"Ouch! Nasaktan ako don ah! Maiba nga tayo kambal, kumusta nga pala dyan kambal? May pasok ba?"

"Speaking of pasok kambal, bakit hindi mo sinabi sakin kung saan 'yong classroom mo? Buti na lang talaga walang pasok ngayon buong araw. Naku naku naku! Para siguro akong tanga kakahanap sa classroom mo pagnagkataon!"

"Ay oo nga no! Hahaha! Sorry kambal.. nakalimutan ko palang sabihin ang bagay na 'yon sayo. But don't worry, kaklase ko lang naman ang friends ko, sa Room 107 ang classroom namin. Hanapin mo na lang.. By the way, magkasama ba kayo ngayon ng mga friends ko kambal?"

"Yeah.." tipid kong sagot sa kanya.

"Ah ok. Basta mag iingat ka dyan kambal ah! Wa'g ka muna agad pabubuking!"

"Don't worry kambal, hinding hindi.. tsaka, baka managot pa tayong dalawa noh! Mahirap na."

"Then, Good! Sige kambal,  ibababa ko muna tong tawag. Kakadating lang namin ng banda rito sa singgapore eh, kailangan muna naming magpahinga. Kapagod kasi ang byahe!"

"Wait kambal.." pagpigil ko sa kanya. May naalala akong itanong. Ayoko namang magtanong sa mga friends niya dahil baka magtaka pa sila.

"Yes kambal?"

"I'm sure kilala mo si Cassandra Del Rio kambal right?"

"Oh! Cassandra Del Rio, the oh so gorgeous, hot, pretty and sexy na anak ng friend ni dad. Ahm, yeah kilala ko siya. Sino ba naman ang hindi makakilala sa anak ng may ari ng school na pinapasukan ko di ba? Bakit kambal? Nakita mo na siya? Ang ganda niya noh!"

Napaface palm naman ako sa sagot na iyon  ni kambal.
Grabe lang ah! Mukhang may pagnanasa din tong si kambal sa babae na yon! Iniimagine ko tuloy ang mukha niya ngayon habang nagasalita siya. Sigurado akong nagniningning ang mga mata niya! Psh. Boys nga naman! -_____-

"Tch. Whatever kambal! Mas maganda naman ako sa kanya!" Walang kagana ganang sagot ko sa kanya.

Sa totoo lang, i'm not interested naman talaga sa babaeng Cassandra na iyon. Gusto ko lang talagang tanungin kung ano siya dito sa school. At kung ano ang ugali niya bukod sa pagiging maarte niya.

"Wow grabe kambal! Ang ginaw dito, ang lakas ng hangin eh! Hahahaha!"
I mentally rolled my eyes. Totoo naman talaga sinabi ko! Tss.

"You know what kambal, nakakainis ka!.. duh!"

"Joke lang kambal, syempre maganda ka. Pero kambal, be careful na lang kay cassandra ha? Masama kasing magalit ang babaeng 'yan kaya please kambal, kapag lumapit siya sayo gawin mo na lang kung anong sabihin niya o gusto niya. Wa'g mo siyang tanggihan. I know you kambal, hindi ka sumusunod sa utos ng iba. Ayoko kasi ng gulo pagbalik ko dyan. You know naman kambal na gusto ko lang ng tahimik right?."

Oh oh?! Sorry kambal huli na ang paalala mong 'yan.. tinanggihan ko na siya kanina lang at pinahiya ko pa siya. Yan sana ang gusto kong sabihin sa kanya ngunit naisip kong baka magalit siya o ano, kaya hindi ko na tinuloy.

Masama pala magalit ah? Hm.. pwes! Tingnan lang natin kung ano ang gagawin niya matapos ko siyang pahiyain kanina.

Mukhang mag eenjoy ata ako sa school na'to ah!
Gumuhit naman ang pilyang ngiti sa labi ko.

"Ok kambal..i know!" tipid kong sagot kanya.

"Good! Sige kambal.. kailangan ko ng ibaba 'to. Mag ingat ka ha? Tatawag rin ako minsan para kamustahin ka. Babye kambal! Love you!" Pamamaalam niya.

"Bye. Love you too!" Sabi ko tsaka niya pinatay ito.

This is gonna be fun!

Cassandra's POV

She's My Man(girlxgirl) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon