Chapter 27

6.8K 94 26
                                    

Nagtaka si Sarah ng pumarada ang sasakyan ni Jason sa harap ng isang kilalang jewelry store si Greenhills. Akala niya ay sa isang restaurant sila pupunta para sa lunch meeting nila ng Papa niya.

Nagtataka man ay bumaba na rin siya buksan ni Jason ang pintuan niya at alalayan siya para makababa.

"Anong gagawin natin dito?" Nagtatakang tanong ni Sarah. Akala ko ba , lunch with Papa."

"Sandali lang tayo dito, hindi kalayuan yung restaurant na kakainan natin. May gusto lang ipakita saiyo si Ninong. Andiyan na siya sa loob , hinihintay na tayo." Kinindatan nito si Sarah , parang sinasabi na just go with the flow and you will see,

Dahil sa ngiti na yun ni Jason ay biglang nanlaki ang mata ni Sarah. Napatingin sa binata. Tumango ito at sinabing, "yap he is."

Napapalakpak ang dalaga. Parang batang napalundag pa sa tuwa. Muntik pang mayakap si Jason  dahil sa sobrang tuwa.

"Alam mo para kang may double personality. Pag trabaho , napaka seryoso mo pero pagdating na sa Mama at Papa mo, para kang teen ager na pinayagang makipag date for the first time." Natatawang obserbasyon ni Jason.

"Nakita mo sana reaction namin ni Miguel ng finally ay payagan kaming lumabas na kami lang, walang chaperon. Sabay pa naming hinalikan si Tito Gary na may kasamang lundag  at patalon talon pa habang panay ang thank you namin."Kumikindat namang sagot ni Sarah na agad agad na nagpawala sa ngiti ng binata ng mabanggit ang pangalan ni Miguel.

"Ang lakas mong makasira ng mood. Tara na nga."

"Grabe ka lang," hinampas ni Sarah ang binata  na mabilis namang nasangga nito. Hindi na niya binitiwan ang kamay ng dalaga hanggang sa makapasok sila sa jewelry store.

Yun ang napansin ni Neil pagpasok nila sa tindahan ng mga alahas, ang mahigpit na pagkakahawak kamay ni Jason sa dalaga niya pero hindi na niya ito binati.  Hahayaan niyang ang dalawa mismo ang magkuwento sa kanya kung anoman ang namamagitan sa kanila. May tiwala siya kay Jason. Alam niyang hindi ito gagawa ng isang bagay na alam niyang ikakasakit niya ng loob lalong lalo na pag kinalaman sa mag ina niya.

Masayang binati ni Sarah ang ama  pagkakita niya dito.  Humalik ito sa pisngi ng Papa niya na malambing namang yumakap sa anak.

"Kumusta naging paglilibot ninyo sa mga on site projects natin anak? Nag enjoy ka ba? HIndi ka ba naman masyadong pinapagod ni Jason?"

"Nag enjoy ako Pa, ang dami kong natutunan.  Akala ko marami na akong alam pero palagay ko taon   pa bibilangin bago ko masabing marami na akong alam sa pagpapatakbo ng mga negosyo ninyo. Nalulula ako. Parang gusto ko tuloy bumalik sa pag aaral." Dire diretsong sabi ni Sarah sa sobrang excitement sa naging karanasan niya ng umagang yun sa paglilibot sa mga bagong projects ng real state development branch ng NEC Corporations.

"Yang branch na yan anak ay si Jason talaga ang personal na nangangasiwa diyan. Yan ang master niya but then I know he is also a monster negotiator." Sabay tapik sa balikat ng inaanak.

"Magaling kasi ang mentor kaya kanino pa magmamana." Sagot naman ni Jason.

Nangiti si Sarah sa nakikitang fondness sa isat isa ng dalawang kaharap. Bumuntong hininga ito, mas tumatagal , mas dumarami ang dahilan kung bakit kahit na pilitin niyang huwag mahulog agad ang loob sa binata ay hindi niya magawa.

"Anak, kaya gusto kong dumaan kayo dito, gusto kong makita mo itong napili ko bago ko tuluyang bayaran." Narinig ni Sarah na sabi ng Papa niya.

Sinenyasan ni Neil ang isa sa mga staff  na dali dali namang binuksan  kinuha ang alahas na nagustuhan ni Neil. Nanlaki ang mata ni Sarah sa ipinakitang engagement ring ng Papa niya.

Pag-ibig, Noon at NgayonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon