39. Keila (Edited)

Start from the beginning
                                    

Kaya hindi ko napigilan ang damdamin ko kaya nagawa ko yun. Ngumiti si Hannah sa akin.
"Its okay, may kasalan rin naman si Daddy" Huminga muna ito.
"Sorry din daw sabi ni Daddy, and forget what happened yesterday"

Natapos ang buong klase at nandito kami ngayon sa HQ ng Black Royalties dito sa school. Biglang tumayo si Kaiser at may kinuha. Pagkabalik nito may iniabot itong isang folder, nagtatakang napatingin ako sa kanya.
"Open it,"

Nagtataka man, binuksan ko pa rin ito. Kinabahan naman ako. Pagkabasa ko dito kusa nalang tumulo ang luha ko at hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin si Kaiser.

"Kaiser," Bigkas ko sa pangalan nito na halata ring nagulat sa ginawa ko. Naramdaman ko namang mabilis ang tibok ng puso nito, pati rin sa akin pero hindi ko yun pinansin.

"Hep! Hep! Ano yan? Bakit kayo nagyayakapan?! Kailan pa? Bespren? Dude?" Walang prenong sigaw ni Winston. Bumitaw ako sa yakap at tiningnan sila na may bahid pa ring luha ang mata ko.

"Oh my gosh! Keila, are you crying?"

"What the hell you did to Keila, Kaiser?!" Naghuhumentaryong sigaw ni Clynn at Hannah. Habang si Winston at Fynn naman ay nakatingin sa akin na parang isa akong taong hindi marunong umiya- 'First time, crying in front of them?'

"What? Wala akong ginawa,"

Well, crying doesn't mean your weak. It also means, too much happiness sa pag-iyak mo nalang idadaan. Tears of joy, kumbaga.
Hindi rin naman masama kung iiyak ka. I remember my Mom saying those words,

'Sweety, you can cry. Crying is one of the best thing you can do, if you cant hold back your emotion'

'Mom, Dad, I found him already. I found Kuya Kayne. Thanks to him'

"Papatayin talaga kita!" Pagbabanta ni Clynn. Tiningnan ko si Kaiser at nginitian. A genuine smile.

"Sinapian na ata si Keila" Narinig kong komento ni Fynn.

Dahang-dahang lumapit ako kay Clynn at niyakap siya. Nagulat pa ito.
"Wh-at-why are you crying?" Putol-putol nitong sambit sa akin.

"I found him, Clynn. I found him, makakasama ko na siya" Kumalas ako sa yakap at tiningnan ang nagtatakang mukha nito.
"Si Kuya Kayne! My brother!"

"Re-really?" Nanlalaking matang napatingin ito sa akin at niyapak na naman niya ako ng mahigpit. Napatigil naman kami nang may tumikhim. Si Kaiser pala.

"Seloso," Sambit ni Clynn. Binatukan ko lang ito at napa-aray. Tumungo ako kay Kaiser at tumabi. Tiningnan ko naman ang apat na naguguluhan.

"Can anybody explain what is happening the three of you?" Taas kilay na tanong ni Yurii. Ito na naman ang mga matang pamilyar sa akin.
Dahil nga sa masaya ang nararamdaman ko ngayon, ako na yung nag-kwento. All about my family, except sa patayan. Since they are my friends now. May kirot pa rin sa dibdib ko pag nabanggit ko ang nangyari sa amin.

"So, you have a brother. Hindi mo man lang sinabi sa amin, edi sana natulungan ka na namin." Said Winston. Napansin ko rin na naka-kunot ang noo ni Yurii na parang may ina-alala.

"Hindi ka naman nagtanong. But thanks to Kaiser, he found my Kuya"

Pagkatapos magka-moment sa HQ umuwi na kami. Since, wala akong dalang sasakyan, hinatid ako ni Kaiser gamit ang motor nito. Nag-presenta naman si Winston but piningot lang siya ng dalawa. Clynn at Yurii.

Hindi na ako nagpahatid sa unit ko at hindi rin naman nagtagal si Kaiser at umuwi na ito. Pero bago yun, nanghingi muna ng number ko at napagpasyahan naming bukas namin pupuntahan si Kuya.

Ilang minuto na rin ang nakalipas pero hindi pa ako dinadalawan ng antok. Tiningnan ko ang phone ko nang bigla itong nag-vibrate.

*Hey, sleep already? Kaiser.

Pagkabasa ko, bigla na lang tumibok ang puso ko. Napakagat ako ng labi para pigilan ngumiti. 'Shet lang'

-Cant sleep. Ikaw, bat gising ka pa?

Kakasend ko palang, may reply na agad.

*Same. I know you are thinking with your brother, just wait until tomorrow. It will gonna be fine.

Somehow, napapa-isip ako, sino ba talaga si Kaiser sa akin? Kakakilala ko pa lang sa kanya pero, nagagawa na niyang pagaanin ang loob ko.

-Thank you, Kaiser. Hindi ko alam ang gagawin kapag wala ka. Thank you. I will pay you.

I'm lucky to have him, I mean being friends with him. Noon si Clynn lang ang taong pinagkakatiwalaan ko, but now, having Hannah and Black Royalties beside me? Unti-unti kong naiintindihan ang salitang kaibigan.

*Date will do. Kidding', youre always welcome, Maxene. I will do everything just for you.

After I read his reply, iba na yung naramdaman ko. Parang lumala? I inhale and exhale, kapag pinagpatuloy mo ito, Kaiser, mababaliw na ako. Marami na akong problema, dinagdagan mo pa.

-Why you are doing this?

Hindi ko alam pero excited ako sa magiging reply niya. Kinakabahan rin ako. 'What if-'
Tiningnan ko ito nang may ngiti sa labi. Pero agad ring nawala nang mabasa ko ang reply nito.

'Of course were friends. What friends are for? Helping each other.

Right we are just friends. Nothing more, nothing less. Pero bakit nasasaktan ako?

Hindi ko nalang ito ni-replayan baka iba na yung masabi ko. Itulog ko nalang ito.

'Wait for me, Kuya Kayne'

*****

DEATH: The Bloody QueenWhere stories live. Discover now