Chapter 61

5.3K 104 60
                                    

Pag alis ni Jason ay sinamahan ni Lena ang anak sa isa sa mga kwarto. “Magmula ngayon anak, dito ka na muna titira ha. Mas mapapanatag ang loob namin  kung dito ka muna.”  Marahang sabi ni Lena sa anak.

 

Tumango lang si Sarah. Noon niya nararamdaman ang sobrang pagod at panghihina. Pakiramdam niya ay pipikit na ang mata niya pero gusto din niyang makapag shower muna. “Ma, wala akong gamit dito, kahit isang damit wala.”

 

Tinawag ni Lena si Aling Remy at nakiusap na kung pwedeng ikuha ng damit ang anak sa unit na tinutuluyan ng dalaga.  Dali dali naman itong sumunod matapos sabihin ni Lena kung nasaan ang susi na gamit niya

 

Kalalabas lang nina Lena at Neil sa kwartong pinagpapahingahan ni Sarah ng bumalik si Jason. Sinabi ni Lena na mas gusto daw ni Sarah na magpahinga nalang muna kesa kumain. Tinanong ni Jason kung tulog na ba ito at kung pwede bang masilip niya ang dalaga.

 

“Sige iho, silipin mo na , hindi pa naman siya nakakatulog.Iniwanan na muna namin para makatulog pero sigurado kami matutuwa yun pag nakita ka bago siya makatulog. Hanggang ngayon, naluluha pa rin tuwing maaalala na pati ikaw muntik na ring mapahamak ng dahil sa kanya. Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan.” Naluluha na namang sabi ni Lena.

 

“Sige na iho, puntahan mo na siya. Mauna na kaming kumain ha, para naman makauwi na rin si Aling Remy. Kanina pa namin pina uuwi pero gusto niyang makasigurong kumain na tayo bago siya umalis.” Sabi ni Neil, sabay tingin kay Aling Remy na matiyagang naghihintay sa may dining table.

“Sige po, mauna na kayo, puntahan ko po muna si Sarah.”

 

Dahan dahang binuksan ni Jason ang kwarto ng kasintahan. Ayaw niyang magising ang dalaga  sakali mang nakatulog na ito. Pagbukas niya ay nagulat pa ito ng makita niyang nakatingin sa kanya ang kasintahan. Nakangiti ito at iniaabot ang kamay.

 

“Akala ko tulog ka na. Nagising ba kita?” Malambing na tanong ni Jason habang hinahalikan ang noo ng dalaga.

 

“Hinihintay talaga kita, alam kong babalik ka.” Sagot naman nito. Hinaplos ang  pumutok na kilay ng binata. “Masakit ba? Hindi ba masamang nabasa yan?”

 

“Hindi na masyado. May kintong kirot. Hindi ka daw kumain? Sana kumain ka muna bago ka matulog.”

 

“Wala akong gana, gusto ko lang matulog at magpahinga. Ikaw dapat magpahinga ka na din.”

Tumitig si Jason sa dalaga. “God sweetheart, hindi mo lang alam kung gaano ako nag aalala saiyo habang bihag ka ng mga walanghiyang yun.”

 

“Shhh huwag na nating pag usapan pa, ang mahalaga pareho na tayong ligtas. Nasa kamay na ng mga alagad ng batas ang mga taong dapat managot. At sana tuluyan ng maputol ang mga kasamaan at katiwaliang gawa nila. Palagay mo, may sapat ng dahilan para mabulok sila sa bilangguan?”

 

“Sisiguraduhin namin yun sweetheart. Huwag na ako, palagay mo ba papayag si Ninong na hindi pagdusahan ng may mga kagagawan ang ginawa nila saiyo? This time nakahanap sila ng katapat.”

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon