Kung akala niyo mapapalayas ko ang isang student sa school. Yes! Kaya ko... pero 'yong hindi gaanong mayaman lang ang mapapalayas ko. Pero 'yong mayayaman? Nuh-uh! Hindi ko na basta basta mapapaalis 'yon sa school, hindi kasi papayag si dad don. Dahil sabi ni dad, sila din naman daw ang dahilan kung bakit sumikat ng husto ang Jose Del Rio University dito sa pilipinas..

"Don't worry girl.. ako ng bahala. I'll tell you na lang tomorrow, bye!" pamamaalam ko, saka ko naman pinatay ang phone ko.

Gumuhit naman ang ngiti sa labi ko ng may maisip akong pilyang plano.

Maghanda ka na Dani Rey Delima.....
Ipapahiya at higit sa lahat mapapalayas rin kita sa school ko.

--

Kinaumagahan, pangiti ngiti akong bumangon mula sa kama ko. Parang nawala lahat ng pagkabeast mode ko kahapon! Ang gaan gaan ng feeling ko ngayon.

Tiningnan ko muna ang hello kitty na alarm clock ko na kulay yellow. Yes! Yellow talaga, yellow is my favorite color kasi eh. Pati nga kwarto ko is yellow din.

(5:25am)

Whoa! Ang aga ko pala nagising? Hahaha! First time 'to ah! Oh well, carry lang! Masyadong excited ang dyosa niyo ngayon eh! Dahil magsisimula na ang revenge plan ko sa Dani Rey Delima na 'yon.

That monkey guy... sorry na lang siya, kinalaban niya ang nag iisang dyosa sa balat ng lupa. Bwahaha!

Agad na akong pumasok sa cr at ano pa nga ba ang ginagawa sa umaga bago pumasok sa school? Tch. Alam niyo na 'yon! -____-
Matapos ko sa cr ay lumabas na ako at nagbihis...

Nagsuot lang ako ng yellow croptop na kita ang tiyan ko at skinny jeans. Pagkatapos, sinuot ko na rin ang heels ko na kulay yellow din. Nilugay ko naman ang brown na buhok ko na hanggang bewang. Naglagay lang ako ng konting make up sa mukha ko at nilagyan ko na rin ng stawberry flavored lipgloss ang lips ko, saka ko sinilip ang sarili ko sa malaking salamin dito sa kwarto ko.

Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa hitsura ko ngayon.
Oh my God! I'm so so proud of myself! Ang sexy talaga ng dyosa niyo! Hahaha.

Kung iniisip niyong mapapalabas o mapapagalitan ako sa school sa suot kong ito, nuh-uh! A big NO. Wala silang pakialam kung anong susuotin ko.

Para saan pa ang pagiging maganda,sexy at pagiging hot ng isang Cassandra Del Rio kung hindi ko ipapakita sa kanila, right? Hah!

Matapos kong masiguradong dyosa na talaga ako sa suot ko ay napagdesisyonan ko ng lumabas ng malaking room ko at bumaba.

"Where's dad yaya lope?" 'Yan ang agad tinanong ko sa matandang katulong namin habang inihahain niya ang mga pagkain sa mahabang mesa.

"Ah.. maaga siyang umalis madam cassandra, sinabi niya sa'kin na 2weeks daw siya sa tagaytay, may mahalaga lang siyang aasikasuhin doon." Sagot niya sakin.

Mapait naman akong ngumiti kay yaya lope. Para kasing nakaramdam ako ng lungkot ng sabihin niya iyon.
"O-okay." Yuko kong sabi.

As always! Palagi namang business ang inaatupag niya eh! Tch. Sanay na ako,pero bakit nakakaramdam pa rin ako ng lungkot pag umaalis siya? Halos araw araw na lang kasi siyang umaalis. Minsan ko na nga lang siyang makita dito sa bahay, pero business pa rin inaatupag niya kahit andito siya sa bahay.

Hindi naman ganyan si dad dati noong nabubuhay pa si mom, halos ibinibigay nga niya samin ang oras niya dati.. pero noong namatay si mom sa isang car accident ay nagbago na ng tuluyan si dad. Halos isinubsob na niya ang sarili niya sa trabaho at parang sa tingin ko nakalimutan na niya na may anak pa siya.

She's My Man(girlxgirl) Where stories live. Discover now