging pag uusap nila ni Sarah kay Mr. Tagauchi.  Sinabi na rin niya kung ano ang mga plano niyang gawin habang nanduon sila. Sa bandang huli ay sinabi din niya ang tungkol sa kanila ni Sarah.

 

"And last but not the least, this is probably the most important news I have for you. It is more on the personal side. I am a step  closer to call you Papa. Your princess agreed to be my girlfriend. Hope you are as happy as I am."

 

Nakangiti pa rin si Jason matapos na ma click ang send, alam niya magiging masaya din ang ninong niya para sa kanya.  Hindi niya inaasahan na makakatanggap agad ng sagot sa email niya.

 

"Congratulations! I know she is in good hands. I am happy  and remember , being a boyfriend of my princess is not easy. I expect her to be happy all the time,  if  you made her cry, that's because she is happy not because you hurt her. I am not going to threat you or anything of that kind, just reminding you, you know how much she means to me, she is my one and only daughter. I think that's pressure enough for you."

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon