"Oh, sorry" hinging paumanhin ko saka ikinabit ang seatbelt. Nang maikabit ko ito ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan.

"Good, I want you safe all the time." Sa sobrang hina ng boses nito ay hindi ko naintindihan ang kanyang sinabi.

"May sinasabi po kayo sir?" Tanong ko dito. Sumulyap ito saglit sa akin at agad ding ibinalik ang tingin sa daan.

"Nevermind" maikling wika nito. Hindi na ako nagsalita.

Mahabang katahimikan ang dumaan sa pagitan naming dalawa. Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana.

"You can sleep" Nagulat ako ng bigla itong magsalita.

"Hindi pa po ako inaantok sir." Sagot ko dito nang hindi inaalis ang tingin sa bintana.

"Call me Laurence. No sir, and don't use 'po' on me"

"But you are my boss" bumaling ako dito. Seryoso itong nagdadrive.

"Outside the office I'm not. You can call me sir during work but please call me by my name when we are outside the office"

Tumango tango ako. "Alright si- I mean Laurence"

"That's more like it. Thank you" ngumiti ito at parang tumigil ang mundo ko dahil sa ngiting iyon.

Gosh.

Ramdam ko ang pag iinit ng pisngi. Para akong isang teenager na kinikilig. My god. 28 years old ka na Steph.

Dumaan muli ang mahabang katahimikan ngunit agad ko din itong binasag.

"About what happened between us that night, if you know what I mean" panimula ko.

"What about it?" Tanong nito.

"Can we just forget that?" Mahinang sambit ko dito.

"What do you mean?" Tumigas ang ekspresyon nito at naging mas malamig ang boses.

"I don't know exactly why you are doing this. I mean, from what I heard sa mga empleyado mo, you are not the type of guy na gagawin ang mga bagay na ito. Pero patuloy mo kong nilalapitan. Are you guilty that you took my virginity?"

Walang paligoy ligoy na tanong ko dito. Sa totoo lang kasi, nagtataka ako kung bakit nilalapitan niya ako. Kung bakit ganito ang pakikitungo niya sa akin. Hindi ako manhid para hindi maramdaman na iba ang trato niya sa akin kumpara sa ibang empleyado

"You are imagining things Steph. Don't overthink too much" matigas na wika nito. The way he said it parang sinasabi niya na wag na akong magsalita. Kaya tumahimik na lang ako. Siguro nga masyado lang akong sensitive at overreacting. Maybe wala lang naman sa kanya yun.

I sighed and rest my head on the seat. Unti unti kong naramdaman ang pagbigat ng talukap ng mga mata. Kaya hinayaan ko na lang na dalawin ako ng antok.

"I'm sorry Steph. But I will never ever forget about that. Because you are mine ever since that night" Hindi ko na masyadong naintindihan ang sinabi ni Laurence dahil tuluyan na akong hinila ng dilim.

Naalimpungatan ako dahil sa mainit na hangin na tumatama sa aking mukha. Nagmulat ako at nanlaki ang mata nang makita ang mukha ni Laurence na malapit sa mukha ko. Mukhang nagulat din ito sa ginawa kong pagmulat. Hawak nito ang pisngi ko.

I stared at his eyes. It was full of unknown emotions.

"Uhm, sir masyado kang malapit" Panimula ko at agad din naman itong lumayo.

"I'm sorry. I was about to wake you up. We're here Steph"

Napatingin ako sa labas at nakitang nasa tapat na kami ng condominium building. Hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman dahil alam ko namang nabasa niya ang resume ko.

Tinanggal ko ang seatbelt at inayos ang nagulong buhok.

"Salamat sa paghatid"

Tumango lang ito. Mukhang wala naman itong sasabihin dahil nanatiling nakatingin lang ito sa akin at hindi nagsasalita. Nakakailang. Parang binabasa niya buong pagkatao ko.

Alanganin akong ngumiti at binuksan na ang pinto sa side ko. Lumabas na ako ng sasakyan.

Humakbang ako palayo. Malapit na ako sa entrance ng building nang may humila sa kamay ko. Napalingon ako upang tingnan kung sino ang nagmamay ari ng kamay na iyon.

"Sir? I mean Laurence?" Taka kong tingin dito.

"Eat your dinner before going to bed" sabi nito. Nanatiling nakahawak ang kanyang kamay sa kamay ko.

"Okay?" Nahiwagaan kasi ako sa sinasabi nito.

"Uhm. See you tomorrow?" Tila nahihiyang wika nito.

Ngumiti ako at tumango.

"Kamay ko po sir" ininguso ko ang magkahawak naming kamay ngunit nanatili ang kanyang tingin sa aking mukha. Nainsecure ako bigla. Ang hilig tumitig ng lalaking ito. Paano kung may panis na laway o muta pa ako mula sa pagkakatulog kanina?

Sa halip na bitawan ay bigla niya akong hinila palapit sa kanya. Nabangga ako sa kanyang dibdib at agad nitong hinapit ang aking bewang.

Naramdaman ko ang pagdampi ng labi nito sa tuktok ng ulo ko.

"Goodnight" pagkasabi niyon ay pinakawalan niya na din ako at naglakad palayo.

Para akong natulos sa kinatatayuan. Natagpuan ko na lang ang sarili na nakatingin sa likod nito habang nakapamulsang naglalakad palayo. Nakailang hakbang pa siya bago muling humarap sa akin.

"One more thing, about your favor earlier. I'm sorry but I won't forget about that." He smirked and continued walking.

I sighed nang paandarin na nito ang sasakyan palayo.

Laurence, you're unpredictable.

He's so Damn Possessive (Completed)Where stories live. Discover now