40. Keila and Hannah (Edited)

Start from the beginning
                                    

Walang prenong paliwanag niya sa akin, tanging tango na lamang ang naging tugon ko sa kanya. Lumipad ang utak ko dahil sa sinabi niya. 'Bukas ang pinto ng kwarto ko? I thought ni-lock ko yun'

"Ahh, wait, maliligo na muna ako" Sabay tayo ko. Iniwan ko na lang siya sa kwarto ko at sa baba na lang maligo. Kumuha na rin ako ng susuotin ko.

Naalala ko na naman ang panaginip ko, I remember Arie, hindi ko pala yun nadala, nasa Japan pa, sa Hayashi Empire. Speaking of Hayashi, its been a month wala na aking balita at wala pa rin akong nagawang second move para sa misyon kong makuha ang Golden Crest. Also wala akong natanggap na tawag from Master J, at hindi ko pa nabubuksan ang account ko sa Assassins World.

Pagkatapos kong magbihis, naghanda ako ng breakfast namin. Marunong rin naman akong magluto, kaya lang tinatamad ako. Tatawagin ko na sana si Kaiser kaya lang nakita ko siyang pababa na may bitbit, nang mapagtanto ko yun, nanlamig ang buong katawan ko at nararamdaman ko ring namutla ako. Hawak nito ang maskara kong ginamit nung nakipag-laban ako sa Gangster Arena.

"You are Dark?"

----------

Pagka-uwi ko galing school, nagmukmok ako dito sa kwarto ko. Remembering her face when she's crying.

I feel like, I am proud na nakita kong umiyak ang isang babaeng walang awang pumatay, ang babaeng masungit, ang babaeng malamig, in short ang babaeng bipolar.

Hindi ko alam na marunong palang umiyak yun. Akala ko nga inaway ni Kaiser, eh. Yun pala nahanap na nag kanyang nawawalang kapatid.

I know she's getting change. Gumagaan na ang loob niya sa amin, and I think my kinalaman rin si Kaiser dito. 'Thanks to him, nagawa niyang wasakin ang pagiging cold ni Keila'

Parang gusto kong maging tulay sa kanilang dalawa. Kidding! Mapapatay ako ni Keila pagnag-kataon.

Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Ako pa itong nagsasabi na 'lets forget it' pero heto, inaalala pa rin. Hindi rin naman maiiwasan yun, in fact nagtataka nga ako, kung bakit kilala ni Daddy ang mga magulang ni Keila. Tapos sasabihin niyang, may nag-iisang anak lang ito. So, anong ibig sabihin ni Daddy? Nah, ampon lang si Keila? Alam ba ito ni Keila?

Napagulo ko na lang ang buhok ko. Si Keila at si Daddy lang naman ang makakasagot niyan, eh.

Napatingin naman ako sa pintuan ko nang may kumatok.
"Yes?"

"Pinatawag po kayo ng Daddy niyo, Ma'am Hannah"

"Okay, thanks" Ano na naman kaya ang kailangan ni Daddy, this time? Kinakabahan ata ako.

Pumunta na lamang ako sa office nito. Kumatok na muna ako bago pumasok.

"May kailangan kayo, Dad?" Bungad ko dito, nadatnan ko naman ito na may pinipermahan.

"Have a sit first darling," Nakangiting alok nito sa akin. Pagka-upo ko, niligpit na muna niya ang mga papeles na nasa table nito. I wonder aside sa company, may iba pa kayang pinag-aabalahan si Dad?

'Maybe'

"How's my darling?" Eto na naman po si Daddy. He's so sweet, lalo na pagdating kay Mommy, sana naman umuwi na ito. I miss her, you know.

"I'm fine, Dad" Mas close ako kay Dad kay sa kay Mom. She's busy handling her business in Spain, kaya nawawalan kami ng time. Like mother and daughter bonding.

Mahalaga sa isang pamilya ang quality time. Sabi nga nila Sunday is Family day. Paano mo naman masasabi na Family kung kulang kayo? Minsan lang rin kami mag-uusap ni Mom through skype, pag may vacant ito, unfortunately wala pa siyang vacant ngayon. Sobrang busy daw. Sinabi ko nalang na I'm fine, because Daddy is here with me.

"Good to hear that. How about Miy-Keila? Did you talk?" Kahapon ko pa napansin si Dad, kapag binabanggit niya ang pangalan ni Keila, may Miy- sa unahan. Hayaan na nga. Nginitian ko muna ito.

"Yes, Dad. She apologize rin naman at kalimutan na lang daw yun," Una pa lang akala ko mahirap paki-usapan si Keila at hindi marunong mag-sorry. Yun pala tinatago lang nito ang pagiging mabait.

Tango lang ang tugon ni Dad. Natahimik naman ito sandali.
Masaya ako para kay Keila, dahil sa wakas nahanap na niya ang kanyang Kuya, wala kasi itong nabanggit sa amin tungkol sa pamilya niya. I bet, only Clynn and Kaiser ang nakaka-alam. Kaya nagulat ako nang ikwento nito sa amin ang tungkol sa pamilya niya, but hindi man lang niya nabanggit kung bakit namatay ang mga ito.

Napabaling ako kay Dad nang bigla niya akong tinawag.
"Hannah, remember the lost daughter of your Tito Jeremy and Tita Selene?" Naguguluhan man kung bakit na-open up nito ang tungkol sa nawawalang kababatang kapatid ng kambal na sina Yukii at Yurii. Tumango na lamang ako.

"Her name is Miyuki Selene, right?" Tumango lang si Daddy.

"What about her Dad?"

"I think we found her"

"Huh?"

Nagulat talaga ko sa sinabi ni Dad. Nakita na niya? Sino? Saan? Kailan?

Alam na ba ito ng mga Fujiwara Family? Ni Tita Selene na hanggang ngayon hindi pa rin nakaka-recover sa pagkawala ng kanyang prinsesa? Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkawala ni Miyuki and also Yukii na hindi man lang marunong ngumiti, mga matang parang yelong umasta just like Kei-'Oh wait, oh my gosh!'

"Oh my gosh! Wait Dad, are you referring to Keila?!"

*****

DEATH: The Bloody QueenWhere stories live. Discover now