Chapter 46 - Doubts

Magsimula sa umpisa
                                    

"Pero gusto kong makatulong sayo dahil para na rin naman kitang anak---"


"Gastusin niyo na lang po yan sa pagpapacheck up ni Mama at sa mga kailangan niyang inumin na gamot. Sige Ma, mauna na po ako"


Kinuha ko na yung bag ko at nagmano ako kay Mama bago ko nilagpasan si Tito.

Talagang hindi ko siya tinititigan.


"Kenzie, bakit hindi ka nagmano sa daddy mo?" Tanong ni Mama nung nasa hagdanan na ko.

I closed my eyes and sigh quietly.


"Hayaan mo na siya"

Nung narinig ko yun mula kay Tito Henry ay nagmadali na kong lumabas ng bahay.


Sakto ay tumigil ang kotse ni Enzo sa harapan. Nagtext kasi ako kay Ika kani-kanina lang na nakaayos na ko. Usapan na naming dadaanan nila ako since dito rin naman ang way nila papunta sa school.


Monday na ngayon at medyo excited na akong makita si Jiro.

Hindi kasi kami nakapagkita netong weekends.

Naging busy ako sa work habang nag-extend naman sila ng family niya ng stay sa pangasinan.


"Ang aga-aga, badtrip agad yang mukha mo. Anong meron?" Tanong ni Enzo habang pinagtatawanan ako.

"Masama lang siguro tulog ko"


"Ay kenzie, may lakad ka mamaya?" Ika asked.

"Why?"

"Aalis kasi tong si Enzo so naisip ko, kayo na lang girls ang yayain ko. I need to buy some stuff"

"Sa SM?"

"Oo sana"


"Maika, hindi ko pa sure eh. Kakausapin daw kasi ako ni Dean mamaya tungkol dun sa pag-apply ko as Dean's lister"


"Ganun? Alright. Sila Gigi siguro available"

Ngumiti na lang ako at tinext na si Jiro.


***


Mahaba ang pila sa cashier. Nakakainis kasi dagsa ang mga estudyante ngayon.

Hay nako! Wala talagang sistema ang school na ito.


"Pare, di ba tatay mo naman owner neto? Baka naman may paraan para mapunta agad tayo sa harapan?" Tanong ni Ian kay Jackson.


"Pakyu. Alam mo namang bad shot pa ko kay Papa. Baka gusto mong upakan na ko nun" Sabay halik niya sa kamay ni Gigi.


Sa Friday na ang alis ni Jax kaya ang clingy na nila sa isa't-isa.

Naaawa nga kami kay Georgina kasi nung nag-group call kami kagabi ay iyak siya ng iyak.

Tapos ngayon, maluha-luha siya, though halatang pinipigilan niya ang sarili na malungkot.


"Si Zach ba yon?" Tanong ni Eli.

My Only Mistake (My Only Series Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon